CHAPTER 6: Stealing kiss

4.1K 229 88
                                    

Chapter 6: Stealing kiss

Paglabas namin nang library ay nagulat ako dahil madilim na. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang malapit nang mag 7pm. Ang tagal pala namin.

" Gagi 'di natin namalayan." Komento ni Pixie.

Gumawa kami ng research paper namin dahil sabado bukas at manunuod kami ng laro ni Syxth kaya ngayon na namin ginawa at tsaka libre ang wifi sa library.

Tatlo rin kami sa grupo at mabuti nalang academic achievers mga kaibigan ko kaya grade conscious din sila. Walang pabigat.

Marami parin namang students dito kahit gabi na dahil 'yong iba may night class pa tsaka safe parin naman kasi dito kahit gabi na. Ganitong oras marami pang tumatambay sa field.

" Pagod na ako..." Nakangusong sabi ko. Ang layo ba naman kasi ng main gate.

Tinawanan naman nila ako at inakbayan pa ako ni Wil pero lumayo ako. Pagod na nga ako aakbayan pa.

" Okay lang 'yan. Cute mo parin kahit pagod ka. " Umirap nalang ako. Wala na ako sa mood ngayon.

Sakto namang malapit na kami sa main gate nang may humintong sasakyan. Hindi familiar kaya hindi ko na pinansin.

" Hoy si sugar mommy mo!" Hinila ako ni Wil kaya nagtaka ako.

" Ano? Pagod na ako Wil. Wag ngayon." Seryosong sabi ko. Feeling ko na drained lahat ng energy ko ngayon. 

" Miss Avanzado." Mabilis akong napalingon sa boses na 'yon at lumaki ang mata ko nang makita ko si Ma'am Rayhana papalapit saamin. Siya pala may-ari nang kotse na 'yon. Hindi naman kasi iyon ang lagi niyang ginagamit.

" Ma'am." Mahinang sabi ko dito nang makalapit na siya.

" Good evening, Miss Dean." Bati nang dalawa dito na tinanguan lang niya bago ako binalingan ulit ng tingin. Agad na umiwas ako kaya nakita ko pa ang pigil ngiti ng dalawa kong kaibigan ko.

" Going home?" Nanatili akong tahimik at hinintay na sumagot sila Pixie. " You're mute now, Miss Avanzado?"

Napalingon tuloy ako sakanya. Nakakainis kasi sila Wil. Bakit hindi nalang sila ang sumagot.

Tumango ako. " Yes po pauwi na."

She was staring at me thoroughly kaya umiwas na naman ako dahil sa epekto nang mga tingin niya.

" Come on. I'll take you home." Gulat naman akong napatingin sakanya.

" P-o?"

Narinig ko ang hagikhik nang dalawa na parang tuwang-tuwa sa nangyayari.

Hindi na siya sumagot at lumapit saakin at kinuha ang dala kong laptop at tumbler. " I'll take you home." Ulit niya at hinila na ako papunta sa sasakyan.

" Pero Ma'am—"

" What?" Taas kilay na tanong niya.

Napalingon naman ako sa dalawa at naghahampasan na silang dalawa habang nakatingin saamin.

" Pero kasama ko po si Wil pauwi." Sagot ko.

" Okay lang Fin. Una na kayo! Iuwi mo na 'yan Ma'am pagod na daw eh." Sabi ni Wil.

" Wil ano ba." Saway ko dito dahil nakakahiya kay M'am.

" Isasabay na natin ang kaibigan mo." Sabi nito na ikinagulat nilang dalawa. " You're Wil?" Tanong niya kay Willa na tulala na kay Ma'am kaya kinurot siya ni Pixie.

" A-h opo. " Bigla nahiya ito. Aba may hiya din pala.

" Get in. How about you?" Baling niya kay Pixie.

Mystery Strings (Valle d'Aosta Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon