-CHYLENE HERA
Katatapos lang ng defense namin at nakakasakit lang ng damdamin dahil print lang ang ambag noʼng anim. Nagulat na lang ako dahil may attire na sila for defense at kinuha ang usb ko para i-print ang research paper namin.
Kahit nagawa kong i-defense at ʼyong tatlo ang research paper namin ay maliit pa rin ang score. Pasalamat na lang kami na nagustuhan ng panel ang mga information ng research namin. Kaya maliit ang score namin dahil tinanong nila ʼyong anim at wala silang naisagot.
Ako pa ang sinisi ng mga panel. Tumatak sa isipan ko ang sinabi nila. “Kung ikaw talaga ang leader ng group dapat ibigay mo ang Information sa mga members mo. Ikaw ang makipag-cooperate sa kanila. Para saan pa na leader ka. Next time ay gawin mo ito kung ikaw talaga ang leader,” sambit ng isang panel na teacher namin sa feasibility study.
They looked disappointed at me. Gusto ko sana ipaglaban ang sarili ko at sabihin ang sitwasyon kaso ako na naman ang may kasalanan. Sa lahat ng group ay kami ang pinakamaliit na score. Maayos nga research paper namin pero ʼyong defense ang problema.
Nauna ako maglakad habang nakasunod ang ibang groupmates ko. Naiiyak ako sa galit dahil nasayang ang effort ko at ʼyong mga tumulong lalo na si Reen.
“Guys, okay lang ʼyan. At least may score tayo ʼdi ba?” sambit ng isa naming member na si Stacey.Print lang ang ambag nito na hindi naman kalakihan dahil pinaghatian nilang anim. Pagak akong tumawa at humarap sa kaniya. “Okay lang? Alam mo ba ang policy ng school na ito lalo na kapag bumagsak tayo? Okay lang sa ʼyo pero sa akin ay hindi,” naiinis kong sambit sa kaniya kaya tumaas ang kaniyang kilay.
“Masiyado kang grade conscious, Chylene. Mabuti pa nga may score tayo tapos galit ka pa. Pasalamat ka nga at hindi kayo nakagastos ng print,” mataray nʼyang sambit at inirapan ako.
Damn this girl. Ang kitid ng utak. Kaya ko naman magbayad ng print. Ang pinupunto ko kung naki-cooperate sila ay malaki ang score namin. Sila nga ang dahilan kung bakit mababa ang score namin.
Napahawak sa braso ko ʼyong tatlo kong groupmates na pinipigilan ako pero hindi ko na pinansin. “Hindi ako katulad mo na okay lang bumagsak. Graduating tayo ngayon, pero kung ayaw mo makapagtapos ng SHS then go ahead. Hʼwag kang mandamay, palibhasa okay lang sa ʼyo bumagsak kasi puro bagsak naman score mo,” I scoffed to her at nilagpasan sʼya roon.
Napakuyom ang aking kamao at pumunta roon sa walang pumupunta na students. Ang nadadaanan ko na mga student ay napapatingin sa akin dahil sout ko pa ang business attire ko.
Pumunta ako mismo sa puno ng mangga sa likod ng malaking gym. Sumandal ako roon at doon na tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Napahiya ako lalo na sa harap ng mga kaklase ko. Tapos sayang ang effort ko na at ganoʼn din si Reen. Akala ko malaki ang score namin dahil sa maganda ang proposal namin kaso nagkamali pala ako.
Kami pala ang pinakamababa.
Patuloy ako sa pag-iyak doon. Mabuti na lang at tago ang lugar na ito kaya walang may alam ng lugar na ito. Walang makakaalam na umiiyak ako rito. Napayuko ako sa aking mga tuhod.
“Stop crying...”
May narinig akong isang boses na pamilyar sa akin kaya dahan-dahan akong umangat ng tingin. Sumalubong sa akin ang maamong mukha ni Asther. Paano nʼya ako nasundan dito?
“P-paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko sa kaniya at bahagya pang suminghot.
May nilahad sʼyang plain light blue handkerchief sa akin. Tiningnan ko ito. “Nakita kaya sinundan kita dahil napansin ko na malungkot. Anoʼng problema? Bakit ka umiiyak?” tanong nʼya at kinuha nʼya ang aking kanan na kamay para ilagay sa aking palad ang panyo.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romance[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fict...