Erin's POV
Walang pasok ngayon. Ang boring na naman ng buhay. Btw. Kilala niyo na naman ako diba? Ang dakilang bestfriend ni Sophie at pinsan ng ultimate crush niya! Great! Nakakapressure at the same time nakakaloka! Likas akong madaldal pero kilala ko yang si Sophie, baka mapatay ako niyan pag sinabi ko sa pinsan ko. Huhu.
Nandito ako ngayon sa bahay. NGANGA. Wala din kasi ako kapatid gaya ni Sophie. Sadnu!
Ah alam ko na! Makapunta na lang sa bahay nina Eros. Dun ako manggugulo. Hahahaha!
Shet ang laki talaga ng bahay nila. Edi wow! Parang doble to ng bahay namin e. Tssk! Nakita ko naman si Tita Andrea, ang mama ni Eros.
"Goodmorning tita! where's Eros po?" Masigla kong bati kay tita Andrea. Isa siyang sikat na fashion designer. Kitang kita sa itsura niya. Ang ganda ganda ni tita at ang sosyal manamit! Pero mabait yan! Kalog din gaya ko! HAHA. Pwe!"Goodmorning Erin! Naku si Eros ba? Nasa kwarto niya. Dinalhan ko siya ng breakfast kanina e. Ewan ko ba dun balot na baot ng kumot. Parang ayaw niyang magpakita e. May problema ba siya hija?" Whuuut?? Adik yun ah! Mapuntahan nga!
"Honestly, I don't know po e. Mukhang okay naman po siya kahapon. Sige tita puntahan ko lang po siya. Baka kelangan niya po ng kausap." Paalam ko kay tita at nagpunta na ko sa kwarto ni Eros.
Kung makakapasok ako sa kwarto niya ngayon, eto yung first time kasi ang alam ko, s Tita Andrea lang ang alam kong nakakapasok diyan maliban sa kanya. Ewan ko ba dun masyadong malihim.
Close kami ni Eros simula pagkabata. Hindi halata no?Sabay kasi kaming lumaki niyan. Para siyang boy version ko e. Kaya ang hirap hirap ng sitwasyon ko kasi diba crush siya ng bestfriend ko tapos siya parang bestfriend ko na din! Putris!
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya.
"Eros! Eros! Buksan mo yung pinto! Ako to si Erin!"Naghihintay akong magsalita siya pero
aba no reaction! Mahusay! Isnabin ba naman daw ang beauty ko? Sige Erin! Talk to the door!
"Hoyyy gago! May problema ka ba? You know you can always tell me." Pinaghahampas ko yung pinto ng kwarto niya at pinihit ko yung doorknob.
Ay tanga! Ayaw niya magpapasok pero di siya naglolock ng pinto! Bobita to the highest level!
Pagkapasok ko ng kwarto niya, agad nanlaki ang mata ko sa nakita.
WHAAAAATT?????
NO WAY!!!!!!!!!
--
EROS' POV
Nagising ako dahil parang may nakapasok sa kwarto ko.
Wait. Kakagaling lang dito ni mama kanina ah. Hmmmn.
Makatulog na nga lang ulit. Ang sakit sakit pa ng kata------
"ERIN?????????"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa babaeng nandito ngayon sa loob ng kwarto ko. Isa isa niyang tinitingnan ang mga nakadikit sa pader.
Pano siya nakapasok dito????? Nak ng tokwa!!! Si mama lang ang nakakapasok dito maliban sa akin!
Wait!
Baka hindi nilock ni mama!!!!!
I'm so dead!
Wala na. Nakita na ni Erin ang limang taon kong lihim.
"Explain!"
Yan ang sabi ni Erin na hindi pa rin makapaniwala sa nakita. Naiyuko ko na lang ang ulo ko dahil sa kahihiyan. "Paano ka nakapasok dito?" Walang emosyon kong sambit.
"Hindi nakalock yung pinto at hindi na ka naman nagsasalita diyan kaya pumasok na ko. Akala ko nagbigti ka------teka Eros anyare sa mukha mo????Bakit ka may pasa???? Ay Wait! Kukuha lang ako ng first aid kit at yelo. Diyan ka lang ha"
Mukha siyang natatatanta. Nakakatuwa siya. Kanina mukha siyang hindi mapatae na ewan tapos ngayon alalang alala siya sa akin. Ayos din tong pinsan ko e.
Dali daling nagpunta si Erin sa may pinto at bago lumabas may sinabi siya sa akin.
"Wag kang magkakamaling ilock tong pinto kundi mabubunyag ang hindi dapat mabunyag!" Pagbabanta niya sa akin at napatango na lamang ako.
-
Mabilis namang nakabalik si Erin. Nilapag niya sa table na katabi ng kama ko ang dala niyang first aid kit at inilapat naman niya ang ice pag sa may labi ko."A-rayy." Sakit nun boi! "S-sorry. Pero Eros ano bang nangyari sayo! Bigla ka na lang nawala kahapon tapos ngayon puro bugbog yang katawan mo! Magsabi ka nga!" Sigaw niya sa akin. Ano ba tong isang to parang nanay e.
"Si King. He's back. Erin pinagbantaan niya ako." Walang emosyon kong sambit.
"H-ha? Si...si King? Sigurado ka ba diyan Eros? Isang taon siyang hindi nagpakita. Isang taon na siyang wala sa atin diba? Bakit ka niya binugbog?"bNaguguluhang sabi ni Erin. Hindi siya mapakali kaya nabitawan niya ang ice pack na hawak niya.
"Hindi ko din alam Erin. Basta ngayon ang gagawin ko na lang ay.........protektahan siya. Erin tulungan mo ako. Erin parehas tayong ayaw siyang mapahamak." Puno ng lungkot ang boses ko. Pakiramdam ko'y ano mang oras ay papatak na ang mga luha ko.
"Ha?.. Eros. Sino? Sinong poprotektahan mo? Ano bang nangyayari. Hindi ko maintindihan. Ipaliwanag mo sa akin parang awa mo na. At ano tong mga nakadikit sa pader ng kwarto mo?"
Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagbabanta ni King sa babaeng mahal ko. Ang babaeng ilang taon ko nang minamahal.
ERIN'S POV
Naiwang nakaawang ang bibig ko dahil sa mahabang sinabi ni Eros sa akin.
Ngayon alam ko na.
Alam ko na kung bakit mga pictures niya ang nasa kwarto ni Eros.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang mga pictures ni Sophia.
END OF CHAPTER 4
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
JugendliteraturNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.