"Aaaaaabby.... ta...ma... na.."
Tumingin ako sa likod ko at ayon ano pa nga ba pagod na ang mga lola niyo.
"Ano ba naman kayooooo baka mawala nanaman siya..." sabi ko at hinigit silang dalawa para magpatuloy sa paglalakad.
Sinusundan kasi namin si Yuu. Ang pinaka astig at cute na crush ko na lesbian sa school namin at ito nga sinusundan namin siya para malaman ko kung sino man ang hitad na kikitain nitong mahal kong to. Alam niyo kasi medjo... ay hindi... masyado kasi din ang pagka malandi non.
"Aaaaabby..." sasapukin ko na sana yung dalawa dahil reklamo ng reklamo. Kala mo naman hindi din ako naglalakad!!! Hello!!! Pagod na din kaya ako... pano ba kasi itong si Yuu kung san san pa pumunta nakakaloka hindi na lang dumiretso don sa hipon na kikitain niya... anyway... yun nga pero biglang lumingon si Yuu kaya agad naman kaming tumalikod at nagpanggap na natingin sa mga showing na movies ngayon.
Sa dinami-dami kasi ng pinuntahan namin dito tumigil si Yuu at ngayon nasa may cinema na kami siguro nakikipagharutan yung babaeng yon sa loob ng cinehan nakooo... hindi maaare!!! Hindi ako makakapayag!!! Magkamatayan na!!!
--------------------------------
BINABASA MO ANG
In Search for Mr. or Miss. Right
Teen FictionMy name is Blue Abbygail Santillian at isa akong Bisexual at ang pinaka uhaw sa pagmamahal na babae na makikilala niyo. Well, kung gusto niyong malaman kung gano ako kauhaw... magbasa na lang kayo guys... joke... Ahmmm sa sobrang pagkauhaw ko nagawa...