34

639 18 0
                                    

Author's note.
Gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na aabutin ito ng 100 chapters. Yun kasi ang bagong goal ko as a writer. Kaya sana subaybayan nyo to hangang sa huli. Dahil may nag request ng pov ng mga kontrabida natin, sige ito na.

**Larra's Pov**

Ngayong nakabalik na si Everlie at Garri, kailangan ng kumilos ni Gabby gaya ng ipinangako nya sakin. Sa ngayon ipag kakatiwala ko na muna sa kanya si Garri at Everlie. May mas importante kasi akong aayusin ngayon. Ngayon na buhay pala ang daughter ng tumatayong parents ko, hindi ako dapat makampanti nalang.

Lahat ng inutusan ni dad and mom na hanapin ang lalaking kumuha sa anak nila, lahat ng yun ay hinarang ko sa pamamagitan ng pera. Naging madali naman yun para sakin, isa pa walang tumatangi sa kagandahan ko.

Hindi na dapat makabalik ang tunay na anak nila. Masaya na si dad and mom nung wala sya, ako lang ang kailangan nila. Huwag ka ng umeksena pa Erceles!

"Bakit hangang ngayon ay wala pa rin silang nakukuhang information kay Sebastian?" Pag aalala ni mommy. Kasalukuyan namang umiinom ng tea si dad. Palihim akong napangiti, wala talaga silang makukuhang information dahil hinaharangan ko ang mga ito.

"Mag hintay pa tayo mahal ko, siguradong mahahanap din nila si Sebastian. Hindi mag tatagal at makakasama na din natin si Erceles." Wika ni dad.

Huwag na kayong umasa na makikita nyo syang buhay dahil uunahan ko na kayo. Ako lang ang magiging taga pag mana nyo at wala ng iba.

"Excited kana bang makita ang kapatid mo Larra?" Nakangiting tanong ni mommy. Umupo ako sa tabi nito at hinawakan ang dalawang kamay nya.

"Yes naman po, pangarap ko talaga ang mag karoon ng kapatid. Natutuwa ako dahil buhay pa si Erceles." Nakangiting wika ko dito.

"Hindi mag tatagal at makakasama na din natin sya. Mas magiging masaya ang pamilya natin." Muling wika nito.

Hindi ko hahayaan yun mommy, ako lang ang magiging anak nyo. Hinding hindi na makakabalik sa inyo ang Erceles na yun.

Nag paalam na ako kay dad and mom dahil may meeting pa ako sa company. Lumipas ang mag hapon at napag pasyahan ko ng umuwi. Paalis na ako ng office ko ng biglang tumunog yung doorbell. Hinayaan Kong pumasok ito sa loob ng office ko. Napakunot ang noo ko ng si Gabby ang makita ko.

It's bean 3days simula ng may mangyare samin. Ano naman kaya ang kailangan nito sakin?

"Sana tumawag ka muna bago ka pumunta dito." Medyo cold na wika ko. Tumayo ako at nilapitan ito.

"Na miss lang naman kita, bakit ba ang sungit mo ata sakin ngayon baby?" Wika nito at agad akong hinalikan sa leeg. Pinigilan ko naman ito dahil baka may makakita samin.

"Ano ba Gabby!" Inis na wika ko dito.
Ngumisi ito at naupo sa sofa kaya naupo ako sa katapat nito.

"Ano ba ang sinadya mo dito?" Nakakunot noo na tanong ko.

"Nag sisimula na si Garri and Everlie sa pag hahanda sa kasal nila. Ibibigay ko sayo ang mga details lalo na kapag mag isa lang si Garri. Ikaw na ang bahala sa kanya at ako naman ang bahala kay Everlie." Wika nito kaya napangiti ako.

"Siguraduhin mo lang Gabby na magiging maayos tong plano natin." Paalala ko dito.

"Oo naman, basta para sayo." Wika nito. May pag ka uto-uto din itong si Gabby, pero malaki ang tiwala ko sa kanya sa plano na ito. Isa lang naman ang habol nya sakin ay ibibigay ko yun sa kanya.

**Everlie's Pov**

Ngayon ang unang araw ng pag hahanda namin ni Garri sa kasal. Una muna naming pinuntahan ay ang mag kakasal samin. Mabuti nalang at kaibigan ito ni Garri.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon