Written By: Zer0_Green
-------------------------------------------------------
"Jerome, May Ipagtatapat Ako sayo"Nicky
"Ano yun?"-Ako
"Matagal na tong nararamdaman ko para sayo, Ngayon ko na sasabihin, Wag mo sana akong layuan, kung sasabihin ko to sayo, sana friends parin tayo ha?"-Nicky
"Oo, ano ba kasi Yun?"-Ako
"Ano kasi, umm Mahal kita"-Nicky
---------------------------------------------------------
Hindi, mali, hindi mo ako pwedeng mahalin..
Mahal rin kita eh. Naunahan mo ako, torpe kasi talaga ako...
Hindi to pwede, Mahal ka ng Bestfriend ko.....
Gusto ko sanang Ipagtapat yun pero mali talaga eh, ayokong masaktan ka.
---------------------------------------------------------
Dahil sa pagtapat mo sa akin, hindi na kita pinansin, alam kong nasasaktan ka pero ayokong mas masaktan ka... mahal na mahal kita, hindi ko pwedeng sabihin, ayokong masaktan ka sa huli...
---------------------------------------------------------
"Hoy Teka lang, Bakit mo ba ako nilalayuan? Sabi mo friends parin tayo, papansinin mo parin ako. alam mo bang nasasaktan ako sa pinanggagawa mo?"-Nicky
"Sorry, A-ano kasi Ma-ma, ma-ma"-Ako
Mahal na mahal kita Pero mahal ka ng bestfriend ko, ayaw kong masaktan siya... lalo na ikaw, kaya pinapaubaya kita sa kanya.. Ginagawa ko lang ang tama Nicky
Bakit hindi ko masabi yun? Dahil ayaw kitang masaktan, siguro nga, itatago ko nalang tong nararamdaman ko.
"Wag kang mautal"-Nicky
"Ma-ma may gagawin pa ako, Kita na lang tayo bukas bye"-Ako
Dali dali akong umalis sa harapan mo, ayokong madulas sa sasabihin ko....
---------------------------------------------------------
At dahil dun, hindi mo na ako pinapansin, nasaktan ako sa mga araw na yun.
Mahal na mahal kita eh, kaya ginagawa ko lang naman ang tama.
Ayoko lang namang masaktan ang pinakamamahal kong babae sa buong mundo.
Oo nasaktan kita pero ayokong mas masaktan ka pa
---------------------------------------------------------
Sobrang close na kayo ng Bestfriend ko, masaya ka na, nasasaktan naman ako.
Mabuti pang sa aking bestfriend ka nalang, mahal ka niya, magsasama kayo hanggang sa pagtanda niyo at hindi ka lolokohin, hinding hindi ka niya iiwan..
Habang nakikita ko kayong dalawa, habang inaakbayan ka niya, bigla bigla nalang sasakit ang puso ko,
Sobrang sakit, mapapaiyak ako lage sa sakit.
habang patuloy ang relasyon niyo, lumalala naman ang sakit na nararamdaman ko...
Araw-araw akong nasasaktan
Araw-araw parang sinasaksak ang puso ko
Araw-araw ako umiiyak
Sinakripisyo ko para sayo.
Hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa ko, dahil ginagawa ko lang ang tama...
--------------------------------------------------------
"Jerome, Ano bang nangyayare sayo? Lage nalang namamaga ang mga mata mo? Hindi mo na ako kinakausap, sobrang close naman natin noon aaahhh"-Nicky
"Wala to"-ako
"May gusto ka bang sabihin sa akin?"-Nicky
"Oo"-ako
Nadulas ako, ngayon hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sayo
"Ano ba yun?"-Nicky
Isip Isip Isip, urgh hindi ako makapag isip bigla bigla kasing sasakit ang puso ko, nasasaktan ako kapag iniisip ko kayo
"Aaahhhh Ano, Ma-ma... Ma-ma...Ma-ma"-ako
Ano bang sasabihin ko na nagsisimula sa 'ma?'
"Ano ba! Lage ka nalang ma-ma ma-ma! Ano ba talagang gusto mong sabihin?"
Ayokong sabihin!
"Ma-ma maliligo muna ako, bye"-Ako
Tinalikuran na kita.
Ayokong umiyak sa harapan mo
Ayokong sumigaw sa sakit sa harapan mo
Dumeretso ako sa sasakyan ko at dun na ako umiyak sa sakit, dun na ako sumigaw sa sakit na nararamdaman ko..
Malapit na, malapit ng matapos ang paghihirap ko...
---------------------------------------------------------
Yun na pala ang huli nating pag uusap at pagkikita....
Eto lang naman ang mga sasabihin ko sayo na nagsisimula sa 'ma'
Mahal kita
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
May sakit ako sa puso at
Malapit na akong mawala sa mundong ito..
![](https://img.wattpad.com/cover/40392773-288-k250907.jpg)