chapter 5

2 0 0
                                        

i have a semicolon tattoo behind my ear, nagpalagay ako nito ng patago at hindi nila nalalaman. i just had it last year, akala ko nga nakita na ni kuya kasi nakita ko siya once na nakatitig sa tenga ko yun pala may sugat lang.

i don't want to die if someone ask, i just find peace kapag nag c-cut ako. kung gusto niyong mamatay, edi kayo na lang.

"bakit maga mata mo gago?" tanong sakin ni venetia.

"dahil yan sa sibuyas, naghiwa ako kanina eh" pagsisinungaling ko, umiyak ako nang umiyak kanina kaya ganyan.

"grabe namang sibuyas yon, sinasaktan ka talaga" aniya. bobo talaga to at uto uto.

papasok na kami sa room, wala pa si theodore. lagi naman siya nauunang pumasok sa akin. ano ba yan, sana wag siya umabsent.

our class started, wala pa rin siya. until he came, he's 45 minutes late.

"goodmorning ma'am, sorry I'm late. may emergency po kasi sa bahay, may i come in?" aniya theodore.

tinanguan lamang siya ni sir ramos, kaya naman umupo agad si theodore sa gilid ko. nag hi naman ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin, kahit tignan lang wala. my feelings were hurt, of course crush ko yon eh.

hindi na ako nakinig kay sir, dahil don sa nangyari kanina. nakatulala ako habang nag di-discuss siya. bakit bigla namang ganon theodore?

recess came, lagi siyang niyayaya ni venetia kaya kinausap niya ito pero sabi raw ni theodore sa kanya pass siya ngayon kasi may kasabay siya. venetia asked me bakit hindi kami nag-uusap, sabi ko sa kanya na hindi niya ako pinapansin. she was shocked, first time rin tumanggi ni theodore sa kanya.

"of course, masungit siya eh. baka pati ako sinusungitan niya na rin" sagot ko kay venetia, she asked me if nasaktan daw ba ko. malamang? duh.

"hahahahaha" she just laughed, tapos nakatingin siya sa likod ko habang nakangiti. hindi naman ako tumingin sa likod kasi kumakain ako, pake ko sa tinitignan niya.

"kanina ka pa nakangiti dyan, sino ba nasa likod ko?" i asked her.

"pogi, basta wag ka na tumingin baka sayo pag mag-kagusto yan at hindi sa akin" she answered.

"diba may gusto ka kay samson?" tanong niya bigla

"paulit-ulit ko bang sasabihin? alam mo naman sagot eh, mahuhurt ba ko kanina kung wala akong gusto sa kanya?" sagot ko naman

"HAHAHAHAHAHAHAHA" lumakas bigla ang tawa niya kaya naman ang daming tumingin sa amin na mga tao.

"gago, wag ka naman maingay. mahiya ka naman"

"sorry, natuwa lang ako"

habang kumakain kami ay biglang may naglagay ng tatlong coke sa table namin, sino ba to tanginang to ah.

"really? you like me?" tanong niya.

"ha? baliw ka ba?" sagot ko.

"you like me" aniya theodore.

umalis naman si venetia sa harapan ko at pumunta ata yon kay vanessa. vanessa became busy rin, ewan ko may bf daw siya eh.

"narinig mo naman ata, nagtatanong ka pa"

"yeah, you're so cute" aniya

tinarayan ko lang siya pero deep inside sasabog na ako, tangina alam niya na may gusto ako sa kanya. pano na to? baka mamaya mag iba yung pakikitu-
di ko na natuloy yung iniisip ko nang bigla siyang nagsalita.

"i like you too if you're gonna ask, since day 1"

my eyes got bigger, crush ako nang crush ko? shet.

Forever PeaceWhere stories live. Discover now