36

611 16 0
                                    


*Lesley's Pov*

Napansin kong may pag babago kay Gabby. Palagi nalang syang late umuwi sa gabi, hindi naman sya ganyan dati. Kapag tinatanong ko naman sya, sinasabi nya palagi na maraming ginagawa sa opisina nya. Alam nyo naman ang mga babae, malakas ang kutob nyan kapag may mali. Pero sana lang ay mali ang kutob kong ito. Hindi ako magagawang lokohin ni Gabby, marami na kaming pinag daanang dalawa. Isa pa may Brielle na kami kaya hindi nya yun magagawa sakin.

Dahil office hour pa ni Gabby ngayon, kami lang ni baby Brielle ang pupunta sa condo ni Garri. Tumawag kasi si Everlie sakin, isa kasi si Brielle sa flower girl.

Pag dating namin ng condo, agad na sumalubong samin si Everlie. Nakipag beso ito sakin at agad na kinuha si Brielle para kargahin.

"Mukang lalo atang bimibigat itong bebe girl namin ah." Wika nito sabay halik sa pisnge ni Brielle.

I feel relief dahil finally nandyan na si Everlie. Malaking bagay na dumating sya sa pamilyang Clinton. Hindi na palaging sakin nakabantay ang mata ni mommy Rizza. Ang hirap mag paka perfect daughter in law. Lalo na at hindi ako mayaman tulad nila. Kaya nga naka focus lang ako kay Brielle.

"Mag meryenda ka muna Lesley." Nakangiting wika ni Mariel sakin.

"Thank Mariel pero busog pa naman ako." Nakangiting wika ko dito.

"How's your work? Kamusta naman si Gabby sa opisina?" Nakangiting tanong ko dito. Bibihira na kasi akong pumunta ngayon ng opisina dahil busy ang lahat.

"Hindi nyo ba kasama si Kuya?"

Napalingon ako kay Garri na nag salita. Lumapit ito kay Everlie at hinalikan si Brielle sa pisnge.

"Hindi, may aasikasuhin daw sya sa office." Sagot ko dito. Tumango lang si Garri. Kilala ko si Gabby, sobrang sipag nya pag dating sa company nila. Ayaw nya kasi na ma disappoint sa kanya si daddy at mommy.

Maya-maya pa may nag doorbell, pinuntahan ito ni Cleo. Narinig ko naman ang boses ni Paula at Everlie.

"Hi baby Brielle!" Masiglang bati ni Yvette at agad na pinisil ang pisnge ni Brielle. Napakunot naman ang noo ko dahil sa kasama nito, sino naman tong gwapong lalaki na to?

"Teka, nasan si Paula?" Pag tatakang tanong ko dito dahil sure akong boses ni Paula yung narinig ko kanina.

"My gosh Lesley, ako to!" Inis na wika ng kasama ni Yvette. Lumapit ako dito at pinakatitigan ang muka nya.

"Teka, kinain mo ba ng buo si Paula? Hoy Paula lumabas ka sa katawan ng lalaking yan!" Sigaw ko dito at hinampas ang braso nito.

"Sira ka talaga Lesley, ako talaga to. Wala lang akong suot na make up haha." Wika nito na syang ikinagulat ko.

"UI aakkla, lalaking lalaki ka ngayon ah. Baka naman na virgínán kana ni Yvette kaya nag papakalalaki kana ngayon." Wika ni Everlie kaya natawa kaming lahat.

Inferness naman dito kay Paula, ang gwapo nya pala pag hindi nakaayos pang babae.

"Huwag mong sabihing may nangyare na nga sa inyong dalawa?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Cleo.

"Wala pa kuya nuh!" Agad na sagot ni Yvette dito.

"Pero itong kapatid mo, nag aaya mag Sogo." Nakangising wika ni Paula.

"H-hindi kaya! Naiinis lang ako dun sa mga babaeng kasabay natin sa jeep kanina kaya nasabi ko yun!" Defensive na sagot nito.

"Pinag bibigyan ko na nga ayaw pa." Muling wika ni Paula.

"Pag kakataon mo na yun Yvette, sinayang mo pa, hahaha. " Komento naman ni Everlie. Pulang pula naman si Yvette sa sobrang hiya.

"By the way Paula, kung lalaki ang ayos mo ngayon. Ano nga bang totoong pangalan mo?" Nakakunot noo na tanong ko dito.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon