Chapter 7: Sacred dwelling
Sinundo ako ni Time sa bahay at dinaanan narin namin si Wil. Magkita nalang kami nila Pixie sa school.
" Excited na akong makita ang myloveess kong maglaro." tili ni Wil habang nasa backseat. Malapit narin kami sa school.
" Myloveess? Weh?" Tanong ko sakanya para asarin siya.
" Ay porket my su—"
" Tumahimik ka." Saway ko na ikinatawa niya nang malakas.
Nilingon naman ako ni Time. " You have someone na?"
I bit my lower lip dahil hindi ko alam ang tamang sagot. Someone? But the things between us wag vague and confusing...but it feels illegal when I'm denying her to people.
But she kissed my cheek last night...it means something right?
" May tanong ako..." Nagdadalawang isip na tanong ko. Nakita kong naging attentive naman sila saakin. " W-hat does it mean when someone k-iss your cheek?"
Malakas na napasinghap si Willa. " Oh my goodness! One point sa manok ko! Kinikilig ako!!!" Sigaw nito.
" Someone kissed you?" Gulat na tanong ni Time.
Namula ang buong mukha ko sa tanong niya at hindi siya matingnan nang deretso sa mata. " Sagutin niyo nalang ang tanong ko." Nakangusong sabi ko dahil namumula na talaga ako sa hiya.
" You're so innocent. " Time giggles. " Kiss sa cheek? It depends to your relationship. May mga friendly kiss kasi. Pero kung kayo of course it means something like love. Diba Wil?" Baling niya kay Willa na mabilis tumango.
" Oo. 'Yong kiss niya meaning gusto ka niya. Ako na magdedesisyon kasi halata naman." Wil said.
My cheeks flushed. Gusto niya ako? Si Ma'am Rayhana? But she never said that. What if nag-aassume lang kami na gusto niya nga ako?
" So who's this 'someone' who kissed you and make you blushed so hard like this?" Tanong ni Time na halatang nang-aasar. " I think nakuha niya ang atensyon mo because you're conscious about it. " Dagdag niya.
" Ay matagal na Time pero manhid lang siya at in denial. " I glared to Wil pero tinawanan lang ako. " Ganda mo beshy."
Dumating na kami sa school at hindi tumigil si Wil sa pang-aasar saakin. She asked me about the kiss. Details daw. Like what details?
" Kung may award sa pagiging clueless, hakot award ka Fin." Natawa si Time habang ako ay kinurot siya sa bandang braso na ikinangiwi niya.
" That's what makes her attractive, Wil. Kita mo nga maraming nagkakagusto sa kaibigan natin. " Inakbayan ako ni Time.
Hinihintay pa namin si Pixie bago pumunta sa oval.
" Haba ng buhok eh." Hinaplos ni Wil ang buhok ko, nang-aasar na naman.
Dumating narin si Pixie kaya pumunta na agad kami sa Oval para makahanap nang magandang space. Sakto namang pag-upo namin ay tumunog ang cellphone ko.
Syxth calling...
Sinagot ko naman agad.
" Hello?" I said.
" Pupunta ka?" Tanong niya.
" Oo nandito na kami. "
" Where exactly?" Narinig ko pa ang ibang boses sa paligid.