Edward
“Lumabas ka na muna Allen.”
Sabi ng Secretary ko.
Napayuko si Allen at naglakad palabas ng kwarto. Akmang susunod si David sa kaniya.
“David, anak. huwag ka sumunod sa kaniya. Dito ka sa amin ng papa mo.”
Matigas kong utos sa kaniya. nilingon naman ni David si Allen at bakas sa mata ni David na naaawa siya kay Allen. nagflex ang panga ko sa nakikita ko.
“Sige na David, sumunod ka sa Dada mo. Okay lang ako...”
Mahinang sabi ni Allen kay David. sabay himas sa buhok ng bata at saka naglakad na palabas ng kwarto.
“Kunin mo si David at iwan mo muna akong tatlo rito.”
Sabi ko sa secretary ko.
Tumango siya sa akin at nilapitan si David. Hinawakan niya ang kamay ni David at naglakad sila palapit sa akin. Paglapit nila sa akin ay binitawan na ng secretary ko ang kamay ni David at saka na naglakad palabas ng kwarto at sinarado ang pintuan.
Naglakad ako papunta sa mahabang sofa at saka sinenyasan ko si David na lumapit sa akin. napayuko siya habang naglalakad siya palapit sa akin.
“Upo ka rito sa lap ni Dada.”
Utos kong sabi sa kaniya tsaka sinunod ang utos ko.
Pagkaupo niya ay tsaka ko siya hinawakan sa balakang niya gamit ang kaliwang kamay ko.
“Bakit mo balak sumunod sa lalaking iyon? hindi mo ba namiss si Dada?”
Tanong ko kay David.
“Hindi po. Namiss po kita Dada...”
Malungkot niyang sabi sa akin.
“Kung ganun? bakit gusto mo siyang sundan kanina?”
Tanong ko sa kaniya.
“Naaawa po kase ako kay Uncle Allen.”
Sagot niya sa akin na malungkot ang boses.
Napabuntong hininga na lang ako. Nagmana si David kay Isaiah, ganitong ganito si Isaiah noon nung tinulungan ko siya, napaka maawain at napaka soft hearted na tao.
“Anak, hindi lahat ng tao dapat kaawaan.”
Sabi ko naman sa kaniya. Napatingala siya sa akin at nagtama mga mata namin.
“Ano pong ibig niyo sabihin Dada?”
Tanong niya sa akin.
“Ilugar mo ang awa mo, gamitin mo lang iyan sa mga tamang tao at hindi sa mga taong nagpapanggap para lang makuha ang loob mo.”
Malalim kong sabi sa kaniya. Kunot noo siyang nakatingin sa akin na para bang hinihintay niya ako mag paliwanag sa kaniya kung ano ang sinabi ko.
“Hindi po kita maintindihan Dada...”
Magalang niyang sabi sa akin.
“Hindi mo maiintindihan talaga ang sinasabi ko sa iyo pero lagi mong isaisip ang sinabi ko na iyon, sa ngayon. Maging mapag masid at mapag matyag ka sa paligid mo lalong lalo na sa mga taong nakakasama mo araw-araw... Naiintindihan mo ba ako?”
Payo ko sa kaniya. kunot noo parin siyang nakatingin sa akin pero tumango na lang siya sa akin. Hinaplos haplos ko ang likod niya at saka ko siya hinagkan sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)
RomanceGraduate ng Caregiver si Isaiah sa Isang kilalang training center, hindi na niya natapos ang kaniyang pag ko-kolehiyo dahil gusto na niyang tumulong sa kaniyang Ina na single parent. may dalawa siyang kapatid na nakakabatang babae. kinuha siyang ca...