Third Eye Stories

2.9K 21 12
                                    

Alam niyo yung tinatawag na third eye? Ang sabi nila ikatlong mata ito na matatagpuan sa ating noo. Ang sabi ng ilan, lahat daw tayo ay may third eye. Ngunit hindi nga lang lahat ng tao ay bukas ang kanilang ikatlong mata. 

Ano ang third eye? Sabi ng ilan, ito yung kakayahan mong makakita ng mga bagay-bagay na hindi naman nakikita ng mga ordinaryong tao.

---------------------------

Ang Tiyanak

Tiyanak. Ito siguro yung pinaniniwalaan na abortion babies. Yung mga sanggol o fetus pa lamang ay hindi na nagkaroon ng pagkakataon upang mabuhay.

Sa storyang aking itatalakay, sana'y maunawaan niyo kung sila nga ba ay totoo, o gawa-gawa lamang.

PAUNAWA: Ang mga istoryang ito ay base sa mga experience ng aking mga mahal sa buhay.

--------------------------------------------------------------------------

Itago na lamang po nating sa pangalang Rick at Arman ang mga gaganap.

Sina Rick at Arman ay matagal ng magkaibigan. Naglilibot libot sila noong Sabado dahil wala naman itong mga pasok sa eskwela.

Sa kanilang edad ay siguro'y nasa 17-18 na sila.

Umaambon noon sa kanilang lugar. Naisipan nilang pumunta sa palengke at kumain ng goto o kaya naman ay lugaw ( o anu man na masarap kainin tuwing malamig ang panahon).

Dahil nga'y nasa 17-18 na sila ay wala na sakanilang pag iisip ang gumamit pa ng payong. Parang nakakabawas sa pagkalalaki daw iyon.

Sapagkat hindi naman sila marangya ay naisipan nalang nila lakarin mula sa kanilang bahay patungong palengke.

Sa kanilang paglalakad ay may natanaw silang dalawang tao.

Isang matanda at isang bata.

Ang matanda ay siguro'y nasa edad na 40 pa lamang.

"Nanay siguro ng bata.." sabi ni Arman

Sila naman ay nagtaka sa nakita. Naglalaro ang bata sa ulan at tumatalon talon pa ito sa tuwa.

Bakit yung nanay lang ang nakapayong?

Bakit yung bata ay hinahayaan lamang maglaro sa ulan?

Pagkaharap ng bata ay nagulat sila sa itsura nito, Hindi pangkaraniwan ang mukha ng bata.

Bubuhatin sana ng nanay nito ang bata. Medyo umangat na rin ang payong na hawak nito.

Napatakbo sa takot si Rick at Arman sa nakita. Tinalon nila ang isang metro't kalahating bakod sa takot.

Ang babaeng matanda ay wala palang ulo..

Third Eye StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon