Chapter Fifteen
"Jeff... Ayaw talagang bumaba eh." Sabi ni Ninang Lily sa akin.
"Sige po, Ninang. Babalik na lang ako bukas."
"Eh, Jeff... Hayaan mo muna kaya siyang mag-isip isip?"
Natigilan ako. Parang hindi ko yata kaya yun.
"Hijo, believe me. Kapag ganyan si Phia, hindi mo talaga mapipilit yan. Ganyan siya mag-express ng pride niya. But she will realize later on, baka kasi talagang nasaktan siya sa nangyari. If she loves you, she will find a way to forgive you."
Tumango lang ako kay Tita. Sabay kaming napatingin nang may marinig kaming sigaw.
"Mom!!! Si Ate!!!"
Nagmadali kaming umakyat ni Ninang. Halos doblehin ko na nga ang steps ko para kaagad akong maka-akyat papunta sa kwarto ni Phia.
Pagpasok namin ay nasa sahig na si Phia. She is unconscious. I checked her pulse and her breathing.
"Tita, pahanda po ng sasakyan. Dalhin na natin si Phia sa ospital."
~*~
"Doc, good evening. How is my daughter?"
"Your daughter's fine. However, she needs to be observed for two days."
"Ano po ang findings?"
"Well... She has a mild ulcer. Kumakain ba siya regularly?"
"Kumakain naman po, Doc. Kaso madalas siyang mawalan ng gana."
"She needs appetite boosters kung ganun. I'll give her vitamins. Overall, yun lang naman ang nakita namin. But this needs to be fixed ha. Ayaw nating lumala ang ulcer niya."
"Yes, Doc."
Tahimik lang ako habang kausap ni Tita Lily ang doktor na tumingin kay Phia. Nailipat na namin sya sa private room. Naiwan naman ako dito sa room dahil mag-aasikaso ng Admission Forms si Tita.
Kasalanan mo 'to Jeff eh! Nagkakaganyan si Phia dahil sayo!
"Jeff, anak..."
"Yes, Tita?"
"I'll get Phia's things muna. Can you look after her habang wala ako?"
"Sige po, ako po muna ang magbabantay sa kanya."
"Call me if ever may problem, ha? Or if ever man na gising na siya, tawagan mo rin ako."
"I will, Tita."
Paglabas ni tita ng kwarto ay kaagad kong tinawagan si Colbin.
"Bro?"
"Bro? Colbz? Pa-ask lang ako ng favor."
"Uhm? What's that?"
"Pa-cover muna ng shift ko. Nagka-emergency lang."
"Ah, sure! Kayo ba yung in-assist ni Doc Perry kanina?"
"Yeah. Nagkasakit si Phia."
"Ah, sige Bro! Sabihan ko si Doc Myles."
"Bawi ako bukas. I need the whole 16-hour shift tomorrow."
"Seryoso ka?!"
"Para ako ang kasama ni Doc Perry mag-rounds bukas."
"Okay. Sabi mo yan ha."
"Sige. Thanks."
Tama lang yun, ako ang mags-straight duty bukas para madalaw ko ulit si Phia.