Nakaupo kami sa balcony ng kwarto ko. Pareho naming pinagmamasdan yung mga bituin.Napatingin ako sa ibaba sa bandang tapat ng gate namin.
"Nakamotor ka?" Gulat kong sabi.
"Oo, kontrolado ko naman na kaya wag ka na mag-overthink,"
"Tsh. Wala naman akong sinasabi.." Napaiwas ako ng tingin.
"Tss,"
"Nag-aalala lang ako sa motor, baka ma-flatan ng gulong pag sumakay ka,"
Di ko na napigilang tumawa nung makitang napa-poker face sya sa sinabi ko.
Ilang segundo pa, tumahimik na ulit.
"Mamaya ka na aalis?" Nakatingin lang sya malayo habang sinasabi yun.
"Mm-hm," I smiled half-heartedly. I heared him sighed.
"Sabihin mo nga sakin yung totoong dahilan. Kasi sa pagkakakilala ko sayo, hindi basta basta nagbabago ang isip mo eh.. Alam kong sa lahat ng option, yan ang pinaka-least mong gagawin. Pero bakit ngayon bigla bigla kang magdedesisyon na aalis?"
Huminga ako ng malalim.
"Ang totoo nyan, ayoko naman talaga umalis eh.. Pero kasi, alam kong nahihirapan na si Lola. Hindi na sya bumabata. Gusto ko na rin syang pagpahingahin sa kakaisip kung saan kukuha ng panggastos. Kapag nahihirapan sya, mas nahihirapan ako.."
"Pumayag ba si Lola?"
"Noong una, syempre hindi. Kasi syempre kahit na si Mama ang magulang ko, si Lola pa din ang nagpalaki sakin. Ayaw nya akong malayo sa kanya. Pero sinabi ko na gusto ko doon mag-aral, kaya kahit mabigat sa loob nya, napapayag ko din sya,"
"Eh paano yung Mama mo? Kaya mo na ba syang pakisamahan dun?"
"Pipilitin ko. Kailangan eh,"
"Eh paano ako?"
Napatingin ako sa kanya.
Tumayo sya at dahan-dahang tinukod ang dalawang kamay sa railing ng balcony at napayuko.
Pakiramdam ko nasasaktan ko na yung bestfriend ko.
Ang hirap naman nito.
Bakit kailangang maging ganito?
Migs...
"Iiwan mo na lang ako dito? Kahit minsan ba inisip mo man lang ako? Inisip mo ba na maiiwan din ako dito mag-isa?"
Kinagat ko yung labi ko dahil pinipigilan kong maging emosyonal. Pero huli na. May tumulo ng mga luha sa mga mata ko bago ko pa mamalayan.
"Sino na lang ang makakasama ko sa Senior High? Sa College? Sabi mo sakin magkasama tayo hanggang gumraduate tayo. Hanggang sa magkaroon tayo ng trabaho--pero ang daya mo. Sobrang daya mo,"
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Mula sa likod nya, niyakap ko sya.
"Sorry.. Hindi ko rin naman gustong umalis eh. Hindi ko gustong iwanan ka dito.. Pero pangako, babalik ako agad," Sabi ko habang nakayakap sa kanya.
Humarap naman sya sakin at niyakap ako pabalik.
"6 months, pag di ka bumalik magkalimutan na tayo,"
"Eh? Anong 6 months? Ano ako, nagbabakasyon lang? Hmm.. susubukan ko ng dalawang taon,"
"Anong dalawang taon?! 1 year. Ang tagal na nyan!"
"2 years. Kahit matapos ko lang yung Senior High," Kumalas na kami sa hug.
Natawa ako sa mukha nya. Ang cute nya kasi pag nagagalit eh. Mukhang batang nagmamaktol.
Pinaghiwalay ko yung magkadikit nyang kilay gamit ang thumb at pointing finger ko.
"Wag nang sumimangot, please?" He sighed. Pang 100th na ata nya yan.
"Okay. 2 years.."
"I'll be back in 2 years. I promise.."
He smiled.
Hindi na namin napansin na.. sobrang lapit na pala namin sa isa't-isa.
Nagkatagpo ang mga mata namin.
Unti-unting lumalapit ang mukha nya sakin.
I don't know what's wrong with me but I feel stiffed. Kahit alam kong papalapit ng papalapit si Migs sakin, bakit.. bakit hindi ako makagalaw?
Am I hearing a loud beat inside me?
He leaned a lot closer...
and closer...
and closer...
Until he leaned his forehead into mine.
"Mag-iingat ka.. Wala ako dun para protektahan ka," He said almost whispering.
I smiled.
The way I can feel him right now is way too.. different.
"I will," We both smiled while leaning into each other's head.
**********
"Let's go, anak?"
Nakangiting sabi sakin ni Mama. Nandito na kami sa labas ng gate. Dala ko na lahat ng bagahe ko at sinundo na kami ng Driver ni Mama para ihatid sa airport.
Tumingin ako kay Lola na ngayon ay hawak-hawak pa rin ang mga kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at tumingin kay Mama.
"Mauna na po muna kayo sa kotse. Susunod po ako,"
Mukha namang naintindihan nya ang gusto ko sabihin. Ngumiti lang sya sakin at tumango. Tapos ay nauna na sa loob ng kotse.
Pagtalikod nya ay agad kong niyakap si Lola ng sobrang higpit. Sobrang mamimiss ko to.
Her embrace was my home. My life would never be the same without Lola Linda. Sana kayanin ko.
Maya-maya ay bumitaw na kami sa pagkakayakap.
"Lola, mag-iingat po kayo dito ha?" Sabi ko.
"Oo naman, mahal kong apo.." Hinaplos ni Lola ang mukha ko. "Wag mo akong alalahanin. Nandito naman ang pinsan mong si Gayle. Ikaw din Apo, pag-igihin mo ang pag-aaral mo doon ha?"
"Pero La, paano ka dito?" I frowned. Di pa rin talaga ako panatag na iwan si Lola kahit sa pinsan ko.
"Wag mo akong alalahanin, palagi naman akong tatawag sa inyo.." Hinawakan ni Lola ng mahigpit ang kamay ko. "Alam kong malaking desisyon ito para sayo, Apo.. Gusto kong malaman mo din na proud na proud ang Lola sayo, hmm?"
Halos mapunit ang puso ko sa sinabi ni Lola. Parang gusto ko magwala at umiyak ng malakas.
Gusto kong sabihin sa kanilang lahat na hindi ito ang gusto kong gawin.
Gusto kong sabihin sa lahat na hindi ako masaya sa gagawin ko at gusto ko na lang magstay dito.
Pero, nandito na. Kailangan ko ng panindigan to.
"Salamat, Lola.." Niyakap ko ulit sya sa huling pagkakataon. "Sobrang mamimiss kita. Big time,"
"Oh sya, sige na! Baka magka-iyakan pa tayo dito at ma-late pa kayo sa flight nyo ng Mama mo," Natatawang sabi ni Lola pero bakas sa mukha nya ang lungkot.
Kahit mabigat sa loob ko, tiningnan ko muli ang naging tahanan ko sa loob ng labing walong taon.
Mahal na mahal kita, Lola.
Hindi ko kayo bibiguin.
BINABASA MO ANG
Lead Me Not To You
RomanceWhen all the road seems to lead me back to you, how can I step forward?