Migs' POVAfter namin kumanta, nag-ikot ikot muna kami sa loob ng mall. Nung nagsawa naman kami, nagyaya na si Kim kumain, libre nya daw. At, himala yun.
I don't know why, but I can sense that there is something wrong.
Kanina noong nanonood kami ng movie, she's being extra emotional. Yeah, she is REALLY emotional, but this one is very unlikely.
Nung nasa karaoke naman kami, she's selecting songs that are melancholic too, na hindi nya naman usually kinakanta.
And this, she's treating me a snack. Ang hirap ipaliwanag pero meron talagang weird sa babaeng to ngayon eh.
I knew her for years. I am sure, something is bothering her. Hindi ko lang alam kung bakit sinusubukan nya pang itago sakin.
Kaya naman habang kumakain kami ng kwek-kwek, nag-decide na akong tanungin sya.
"Kim,"
"Mm?" Sabi nya habang nginunguya yung kwek-kwek. Tsk. Takaw talaga.
"Parang may something sayo ngayon. Okay ka lang ba?" Sabi ko.
"Huh? Oo naman no. Bakit naman hindi?" Tapos sumubo ulit sya.
I sighed. Nilapag ko na yung bowl na hawak ko dahil tapos na ako kumain.
I looked at her straight in the eyes.
"Bakit ayaw mong sabihin?"
Biglang nagbago yung expression ng mukha nya. Binaba nya yung kinakain nya at tumingin din sakin.
Nakikita ko na malungkot sya. Pero bakit? Tsk.
Himinga sya ng malalim.
"Upo tayo dun sa seaside?" She partly smiled tapos naglakad na papunta dun sa seaside.
And yeah, this mall was built beside the sea. I can see why she asked me to go here kahit na medyo malayo samin. Gusto nya ng ganitong ambiance. Sa tingin ko, sasabihin nya din sakin kung bakit.
Ewan ko pero parang di maganda pakiramdam ko dito.
Umupo na kami sa wall nung seaside.
Ilang segundo pa ay ine-enjoy nya muna yung view at nilalanghap yung masarap na hangin.
Gusto ko din to, pero hindi talaga ako mapakali.
"Sasama na ako kay Mama, papuntang Canada.."
I feel stiffed. Di ko alam ang ire-react ko. Parang na-blangko ang utak ko. Mali ba ako ng dinig?
"N-nagbibiro ka, diba?" She looked at me with a sad expression on her face.
"Seryoso ako,"
"Pero bakit? Diba galit na galit ka sa Mama mo? Bakit ka sasama sa kanya?" Hindi ko alam kung bakit tumataas yung tono ng boses ko. Shit.
"Wala. Napag-isip isip ko lang na, baka mas maganda sa Canada mag-aral. Diba? Canada yun eh. Tsaka nakakasawa na kasi dito sa Pilipinas,"
Hindi ako makapagsalita sa sinabi nya.
Umiwas ako ng tingin.
Kaya nya umalis ng wala ako?
Paano ako?
Paano ako kung... aalis ka?
"Uwi na tayo, biglang sumama yung pakiramdam ko eh,"
BINABASA MO ANG
Lead Me Not To You
RomanceWhen all the road seems to lead me back to you, how can I step forward?