Chapter 1

4 0 0
                                    

Kinuha ko ang clamp ko sa buhok sa ibabaw ng kamang sobrang pino ng pagkakalapat ng bed sheet na nakatatakot magalaw at baka malukot. Basta ko na lang inipit ang mahaba kong buhok kahit pa basa pa 'yon dahil katatapos ko lang maligo. Nagmamadali na rin kasi ako at pupunta pa ako sa lilipatan naming bahay. Iyon naman ang lilinisin ko kasi katatapos ko lang sa bahay namin dahil bukas ay pupunta na ang may-ari rito.

Ako lang kasi talaga ang naglinis ng dalawang palapag na bahay na 'to nang mag-isa kasi busy sina Ate Faith at Cairon sa school activities. As the Supreme Student Government Secretary, she has too much work to do. Cairon, on the other hand, is the school baseball captain and it's the intramurals week at the Saint Catherine Academy so, it's really understandable that they are both busy. Pagod na ang dalawang 'yon kapag umuuwi galing school at dahil wala naman akong ganap sa school bukod sa maging patatas kahit pa intramurals week din namin, ako na ang gumawa ng lahat.

And why am I not? Simply because I am studying in a different school.

Ako lang talaga ang naiiba sa aming tatlo, as in. Ikaw ba naman ipatapon sa public school at binalaang huwag magpapakilala kung sino ka talaga ng mga magulang mo kasi ayaw nilang masira ang "reputation" kuno nila dahil nga nagrerebelde ka. Hindi naman talaga ako nagrerebelde, okay? I just learned how to speak and use my voice but they didn't like it. They wanted us to be obedient but I don't want to if I am sensing and seeing something wrong.

Isa pang dahilan kung bakit ako ang naglilinis ng lahat kung kayang-kaya naman naming kumuha ng mga magllinis kahit pa ilan is because disobeyed my parents once again. They were mad at me for sharing such information against the man my father is working for. Ano namang mali to spread awareness that the governor of this city is a greedy man for power and influence?

"Hope, saan ka pupunta?"

Nilingon ko si Felix na kalalabas lang ng gate nila at mukhang kagigising lang. Kapitbahay namin sila at hindi na rin nakapagtatakang naging magkaibigan kami lalo pa at pinili niya ring mag-aral sa school kung nasaan ako. Hindi ko nga rin alam bakit hindi pumasok ang isang 'to, eh. Player siya ng tennis sa school namin kaya dapat nagti-training siya kahit na Friday pa ang laban niya at Wednesday pa lang ngayon. Basta ako, hindi ako pumasok kasi hindi naman required.

"Sa bahay na bago." Kinamot ko ang sariling kilay. "Maglilinis ako roon, eh."

His eyebrows furrowed. "Huh? Ikaw na naglinis nitong bahay niyo tapos ikaw pa rin doon sa bago?"

I shrugged. "Wala 'kong choice, idol. Kaysa naman mabawasan ang allowance nina Cairon nang dahil na naman sa akin."

"Sama 'ko," aniya at naghikab bago ginulo ang magulo nang buhok. "Magbibihis lang ako."

I opened my mouth to protest but he already turned his back on me and walked inside their house. Itinikom ko na lang ang mga labi at naghintay na lang. Wala rin naman akong magagawa kung gusto niyang sumama, paladesisyon naman siya, eh.

Saka, mabuti naman at naisipan niyang magbihis. Sira ulo naman kasing naka-boxer lang nang lumabas at wala pang suot na pang-itaas. Pinagtitinginan na tuloy siya rito ng mga dapat napadaan lang tapos mga naghintuan na. Kilig na kilig pa sila. Kadiri.

Guwapo naman talaga si Felix, 'yon ang totoo. He has the most attractive chinito eyes that I have ever seen and a charming smile that can melt someone's heart. His features were soft, making him look like an innocent boy who can't even break a plate.

But, of course, looks can be deceiving. He wasn't as innocent as he look like. Ang sama kaya ng ugali niya. Pareho lang sila ni Cairon, mga sira ulo.

"Tara na!" masiglang yaya ni Felix pagkatapos i-lock ang gate ng bahay nila. I guess, wala na naman sila Tita at siya lang naiwan mag-isa.

Just Another StrangerWhere stories live. Discover now