(Justine's P.O.V)
Paglabas ko ng elevator, ay patuloy ako sa pag.iyak. Lahat ng sinabi ko sa kanya, ay hindi totoo. Kasi hanggang ngayon, I still love him.
"tama lang ang ginawa mo." I talking to myself in front of the mirror. Nasa loob ako ngayon ng restroom.
"sinong kausap mo?" Nagulat ako sa nagsalita. Si jake lang pala.
"kanina ka pa d'yan?" tanong ko. Lumapit sya sa'kin.
"I just got here. May kausap ka bang hindi ko nakikita?" tanong nya. Hindi nalang ako umimik.
Naghilamos ako ng mukha, para hindi nya mapansin na kagagaling ko lang sa pag.iyak.
I wipe my wet face, using my handkerchief."ok, nice talking to myself." sabi nya. Napatingin ako sa kanya.
"mauna na'ko." sabi ko. Pero pinigilan nya 'kong umalis.
"may problema ka ba?? lately, napapansin kong hindi ka na sumasama sa'min." sabi nya.
"wala. Stress lang ako sa daming paperworks na pinapagawa sa'tin." alibi ko. Pero tinitigan lang nya 'ko.
"lier!! si adrian 'no?" tanong nya. Umiwas lang ako ng tingin.
"sabihin mo na, makikinig ako." sabi nya. Napabuntong hininga ako.Wala akong nagawa, kundi sabihin kay jake ang nangyari sa elevator kanina. Tamihik lang syang nakikinig, habang patuloy lang ako sa pagkukwento. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat, ay sya naman ang may inamin sa'kin, tungkol sa pinag.usapan nila ni adrian. Nung gumawa si adrian ng eksena sa cafeteria.
"gusto ka talaga ni adrian." sabi ni jake.
"gusto, pero hindi mahal." sabi ko.
"takot lang syang umamin sa lahat, takot syang mahusgahan ng lipunan." pagtatanggol ni jake.
"takot?? eh ako?? hindi ba 'ko natatakot?? natatakot din ako. Kung takot sya, dun nalang sya sa girlfriend nya." sabi ko. At iniwan ko na si jake.
Nagtatalo ang isip at puso ko, sa sinabi ni jake. Natutuwa ang puso ko, kasi matagal kong pinangarap na magustuhan ako ni adrian, na higit pa sa isang matalik na kaibigan o sa anumang kasunduan. Ngunit nagagalit ang isip ko, dahil duwag syang ipaglaban ako at ang mas malala pa, nagkaroon sya ng girlfriend. Ang sakit nun!! ang sakit sakit!! at ang hirap tanggapin sa sarili ko. 😢
(Jake's P.O.V)
Pagkatapos magwalk-out ni justine, ay umihi na'ko at naghugas na ng kamay ko. Bumalik na 'ko sa classroom at umupo sa pagitan nila hubby at justine.
"bakit ang tagal mong bumalik?" tanong ni hubby.
"ang haba kasi ng pila dun." alibi ko. Sabay tingin kay justine. "hindi ba, just." sabi ko. Tumango lamang sya.
"nagbigay na naman ng flowers at chocolates ang secret admirer mo." sabi ni hubby. Napangiti ako sa pagseselos nya.
"oh, bakit ka napangiti d'yan?? kinikilig ka ba sa secret admirer mo?" tanong nya. Umiling ako at bumulong sa kanya.
"ang cute mong magselos." bulong ko.
"tss.. cute ka d'yan." sabi nya. Sabay layo sa'kin.
Kinuha ko ang kaliwang kamay nya at nagsulat sa kanyang palad ng "I love you" pagkabasa nya ay napangiti sya, at nagsulat din sya sa palad ko ng "I love you too". Hanggang sa nagkulitan na kaming dalawa.
"ahem! wala kayo sa kwarto nyo." mahinang sabi ni justine. Napatigil kami ni hubby at napaayos ng upo.
"kj!" sabi ko. Nginitian lang nya 'ko.
YOU ARE READING
Casual Lovers [Completed]
Roman d'amourWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...