Chapter 3:
Tahimik kong inabot ang baso ko habang nakatitig sakin ang ilang kasambahay na gaya ko rin ay kumakain sa hapag kainan. Sandali ko pang inilibot ang tingin para tingnan kung may pamilyar ba saking mga mukha doon pero wala.
Walang Zaya, maging ang mga naging kasabayan niya ay wala rin.
Tumungo ako at napatingin sa plato ko.
It was absolutely mandatory for us to eat with all of the maids during every meal. Kasi kung hindi iyon ipinatutupad nang mahigpit, sa totoo lang ay hindi ko talaga gugustuhing makipag-usap o makipaghalubilo sa kanila sa dining table. I would much rather eat alone or be in my room.
At kung wala lang talagang mga regulasyon na kailangan sundin sa bahay—mga patakaran na tila masyadong mahigpit at walang kaluwagan—hindi ko pipiliin na sumabay sa kanila sa pagkain.
"Ikaw si Amartya, diba?" tanong ng babaeng nakaupo sa kanang bahagi ko kaya tumango ako at binaba ang baso ko.
"Oo,"
"Ako nga pala si Ali!" pakilala nya at sinundot ang katabi nyang babae. "Ito naman si Meng!"
"Hi, Amartya! Ang hirap sambitin ng pangalan mo!" saad nito kaya ngumiti ako at tinuro ang maliit na name tag sa dibdib ko.
"You can call me Aya."
"Aya, Aya. Ayon mas madali!" sabi niya kaya tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Nang tumungtong ang alas dies ay pinaakyat na kami sa sarili naming mga silid kaya pagkatapos kong gawin lahat ng mga inatasang gawain sakin ay nagpahinga na ko.
Kinuha ko ang mga card na ibinigay sakin ni Señora Dabria at muling tiningnan ang impormasyon ng magkakapatid.
Dabria Bougaimoux
Age: 32
Birthday: April 5
Profession: ThanatologistEnma Bougaimoux
Age: 27
Birthday: April 10
Profession: OenologistAhimoth Bougaimoux
Age: 27
Birthday: April 11
Profession: Forensic Pathologist, Anatomist DoctorThanatos Bougaimoux
Age: 23
Birthday: April 15
Profession: TaphonomistHell Bougaimoux
xxxNapakunot ang noo ko habang paulit ulit na binabasa ang mga trabaho nila.
Thanatologist? Oenologist? Forensic Pathologist? Taphonomist????
Is that even a job? Hindi ba 'to gawa gawa lang?
Binaba ko ang mga card na yon at sunod na tiningnan ang ilang card kung saan nakalagay ang mga rules.
• Maidens have limited communication with the outside world.
Napabuntong hininga ako dahil binalaan na ako ng babaeng nag bigay sakin ng imbitasyong mag trabaho dito. Mukhang bawat pakikipag-ugnayan namin ay maingat na binabantayan at kontrolado.
• Each maiden is assigned a guardian whose primary responsibility is to protect her from harm. However, the guardians must also contend with their own hidden agendas and motivations.
The notion that even our protectors might have ulterior motives filled me with a sense of unease. Sino ba talaga ang maaasahan ko sa lugar na to? Wala na ba talaga?
• Maidens are required to accomplish solo tasks or face various challenges in order to accumulate points or earn specific rewards. Kung ikaw ay mapabilang sa top 5 na may pinakamataas na puntos sa pagtatapos ng linggo, magkakaroon ka ng immunity. This means you are protected from any harm, danger, or penalties for the entire duration of the following week.
YOU ARE READING
Villa Teufel
Mystery / ThrillerAya enters Villa Teufel with only one goal in mind: to find her sister, Zaya. While working inside the villa, she stumbles upon a series of terrifying crimes. With danger lurking at every turn, Aya must unravel the mystery of the killer's identity b...