Chapter 24

6 1 0
                                    

Inangat ko naman ang aking ulo upang makita ko siya. Nakasandal ito sa pader habang mayuming nakatingin sa akin.

Hindi ako nagsalita, pero nakatingin pa rin ako sa kanya, hinihintay ko siyang dugtungan ang sasabihin.

"Ngayon alam ko nang hindi ako marunong mag-handle ng oras sa tamang paraan. Alam kong kulang ang oras at atensyon ang ibinigay ko nitong mga nakaraang linggo."

Nanatiling akong tahimik.

"I'm so sorry, Jo. I know you're annoyed with me. I understand that; I understand your feelings. It is my fault for not giving time to my girlfriend. Pero ngayon mas naiintindihan ko na, mas ima-manage ko na ang time and atensyon ko sa lahat ng bagay."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi pa rin ako nagsasalita, kahit gusto kong mabanggit niya ang isa pa sa kinaiinisan ko.

"About kay Yyezha." doon ay napukaw ulit ang aking paningin kaya't tiningnan ko ulit si Meds.

"Alam kong hindi pa rin kayo ayos. Hindi pa rin tayo ayos sa isyu na 'yon. Alam kong nagseselos ka..." malumanay siyang ngumiti, "May karapatan ka naman."

Namula ako sa ngiti niya at sa kanyang sinabi.

"Sa mga oras na hindi tayo nagkikita o napag-uusapan ang mga bagay sa ating buhay, pangako naka-focus lang ako sa paaralan at simbahan. Wala nang iba."

Napa-yuko naman siya, "Doon sa nakita mo noong nag-pictorial kami. Nabigla rin ako roon. Hindi ako naka-explain agad sa'yo kasi sobrang busy na talaga. Alam ko, kasalanan ko 'yon. Jo, Devi." huminga siya nang malalim, "Matapos 'yon, pinagsabihan ko si Yyezha. Humingi siya ng tawad. Sinabihan ko rin na mag-sorry sa'yo dahil alam kong mas nasaktan ka." Napatingin siya sa akin na tila'y may gustong tanungin.

"Kinausap niya ako kanina. Noong nag cr ako, tinawag niya ako bago ako makapasok doon. Nag-sorry siya sa akin." sabi ko.

Totoo, nag-sorry si Yyezha sa akin. Crush na crush niya talaga si Meds kaya nagawa niya ang mga bagay na 'yon. Kahit naiiniis pa rin ako sa ginawa niya noong nalaman niyang mag-jowa kami ni Meds— napatawad ko siya.

Pero syempre hindi na mababalik ang mga pagkakataon na close kami sa isa't-isa. Dahil maliban sa nawala na ang tiwala ko sa kanya—lilipat na rin daw pala siya ng school, mabuti naman.

Naalala ko pa ang mga kaganapan na 'yon. First quarter ngayong grade eight kami. Groupings. Katulad ng payo ni Meds, bibigyan ko na ngayon ng pagkakataon ang iba naming mga kaklase na maging leader o mag-share. Si Yyezha ang napili namin.

Siyempre tumutulong pa rin ako sa kaniya, sa kanila. As member dapat ganoon naman talaga ang ginagawa.

Pero noong pinasa niya na ang aming proyekto, hindi niya nilagay ang pangalan ko. Mabuti kung mabait ang teacher namin at pwede pa naming bawiin ang project na 'yon at ilagay ang pangalan ko—pero hindi na pwede, istrikto ang teacher na 'yon. Kung anong lang ang napasa, 'yon lang.

Akala ko noong una ay nakalimutan niya lang ako ilagay, pero noong kausapin ko siya upang humingi ng tulong na kausapin si Ma'am ay walang bahid ng pagsisisi sa mukha niya at ayaw niya akong kausapin.

Bilang isang grade conscious, masakit sa akin ang mga kaganapan. Grabe rin effort ko. Nagyabang pa kami ni Meds noon. Tapos mapupunta sa wala!

Iyak ako nang iyak, wala na akong pake kahit madaming nakakakita dahil uwian na 'yon at na sa daan kami. Mabuti na lang at naroon sila Charls, Jernine at Ashley. Inaako na rin ako ni Meds.

Hanggang sa na open ni Meds na may nabanggit si Yyezha sa kanya noon na gusto siya nito, nagkaroon kami ng conclusion na baka nainis si Yyezha sa akin kaya niya 'yon ginawa.

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now