EROS' POV
Nandito pa din kami ni Erin sa kwarto ko. Pagkatapos ng ilang minuto niyang pagiging tulala ay bigla na lamang siyang nag titili. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae.
Mahirap hulaan ang nararamdaman nila.
"Aray Erin! Masakit pa ang katawan ko sa bugbog kahapon tapos ngayon naman hinahampas at kukurutin mo ako. Maawa ka naman sa akin!" Sigaw ko sa kanya habang umaaktong nasasaktan. Kanina niya pa kasi akong pinaghahahampas dito e. Puro pasa na nga tong katawan ko dadagdagan niya pa!
"Sorry na! Hahaha. Hindi lang makaget over ang senses ko!!! As in!!! Kyaaaaaah!!!! Hanga din ako sa katorpehan mo e! Tatlong taon dude! Tatlong taon kang nganga!" Dadali na naman to ng panghahampas sa akin. May patalon talon pa. Wierd. No. OA pala hindi wierd.
"Tama na Erin! Masakit nga!"
Sinabi ko yun at tumigil naman siya sa ginagawa niyang paghampas sa braso ko.
"Anong balak mo ngayon?" Tanong ni Erin sa akin.
"Wala."
Wala naman talaga e. Natatakot ako. Baka mamaya ireject niya ako. Baka mamaya ayaw niya pala sa akin. Ayos lang sa akin na....
hanggang magkaibigan lang kami.
Atleast kahit papaano, nababantayan ko pa din siya. Sa ilang araw ko siyang kasama, lalo akong nahuhulog sa kanya. Oo torpe na kung torpe. Wala e. Hindi pa ako handa. Wala akong lakas ng loob na magtapat kay Sophia.
Binatukan ako ni Erin. "Aray ko! Amazona ka talaga!"
"Tanga! Kung hahayaan mong ikulong sa takot yang nararamdaman mo para sa best friend ko para mo na ding pinagkaitan ng pagkakataon ang sarili mong sumaya. My god Eros! Bakla ka ba? Umayos ka nga! Hanggang tingin ka na lang ba? Wala ka pa ngang ginagawa suko na ka agad? Wala namang mawawala sayo kung susubukan mo e. Ikaw din. Baka magsisi ka!"
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa mga sinabi ni Erin sa akin. Parang sinasabi ng puso ko na tama siya pero kinakabahan ako. Baka mamaya pumalpak ako.
"Sa tingin ko Erin okay na din na hanggang magkaibigan na lang kami. Atleast mababantayan ko pa din siya."
Nandito naman ako palagi para sa kanya e."Wow Eros! Yan na yata ang pinaka walang kwentang sinabi mo ngayon. Isipin mo nga ha, sa ganda ni Sophie hindi mawawalan ng lalaking umaaligid sa kanya. Pano kung maunahan ka? Ha? Edi nganga ka forever? Oo walang forever pero Eros hindi mo naman maaalis sa puso mo na gustuhing mapasayo si Sophie diba? You can never be just friends with someone you've fallen for."
Sandali akong natigilan sa mga sinabi niya. Oo maganda si Sophie. Hindi ito nakikita ng karamihan pero para sa akin siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Simple lang si Sophie at yung ang nagustuhan ko sa kanya.
Simula nung nagtransfer ako dito nung grade six nakikita ko na siya. Lagi kasi siyang kasama ni Erin. Section 5 ako nun at siya naman ay Section 1. Napakatalino niya at ako, walang laman ang utak ko.
Nung naghigh school kami Section 1 pa din siya. Ang layo layo ng agwat namin. Kaya nag aral ako ng mabuti. Gusto kong mapalapit sa kanya. Gusto kong maging kaibigan siya.
Gusto ko balang araw maging akin siya.
Tama si Erin.
Dapat gumawa ako ng paraan.
Sa pagsisikap ko sa pag aaral, naging section 3 ako nung second year. Section 1 pa din siya. Konti na lang maabot ko na siya. Konting pagsisikap na lang at ngayon ngang 3rd year parehas kaming section 1. Sobrang saya ko. Parang sadabog na ang puso ko.
Kaya lang.
Naduduwag ako.
"Ano natigilan ka diyan! Hoy nandito pa ako! Ano na? Ano ng gagawin mo ha unggoy???" Biglang nagsalita si Erin at napabuntong hininga na lamang ako.
"hindi ako unggoy Erin. Sa gwapo kong to." Sabay pogi sign. Inirapan lang ako ni Erin.
"Tulungan mo ako Erin. Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong ko kay Erin at saglit naman siyang natigilan na para bang napakalalin ng iniisip.
"Hmmmmn. You need to follow the steps." Seryoso niyang sagot.
Steps?
"Steps? Anong steps Erin? Seryoso ka ba?" Tanong ko naman sa kanya.
"Mukha ba akong naloloko? Umayos ka nga baka gusto mong dagdagan ko yang mga sugat at pasa mo sa katawan?"
"Amazona. Tss. Sige na ano nga yung steps na pinagsasasabi mo?"
Kumuha siya ng papel at ballpen at nagsimula na siyang magsulat habang nagpapaliwanag.
"10 steps to win Sophia Coreen Madrigal's heart."
Sinulat niya yan ng pagkalaki laki sa taas na bahagi ng papel.
1. Kilalanin siya.
"Eros you should know every little detail about Sophia. Kung ano ang favorites niya, kinatatakutan, lahat! Maging kung ilan ang split ends niya!" Matyaga naman akong nakikinig sa kanya. Pati ba split ends? Teka ano yun?
2. Make her happy.
"No need to elaborate. Self explanatory na yan!" Tumango na lamang ako. Mukhang kaya ko to!
3. Make sure she's healthy and safe.
"Dapat lagi mo siyang tinatanong kung kumain na ba siya, kung hindi pa bilhan mo ng pagkain, tsaka siguraduhin mo ding natutulog siya ng maaga. At syempre dapat protektahan mo siya." Okay. I will!
4. Be with her always.
"Kung kailangan niya ng tulong o masasandalan, dapat lagi kang nasa tabi ni Sophie sa lungkot man o ligaya." Tahimik ko lang na pinakikinggan ang bawat sinasabi ni Erin sa akin.
5. Make memories.
"Yung unforgettable. Yung never pa niyang nagagawa."
6. Ask her on a date
"Eto na. Gawin mo ang lahat para mapapayag siya. Pag humindi siya, pilitin mo. Wag kang titigil hanggat di mo siya napapapayag. Makikita niyang sincere at seryoso ka. Pag okay na, mag effort ka, yung sobrang matatouch siya para maappreciate niya din ng sobra."
7. Tell her you love her.
"Ikaw na ang bahala dito. Basta payo lang, dapat sincere. Tingnan mo siya ng diretso sa mga mata niya para malaman niyang seryoso ka."
8. "Will you be my girl?"
"If you feel na she's ready and she also loves you, ask her this question. In a very romantic way."
9. Introduce her to your family and introduce yourself to her family.
"Make your relationship legal!"
10. Never ever let go of her.
"Hindi mo naman siya papakawalan once na makuha mo na siya diba?" Seryosong tanong ni Erin.
"Oo. Pangako."
Pagkatapos nun nagpaalam na si Erin at kailangan na daw niyang unuwi. Nagapasalamat ako sa kanya. Kung hindi dahil sa pinsan ko hindi ako magkakalakas ng loob.
Tinago ko ang papel sa wallet ko. Determinado na ako. Ngayon pa lang nakahanda na ako. I'm torpe no more.
And I'm going to win Sophia's heart.
END OF CHAPTER 5.
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Ficção AdolescenteNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.