"Mommy, I wanna go to Pawestin."
"It's too far, anak."
"I wanna hewp the kids. Wet's go to Pawestin."
"It's too far nga, and there's war going on there."
"What's a war, mommy?"
"Fight. People are fighting in Palestine, we can't go there." Inip at hindi pinag-isipang sagot ng ina.
"Why?"
"Because they are fighting nga."
"Why they're fighting?" Pangungulit ng bata. "I saw the kids on TV. They're kawawa. I think they're affected sa fight. Can you tell their pewents to stop fighting? To stop the war. Mommy."
Blangkong nakatitig si Uriel sa batang babaeng kumukulit sa kanyang ina. Katabi ng mga ito ang iba pang nag-aabang din ng pedestrian signal sa traffic lights.
"I also watch fwam TV that there's a war on dwags. Mommy, what's a dwags?"
Ang kyuryusidad at pagpipilit na masagot ang mga katanungan ay nagresulta sa paslit para mapagalitan na ito ng inang nauubusan na ng pasensya sa paghihintay ng pagpapalit ng kulay ng ilaw at paliwanag sa anak.
"Tanong ka ng tanong! Magtigil ka nga. Puro ka kasi nood sa TV imbes na maglaro."
Digmaan. Droga. Karahasan. Politika. Prostitusyon. Ilan lang 'yan sa mga pangit na katotohanang nangyayari sa mundo na kinamumulatan na ngayon ng mga inosenteng dapat ay naglalaro lang sa magandang imahinasyon kasama ang mga made in China na laruang 99% gawa sa lead. Lason mula sa bagay at mga pangyayari -- Ito na rin marahil ang huhubog sa pagkatao ng mga tinawag ni Rizal na pag-asa ng bayan.
"Kuya, pera niyo nga."
Nawala ang atensyon ni Uriel sa makulit na babaeng paslit at lumipat sa gusgusing batang kumalabit sa kanya upang hingan siya ng limos.
"Sige na kuya."
Dinaig niya ang bingi't bulag at parang walang napansin. Muli niyang ibinaling ang atensyon sa kabilang dulo ng pedestrian lane.
"Kuya pengeng―"
"Eh kung bibigyan kita ng pagkain? Gusto mo ba o pera pa rin?" Kwestyon ng kasama ni Uriel nang ito naman ang sunod na hingan ng batang nanlilimos. "Umuwi ka na nga. 'Lam ko may bahay ka pa't magulang. Suma-sideline ka na naman."
Nagkaroon pa ng kakatwang diskusyon sa pagitan ng gusgusing bata at ni Jessy, di na namalayan ang tila robot na pag-andar ng mga tao nang humudyat ang kanina pa hinihintay na pedestrian signal.
"Aba't iniwan―" Humabol na lang ito kay Uriel kaisa magreklamo pa sa pang-iiwan ng kaibigan. Ang batang matinik naman ay back to business na rin.
"Oy ano ba talagang balak mo?" Tanong nito nang makarating sila sa kabila at patuloy pa rin sa paglalakad ngayon sa sidewalk. "Bihis na bihis ka pa, di ka rin lang pala sisipot. Ikaw pa talaga na lalaki mang-iindyan do'n sa babae. Ang pogi mo naman tsong. O takot ka na baka multuhin ni Alessa?"
"Umuwi ka na." Tanging sambit ni Uriel.
Hindi sinasadyang nagkita lang ang dalawang magkaibigan kanina at ngayon nga'y hindi na siya nilubayan ni Jessy nang ipaliwanag niya rito kung bakit siya nakabihis ng medyo pormal.
"Eh ikaw? Sigurado kang wala kang balak magpakamatay ha? Kasi alam ko 'yan ang hobby mo. Malas mo nga lang at pinagpupustahan ka pa ni Elohim at ni Beelzebub. Pareho silang undecided pa kaya di ka pa rin natutuluyan."
Hindi na ito kinibuan ni Uriel dahil wala naman siyang panahon sa kawirduhan ng kaibigan.
"Hoy ano?" Pangungulit ni Jessy.
"Hindi ako magsu-suicide. Maghahanap ako ng apartment."
"Bubukod ka na? Magbubuhay independent?"
"Ayaw ko na maging sunod-sunuran." Iritang sagot ni Uriel. "Twenty-seven na 'ko―"
"Di pa graduate sa college."
"Maghanap na nga lang tayo ng apartment."
"Bubukod ka na talaga?"
Akmang magsasalita ang binata nang biglang may makabanggaan ang mga ito sa paglalakad.
"Sorry, sorry." Saad ng babaeng napakapit sa magkabilang balikat ni Uriel para di tuluyang matumba. Nang makatayo ng maayos ay saka muling nagpatuloy sa pagewang-gewang na paglalakad. Halatang wala sa wisyo dahil amoy-alak at kapansin-pansin rin sa di balanseng pagkilos.
"Oy p're, diba si Mikaela 'yon?" Di makapaniwalang saad ng kanyang kasama na binalikan pa talaga ng tingin ang babae samantalang siya ay nagpatuloy lang sa paglalakad. "Hoy Uriel! Tulungan natin siya baka mapa'no siya. Lasing e."
"Eh di, tulungan mo." Sa pagkakaroon ng sandamakmak na issue sa buhay ay nawalan na rin siya ng pakialam sa buhay ng iba.
"Di ka man lang ba concern?" Kwestyon sa kanya ng kaibigan. "Parang di mo siya naging crush no'ng elementary ah."
Saglit siyang napalingon sa likod nang di humihinto sa paglalakad, out of sight na ang babae pero may kumpulan ng mga tao sa gitna ng highway na di rin naman niya binigyan ng pansin.
BINABASA MO ANG
Divine Dramedy
Short Story"This story will make you feel sane because you'll either feel less alone in your crazyness or you'll realize how crazy I actually am and you'll suddenly feel normal." ―Nobody said this in the book, but somebody should have