CHAPTER 4: Tumbler

4K 227 56
                                    

Chapter 4: Tumbler


" Gusto niyo po munang pumasok sa bahay?" Nahihiyang tanong ko kay Ma'am Rayhana nang makarating kami sa tapat ng bahay. Sinabi ko namang kahit sa may street light lang ako sa tabi ng main road pero nagpumilit pa ito dahil gabi na daw.

She was tapping her fingers on the steering wheel habang nagmamasid ito sa paligid. Akala ko nga ay hindi nito narinig ang sinabi ko at uulitin ko na sana nang lumabas na siya. Napakagat labi nalang ako.

" Magandang hapon Fin!" Bati ni Aling Marta mula sa rooftap ng bahay nila at kumukuha ng sinampay niya. Saglit pa itong tiningnan ang kasama ko at lumaki ang mata nang makilala niya ito. " Ma'am kayo po pala." Natatarantang sabi nito at mabilis na nilagay sa basket ang mga gamit na hawak niya at inayos ang sarili.

Magulo kasi ang buhok nito at nakasuot ng mabulaklaking duster.

Malimit na ngumiti lang si Ma'am Rayhana at tiningnan ako. Binigyan ako nito nang tingin na pumasok na kami kaya nagpaalam na ako kay Aling Marta. Ayaw siguro nitong makilala pa siya nang ibang tao dito. Pero wala naman atang hindi nakakakilala sakanya dahil isa siyang Valle d'Aosta at dito talaga mismo siya nagsestay hindi gaya sa iba nitong pinsan na nasa ibang lugar.

" Where's your Mom?" Tanong nito pagpasok namin habang nililibot ang tingin sa buong bahay.

Simple lang naman ito at hindi pa kumpleto sa appliances at iba pang gamit. Isang set lang ng sofa ang mayroon kami at nabibili lang 'yon sa murang halaga kaya nahihiya ako kung saan ko ba siya pauupuin.

" Pasensya—"

Napalabi ako nang walang alinlangang umupo ito sa isang mahabang sofa at pinagkrus ang hita. Deretso ang tingin nito saakin kaya napaiwas ako nang tingin habang mahigpit ang hawak ko sa take out naming Jollibee. Pumunta pa kaming town para bumili nito.

" Gusto niyo po ba ng kape or soft drinks po?" Tanong ko at nilapag sa maliit na mesa ang dala ko.

" Water." Tipid na sagot niya.

Alanganing tumango naman ako at nagpaalam na ipagkukuha ko lang siya nang tubig. Hindi na siya sumagot kaya nagmamadaling pumunta na ako sa kusina. Kinuha ko ang pitsel sa ref at pinagsalin siya sa baso. Naghanap pa ako kung may pwede bang ipangmeryenda sakanya at nakita kong may cinnamon bread pa kaya iyon nalang. Nilagay ko ito sa plato bago bumalik sa sala. Naabutan ko siyang nakatingin sa mga display pictures namin kaya kinabahan ako.

" Ma'am—"

Nakita kong hawak nito ang picture frame, kung saan nakalagay ang picture ko noong bata pa ako. Nakakahiya.

Binalik niya naman ito sa kung saan niya kinuha at bumalik sa pagkakaupo. Nilapag ko na ang tubig nito at 'yong cinnamon.

" Pagpasensyahan niyo na kung 'yan lang ang meryenda niyo. Iyon nalang po kasi ang mayroon kami." Honest na sabi ko.

Tumango lang siya at kinuha ang baso  at uminom. Nakatitig ako sakanya pero agad ding napaiwas nang magtama ang tingin namin.

Nilaro ko ang mga daliri ko pero napatigil din nang maalalang suot ko pa ang suit nito.

" A-h Ma'am...'yong suit niyo po." Sabi ko at huhubarin na sana pero nagsalita siya.

" It's yours. " Nonchalant na sagot niya at kumain ng cinnamon.

Hindi ko na alam ang irereact o sasabihin ko. Hiyang-hiya na ako.

" Yong Jollibee po." Tukoy ko sa pagkain na binili niya.

" What about it?" Taas ang isang kilay na tanong niya.

Napakagat labi ako. Ang maldita niya. Nakakatakot kapag tinataasan ka na niya ng kilay.

Mystery Strings (Valle d'Aosta Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon