20.) Billionaire Grandson's Babymaker

322 20 11
                                    

"Nasaan si Clark?!" galit na tanong ni Cathy sa mga kasambahay pagpasok nito sa bahay.

"N-na sa kwarto po niya, Ma'am Cathy." Kinakabahang sagot ng mayordoma, si Aling Shella.

"Tawagin nyo!" sigaw ni Cathy.

Kaagad tumalima si Aling Shella. Kahit matanda na, pinilit nitong binilisan ang pag-akyat sa hagdan para sundin ang utos ng galit na amo.

"Ikuha mo ako ng juice! Dalhin mo sa garden. Bilis!" Muling utos ni Cathy sa isa pang kasambahay.

Nagtungo si Cathy sa garden para sumagap ng sariwang hangin. Hindi niya nagustuhan ang nangyaring pag-uusap nila ni Donya Elise. Sinabi nito ang kondisyon para ibigay ang mana sa kanya. Hindi niya akalain na pahihirapan pa siya ng sariling Ina.

Naabala ang malalim na pag-iisip ni Cathy nang marinig ang boses ni Clark-- ang nag-iisa niyang Anak.

"Bakit mainit na naman ang ulo mo? Nataranta tuloy si Aling Shella sa boses mo. Matanda na 'yon hindi mo dapat sinisigawan," tamad na sabi ni Clark sa Ina.

Umupo ito sa bench kaharap ni Cathy.

Hinarap ni Cathy ang anak. Nasapo niya ang noo nang makitang naka-boxer lang ito. Pinanlisikan naman niya ng mga mata ang mga nakasilip na kasambahay. Pinagpipyestahan ng mga ito ang katawan ni Clark.

"Go back to your work!" sigaw ni Cathy sa mga ito.

Kanya-kanyang bumalik ang mga kasambahay sa trabaho ng sigawan ni Cathy.

"At ikaw naman, kailan ka ba magtitino? Araw-araw, iba't-ibang babae ang dinadala mo rito. Anong palagay mo sa bahay natin, motel?" sermon ni Cathy sa anak.

"Yeah. We're just the same, Mom. Iba't-ibang lalaki rin naman ang dinadala mo rito, so-"

"Clark!" galit na saway ni Cathy sa anak.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Naistorbo ang pamamahinga ko dahil sa'yo. May lakad pa ako mamayang gabi." balewalang sabi ni Clark. Halata sa itsura nito na ayaw makipag-usap sa Ina.

Humugot ng malalim na hininga si Cathy bago sabihin sa anak ang nangyaring pag-uusap sa pagitan nila ni Donya Elise.

"Kagagaling ko lang sa mansyon ng Lola Elise mo. Ibibigay na niya ang mana sa mga kapatid ko pero, hindi niya ibibigay ang mana ko."

"Siguro alam ni Lola na gagastusin mo lang 'yun sa mga lalaki mo." balewalang sagot ni Clark.

Uminit ang ulo ni Cathy pero hindi niya pinatulan ang pambabastos ni Clark. Kasalanan niya rin kung bakit naging ganito ang anak. Aminado siya na malaki ang pagkukulang niya bilang Ina pero gagawin niya ang lahat para rito.

"I'm still your mother, Clark. Give me some respect!" paalala ni Cathy sa anak.

"Hindi ko nakakalimutan ang bagay na 'yon. Nanggaling ako sa'yo pero mas naging Nanay pa si Aling Shella kaysa sa'yo. Abala ka kasi sa mga lalaki mo," may bahid ng panunumbat na sabi ni Clark.

"Enough! This is not about me. It's about you. Get a wife and impregnate her as soon as possible. Donya Elise wants her great grandchild from you," pinal na sabi ni Cathy.

Pagak na tumawa si Clark.

"Wife? No! I never imagined getting one. I don't have a plan to settle down. Not today, not tomorrow or even in the future." nakangising sagot ni Clark.

Pinantayan ni Cathy ang ngisi ni Clark.

"Oh, Son. You must obey your Grandmother. Remember your beloved company? She can take it down in just a second when she's mad. You know what? Damay-damay lang tayo rito. Hindi niya ibibigay ang mamanahin ko na mapupunta rin sa'yo. Simple lang naman ang hinihingi niya e. Ang tumino ka!"

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon