Hi! I am Grayson Sienna Bayles, 1st year high school student sa University of the East-Manila. Actually, elementary palang nagaaral na ako dito mga bandang grade 4 ako nagsimula kasi nung mga grade 3 pababa nagpalipat-lipat kasi ako nang mga schools. I have a childhood friend her name is Illiana Feil Padios, ngayong highschool na kami dahil maraming studyante nagkahiwalay kami ng section pero nagkikita pa din naman kami once in a while.
Ngayong araw ay may ipepresent kami na project sa guro namin sa filipino. Ang aming play ay tungkol sa Ibong Adarna, may mga manonood samin sila yung mga studyante sa tapat ng room advisory class nung guro namin. Sa totoo lang kinakabahan ako kahit hindi naman ako kasali sa mga magtatanghal, yung kaba ko ay halo-halong pakiramdam na excitement at pagiging conscious dahil taga ibang section ang manonood.
Nung pumasok na yung mga studyante sa tapat na section ay mas lalo akong kinabahan, magsisimula na yung play at pinatay na nila yung mga ilaw. Palibot libot ako sa madilim na classroom namin dahil may mga cue yung mga props na kakailangan nung mga nagtatanghal. Halos patapos na yung play kaya tumigil nalang ako at umpuo sa arm rest nung isang upuan at pinatong ko yung braso ko sa balikat nang aking kaklase. Nung natapos na sila ay nabigla pa aking mga mata sa sinag nung ilaw dagdag pa sa aking pagkabigla ay hindi ko pala kaklase yung aking nasandalan kung hindi studyante sa kabilang section.
Hiyang-hiya ako sa kanya at humingi ng pasensya sabi ko, " kuya sorry po hindi ko kasi masyadong maaninag yung mga tao kanina malabo kasi mga mata ko hindi ako masyadong makakita sa dilim" ngumiti lang siya sakin at sinabing "okay lang walang problema". First time kong maka-encounter nang taong hindi nagreklamo sa ganung bagay eh samantalang mas mataba ako sa kanya at feel ko naipatong ko sa kanya yung kalahati ng bigat ko sa pagsandal na ginawa ko.
Sa hiya ko ay nagpulot-pulot nalang ako nung mga props na iniwan sa sahig, nung nakolekta ko na lahat ay bigla akong nasagi nung isang studyante dahil naghaharutan sila nung kaklase niya habang pabalik sa kanilang classroom, nag-buntong hininga nalang ako habang pinupulot uli yung mga props na nahulog ko, maya-maya habang nagpupulot may tumulong sakin hindi ko siya natignan kagad kasi narinig ko si mam na sinabing dalian na namin magayos at magbibigay pa siya ng komento sa aming gawain, kaya naman dali-daling kong pinulot lahat at may umabot din sakin nung ibang pang mga props. Nung mag-papasalamat na ako ay parang huminto yung mundo ko at may humaplos na kung ano sa aking puso, nakangiti nanaman siya. Ang daming tumatakbong tanong sa isip ko sa totoo lang napakagulo ng utak at puso ko pero parang siya lang ang nakikita ko, kahit na magulo ang paligid namin. Ang lalaking ngumiti sakin ay yung lalaking hiningan ko ng paumanhin kani-kanina lamang.
Nabalik ako sa kasalukuyan nang bigalang siyang hagipin nang kaklase niya pabalik sa classroom nila, nagpasalamat nalang ako kahit feel ko hindi na niya narinig. Ngayong araw na ito ang pinakasimula nang lahat-lahat, hindi ko aakalain na magiging interesado ako sa isang tao na hindi ko naman lubos na kilala. May something sa kanya na hindi ko maipaliwanag napakagulo nang aking pakiramdam na hanggang sa pagtulog ko ay hindi ko siya maalis sa aking isipan.
Kinabukasan, sobrang curious ko na kung sino ba yung lalaking na-encounter ko kahapon ay sinubukan kong sumilip sa classroom nila mula sa nakabukas na pintuan. Sa section na yun ay may mangilan-ngilang tao na naging kaklase ko nung elementary, sa paglibot ng mga mata ko ay nakita ko siyang nakikipagtawanan sa mga kaklase niya. Hindi ko namalayan na nakangiti ako habng pinapanood ko siya, nabigla ako sa sarili ko kaya umalis na ko kagad bago niya pa ko makitang nakatitig sa kanya. Habang nagtuturo yung teacher namin hindi ako mapakali kasi nameless pa siya sa utak ko, umabot yung pagiging aligaga ko hanggang mag-recess kami. Kaya naman nung nakita ko yung kaklase kong lalaki na lumapit sa kanya ay nabuhayan ang aking loob dahil may mapagtatanungan na ko kung sino siya, Nilapitan ko si kyle sabi ko " kyle, kilala mo ba yung lalaki na yun?" tinuro ko ung si Mr. Smile na naka-encounter ko, "Aba oo naman noh tropa ko yun si Jm bakit mo natanong?" maloko na yung titig sakin ni kyle kaya pinaliwanag ko yung nangyari kahapon at syempre hindi ko na masyadong inelaborate baka makahalata pa siya. "Mabait talaga yun si Jm kaklase ko siya nung elem sa dati naming school" sabi ni kyle. "Ah! ganon ba okay salamat" sabi ko kay kyle at bumalik na ko sa aking upuan.
Medyo guminhawa na yung utak ko kasi, kahit papaano hindi na ko nangangapa sa pangalan niya. Masaya ako noong araw na yun at lumipas ang mga ilang linggo at buwan na lagi lang akong tatanaw sa classroom nila nang palihim, para hindi ako mahalata nang aking mga kaklase nang hindi nila ako tuksuhin sa kanya. Dumating na ang buwan kung kelan magsisimula yung Intramurals, hindi ako ganon ka-excited sa event na yon dahil hindi naman ako marunong sa kahit anong sport ang tanging ginagawa ko lang doon ay tumili at magtambay sa school. Napagisipan namin nung isa kong kaibigan na tumambay at magcheer sa kaklase naming kasali sa Basketball kaya pumayag nalang ako dahil boring naman sa classroom, nang makarating kami sa gym ay napaka-ingay mula sa mga cheer ng iba't-ibang grade level, ongoing kasi yung laro ng basketball at voleyball sa magkabilang dulo ng gym kaya napakaingay ng mga studyante. Nung halos mapaos na ko kakasigaw para sa kaklase ko ay nagpaalam muna ako sa kaibigan kong iinom ng tubig, nung palabas na ako ng gym ay nakita ko yung mga naglalaro ng voleyball at sa pagtingin kong yun ay nakita ko nanaman si Jm. First time ko makakita nang lalaking naglalaro ng voleyball at mula sa lahat ng movements niya sobrang namangha ako, lalo na kapag para siyang lilipad para abutin yung bola sa ere. Para akong nakakita ng anghel, nabigla lang ako dun sa katabi ko at nakinig ako sa usapan nila, ang sabi nung isa na, "ang galing talaga nun ni jm noh? may potential siya kung mas huhubugin niya pa yung sarili niya", at sa oras at araw na yon dun ko napagtanto sa sarili ko na may crush nga ako sa kanya. Napangiti ako sa binigay na papuri nung studyante kay jm kahit hindi naman ako yung pinuri, tapos nakinig pa ko sa pag-uusap nila nalaman ko na senior pala ni jm yun at kasali siya sa Jhs voleyball boys at kabilang siya sa team b. Sinabi din nila yung buong pangalan niya na mas ikinatuwa ko, napangiti ako habang iniisip yung pangalan niya, Jevon Myles Alonto ang pogi nung pangalan noh? parang siya hahahahaha.
Buong grade 7 inakala ko na hindi ko muna iisipin na magkagusto uli at ang tangi kong gagawin ay mag-aral, pero dun ako nagkamali dahil may nakilala akong lalaki na hindi man pasok sa standards ko ngunit parang nakuha niya yung buong kalooban ko. May mga times pa nga na muntik-muntikan na ko mahuli nang iba kong kaklase na pinupuri at kinukuwento ko siya pero lagi ko lang nilulustan at iniiba ang usupan. Isa lang ang sinabihan ko nung sikreto ko dahil sa kanya lang ako nakakasigurado na hindi niya yun ipagkakalat, tama naman yung husga ko sa kaibigan kong yun dahil sa buong taon nang pagiging grade 7 ko ay hindi nalaman ng mga kaklase ko na gusto ko siya.
Itong parte na ito ang naging simula nang aking pagkakaroon ng crush sa kanya pero hindi ko na yun masyadong pinansin dahil akala ko crush ko lang siya at dahil madami naman lalaki sa school na pogi at matangkad na pasok sa standards ko. Hindi ko na lamang pinansin yung pagka-crush ko sa kanya dahil hindi lang naman siya ang binigyang pansin ko. Yun ang akala ko na mawawala din yun kapag naging grade 8 na ko pero akala ko lang pala yun!
BINABASA MO ANG
My cliché encounter with you!
RomanceAkala ko dati sa mga palabas lang nangyayari yung mga bagay at senaryo na tungkol sa pag-ibig. Halimbawa yung parang siya lang nakikita mo o parang may mga paru-paro sa tiyan mo, hindi ko alam na mararandaman ko din pala siya sa tunay na buhay. Hi...