28.
Prologue
Third Person's POV
Nakasandal lamang si Ponzi sa isang pader malapit sa lugar na pinagtitirikan ng kandila ng mga nagsisimba. Nakatingin lamang siya sa kawalan na animo'y may hinihintay. Hindi niya alintana kahit pa pinagtitinginan siya ng ibang mga taong natatandaan ang ginawa niyang pagsigaw sa gitna ng misa kani-kanina lang.
Ilang sandali pa'y tuluyang dumaan ang pinakahihintay niya kaya naman nang makitang nag-iisa lamang ang dalaga habang nagtitirik ng kandila ay pasimple niya itong nilapitan.
Pinagmasdan ni Ponzi ang dalaga habang nakapikit ito sa harap ng mga kandila at nagdarasal. Tinitigan niya ng maigi ang mukha nito hanggang sa hindi na niya napigilan ang kanyang sarili't agad na niya itong niyakap mula sa likuran.
"Sisa you scared the shit out of me. Parusa ba 'to kasi natagalan ako sa paghahanap sa'yo?" Mahinang sambit ni Ponzi sa dalaga saka ibinaon ang mukha niya sa balikat nito.
"O-oh my God... K-kuya bitawan mo po ako, promise po ibibigay ko sayo ang pera ko just please let go of me." Nauutal nitong sambit na para bang takot na takot kaya naman agad na napabitaw si Ponzi at unti-unting umatras.
"Oh my God! Ikaw yung baliw kanina!" Biglang sambit ng dalaga nang humarap ito sa kanya.
Labis na nagulat at naguluhan si Ponzi nang makita ang naging reaksyon nito sa kanya. Kamukhang-kamukha ito ni Sisa kahit pa magkaiba ito ng pananamit at estilo ng buhok, Parehong-pareho sila ng boses, pero kailanma'y hindi nakita ni Ponzi na natakot sa kanya si Sisa gaya ng takot na nakikita niya ngayon sa mukha ng dalaga.
"S-sisa?" Kunot-noong sambit ni Ponzi na hindi na halos makapagsalita dahil sa gulat at lito.
Umiling-iling ang dalaga saka bahagyang umatras mula sa kanya, "Po? Hindi po Sisa ang pangalan ko, nagkakamali po kayo. Baka po magkamukha lang kami." Kalmado nitong sambit saka nahihiyang ngumiti kay Ponzi.
Hindi na alam ni Ponzi anong gagawin, ang kaninang saya niya ay agad na naglaho kaya nasapo na lamang niya ang ulo saka napailing-iling, "S-sorry miss, magkamukhang-magkamukha kasi kayo." Aniya na hindi na ulit halos matingnan sa mukha ang dalaga.
"Hey are you okay? You don't look so good." Nag-aalalang sambit ng dalaga at hahakbang sana papalapit kay Ponzi nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang sigaw.
"Oh come on! Ba't ang ibang tao kapag nangcha-chansing, nadadala sa sorry? Ba't pag ako pinapa-baranggay na agad?!" Paghihimutok ni Jojo na kanina pa pala nakatanaw sa kanila, "Teka akala ko kamukha ka lang ni Sisa? Sisa ikaw ba talaga yan?" Kunot-noo nitong sambit habang nakatingin sa dalagang labis na naguguluhan.
"Hindi po ako si Sisa, Mary po ang pangalan ko." Naguguluhan man, pilit paring ngumingiti ang dalaga sa kanila.
"Mary?" Agad nakunot ang noo ni Ponzi.
"Mary? ang banal naman!" Humalakhak si Jojo, "'Di yan si Sisa pre, masyadong banal." Dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?