LUCILLE'S POV
Na sa kotse ako ngayon ni Gray. Simula ng sabihin niya sa akin ang tungkol sa nangyari kay Zhairo kagabi hindi na ako mapakali. Gusto kong liparin mula sa kina-uupuan ko papunta kay sa location ni Zhairo kung p'wede lang. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko ngayon. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibog. Pawis na pawis ang kamay ko habang hindi nawawala ang pag-aalala sa isip ko. Habang tumatagal ang biyahe namin mas nagiging liblib ang lugar. Lalo pang tumaas ang takot ko dahil wala talaga kaming mahihingian ng tulong oras na kailanganin namin.
Tahimik lang si Gray. Kagabi ko pa ramdam ang galit niya. Bilang isang malapit kay Zhairo alam ko ang pakiramdam niya ngayon. Anak nila si Zhairo pero ginagawa lang laruan ni Niza. Isa pa, si Niza ang unang umalis ngayon naman siya ang naghahabol kay Gray. Nakatuon lang ang tingin niya sa kalsada. Iba ang titig niya. Sobrang sama, nakakatakot, at nagbabanta. Ito pa lang ang ikalawang beses kong nakita si Gray na may ganiyang titig. Alam kong hindi siya nagagalit basta-basta.
Pinatong ko ang kamay ko sa hita niya. Tumingin siya sa akin. Kahit may kaba, nginitian ko siya.
“Kaya natin 'to, Gray. Mababawi natin si Zhairo,” pag-cheer up ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin at tumango. “I know, makukuha natin si Zhairo.” I sense the nervous on his word.
Maya-maya lang, tumigil kami sa isang abandoned building. Sira-sira na ito. Pinark ni Gray ang kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at magkahawak ang aming kamay na pinasok ang building. Pagtapak ko pa lang nakaramdam na ako ng takot. Sobrang tahimik ng lugar. Humawak ako ng mahigpit sa braso niya sa takot. Nakarating na kami sa ikalawang palapag ngunit wala pa rin kaming nakikita na Niza o kahit mga tauhan ni Niza kaya naman umakyat pa kami. Habang papalapit kami sa huling palapag naririnig namin ang iyak ni baby Zhairo.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Gray. Na sa huling palapag sila. Gusto kong tumakbo para puntahan agad ang bata ngunit pinipigilan ako ni Gray. He told me to stay behind him dahil hindi niya raw alam kung anong kayang gawin sa akin ng ex niya. Sa akin lang naman galit ang babaeng 'yon nagawa pang idamay ang anak nila ni Gray. Sana noong una pa lang pinatay na niya ako para wala na siyang sakit sa ulo ngayon!
“Look, baby, we have visitors!” Sabi niya kay Zhairo ng makita kaming dalawa ni Gray. Tumawa siya ng malakas habang nakatingin sa bata. May hawak siyang baril sa kanang kamay niya.
“Mabuti naman at nakarating ka, Gray. Sinama mo talaga ang duwende mong girlfriend, nakakatuwa. Alam ko namang mahal mo pa ako kaya susunod ka sa akin.” She laughed like a witch.
“Ako lang naman ang kailangan mo 'di ba?! Ibigay mo na si Zhairo kay Gray, palabasin mo na sila rito tapos gawin mo na lahat ng gusto mong gawin sa akin!” Matapang na sabi ko sa kaniya.
Sinamaan niya ako ng tingin sabay tutok sa akin ng baril. “Manahimik kang duwende ka!” Sigaw niya. Kinasa niya ang baril.
Tinago ako ni Gray sa likod niya. “What do you want, Niza? Stop your stupid game! Sa sobrang desperate mo kung ano-ano ng nagagawa mo! Nakalimutan mo na bang ikaw ang unang umiwan sa amin ni Zhairo? And now you have the guts to threaten me?! Ha! Stupid, lunatic bitch!”
“Anong kailangan ko?” Binaling niya ang ulo niya sa akin. “I want you to leave that woman behind you. I want you to comeback to me! Buohin natin ang pamilya nating sinira ng babaeng 'yan, Gray! Ayon ang gusto ko!”
Gray scoffed. Dumura siya sa sahig. “Leave her? In your fucking dreams, lunatic Niza! In you dreams!” Madiin na pagkakasabi ni Gray.
Na-alarma ako ng tutukan niya ng baril si baby Zhairo. Walang tigil ang malakas na iyak nito. Sobrang pula na ng mata at mukha niya. Siguro kanina pa o kagabi pa ng kunin niya sa amin umiiyak ang bata.
BINABASA MO ANG
Babysitting the badboy son [✓]
Lãng mạnAnong gagawin mo 'ko mag-aalaga ka ng anak ng isang masungit na tao? Lucille, ang babaeng naghahanap ng trabaho. Sa sobrang pagiging desperada nitong makahanap, agad niyang tinanggap ang alok ng dati niyang kasama. Akala niya'y simpleng pagiging ba...