#23 ADULTING

50 3 0
                                    

Adulting = Katahimikan

Gusto kong bumalik sa panahong okay pa ang lahat.

Sa panahong walang iniisip kundi ang mag-aral at maglaro.

Gusto kong bumalik sa panahong bata pa ako,

Kung saan ang problema lang ay ang pagtulog sa tanghali at ang mga kalaro.

Magsusumbong sa nanay at tatay na inaaway ako ni ano, na hindi ako bati ni ganyan.

Ang sarap isipin ng mga alaalang napakasaya ngunit di na pwedeng balikan pa.

Noon nga ay gusto kong mapabilis ang aking paglaki, naiingit kase ako sa iba na ang layo na ng narating ngunit ngayon tila ba pinagsisisihan ko na ito.

Ang hirap palang maging adult, hayts adulting nga naman

Nakakapagod, nakakadrained at lahat na mararamdaman mo.

Mararamdaman mong mag-isa ka na lang yung tipong wala ka ng kakampi sa paligid mo.

Maraming problema ang darating at talagang susubukin ka ng mundo.

Grabe naman earth medj easyhan sa pagbibigay ng pain baka di ko na kayanin.

Samu't saring pagbabago ang mararamdaman at ang mararanasan mo.

Mararanasan mong umiyak at damdamin ang sakit ng tahimik ka lang.

Kung dati ay nagsasabi tayo ng problema natin sa iba ngunit ngayon mas pipiliin na lang na i keep ito. Ayaw nating maging pabigat sa kanila.

Kung dati marami kang nagiging kaibigan pero ngayon mas pipiliin mo na lang mag-isa.

Ang lala pa dati takot ako sa dilim pero ngayon kaibigan ko na siya. Hi darky friend haha

Kung dati ay sanay ako sa magulong paligid pero ngayon katahimikan na ang gusto ko.

Katahimikan na ang sagot sa lahat ng problema ko.

Katahimikan na lang ang nais ng puso't isipan ko.

Sa tuwing susubukin ako ng mundo wala akong ibang gustong gawin kundi maging tahimik na lang.

Sa tuwing mag ooverthink, di ko alam kung ako lang ba pero lalayo ako sa mga nakapaligid sa akin at tatahimik na lang bigla.

Kamag-anak ko kase si mark you know tahimik lang.

Minsan di ko na rin maintindihan yung sarili ko. Ang hirap mo namang i understand self.

Sa aking paglaki ang nais ko na lang ay katahimikan.

Ang dating makulit at madaldal na bata ngayon ay tahimik na lang.

Kung dati sugat lang ang sakit na mararamdaman mo ngayon ay mas malala na.

Adulting is hard, a lot of responsibilities and realization.

I realized na kapag nasa adulting stage ka na okay lang na maging low-key sa lahat.

Yung tipong kapag may pagsubok sa buhay o anuman ay gusto mong laging mag-isa at magmuni-muni sa tabi.

I realized that being silent is important than proving a point.

Adulting moments, Katahimikan na ang sagot sa lahat ng mararamdaman mo.

Silence is the best answer.

Kaya't kung makikita mo kong MAG-ISA huwag mo kong kakaawaan at tatanungin kung bakit ako mag-isa dahil pinili at ginusto ko 'to

Kung makita mo man ako sa ganong sitwasyon at gusto mong makatulong ay huwag kang mag atubiling lapitan ako.

Magpakilala ka at ang nais ko lang ay isang yakap galing sa'yo.

----------------------------------------------


Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon