No Choice (One Shot)

19 2 0
                                    


Claire's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula ng maghiwalay kami .Isang linggo na siyang wala sa tabi ko .Isang araw pagkatapos niyang makipaghiwalay sa'kin umalis siya .Umalis siya patungong New York .Kasama ang bago niyang minamahal .

Nung araw na 'yon tinawagan niya ko at sinabing magkita kami .

"Claire"walang emosyon niyang tawag sa'kin.

Sa tono pa lamang niya alam ko ng may problema .At nasasaktan ako sa iniisip ko .

"Justin may problema ba ?"tanong ko

"Ayoko na" wala pa ring emosyon na sabi niya .

"Ha? anong ayaw mo na ?Ano bang ibig mong sabihin ?"bagsak ang balikat kong tanong sa kanya .

"Ayoko na ,magbreak na tayo"malamig niyang saad.

"Bakit?"tuluyan ng bumagsak ang luha ko .

"Ayoko na sa'yo.Nagsasawa na ko "

"Justin,may iba ba ?"umiiyak kong tanong .

"Meron"agad siyang umiwas ng tingin.

"Ayaw mo na ba talaga?Wala na bang chance?"tanong ko ulit .

"BAKIT BA ANG KULIT MO?HINDI MO BA KO NAIINTINDIHAN?AYOKO NA SA'YO!"galit na sigaw niya sakin

Agad ko siyang tinalikuran .Bago sabihin ang mga katagang hindi ko inakalang masasabi ko pa .

"Malaya ka na "agad akong tumakbo paalis .Hindi ko na napigil ang paghagulgol .

Pagkatapos mangyari yun nabalitaan ko na lang kinabukasan na umalis na siya .Malamang ay kasama na ang kanyang bagong minamahal .

Akala ko siya na .Akala ko kami na hanggang huli .Naalala ko pa yung sinabi niya sakin nung anniversary namin .Isang buwan pa lang ang nakakaraan .

"Claire mahal kita ,alam mo yun diba?Mahal na mahal kita .Wala na kong ibang hahanapin pa .Sa'yo ko masaya.Gagawin ko lahat para mas tumibay pa tayo"seryoso niyang sabi .

Sa sobrang saya ko sa mga sinabi niya .Ibinigay ko sa kanya ang sarili ko .Mahal na mahal ko siya kaya pumayag akong gawin namin yun .

Muli na naman akong napahagulgol .Hindi niya na matutupad ang pangako niya .Iniwan niya na ko .Iniwan niya na kami .Kami ng magiging anak niya .

Justin's POV

Isang linggo na pala ang nakalipas mula ng iwan ko siya.Ang babaeng mahal ko .Yung babaeng pinangarap ko .Yung babaeng hinangad kong makasama habang buhay .

Nung araw na 'yon ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko .Nasabi ko sa kanya ang masasakit na salita na hindi ko ginustong sabihin .Habang sinasabi ko ang mga salitang yun ay hindi ko maiwasang sigawan ang sarili ko .Hindi ko gustong mangyari yun .Pero wala akong magagawa .

Sinabi ko sa kanyang may mahal na kong iba kahit na ang totoo ay wala na kong ibang hahanapin at mamahalin pa bukod sa kanya .

Nung anniversary namin ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko .Mahal na mahal ko siya kaya sobrang saya ko ng ibigay niya sakin ang isa sa pinakamagandang regalo na pwedeng kong matanggap .Simula nun wala na kong ibang pinangarap kundi ang mapakasalan at makasama siya .

Pero lahat ng iyon nasira .

Isang linggo pagkatapos ng anniversary namin .Kinailangan ko ng medical test para sa paghahanap ko ng trabaho .Hindi ko inaasahan ang natanggap kong balita .

May stage 2 lung cancer ako .

Nalaman ito ng mga magulang ko .Kaya pinilit nila akong magpagamot sa ibang bansa .Ayaw kong pumayag dahil hindi ko kayang iwan ang babaeng mahal ko .Hindi ko kayang iwan si Claire .

Ilang araw pagkatapos nun .Nararamdaman ko na ang ibat-ibang resulta ng sakit ko .Nakita ko kung gaano kahirap ang nararamdaman ng mga magulang ko sa tuwing aatakihin ako .Kaya no choice .Kinailangan kong gawin yun .Ang saktan si Claire .

Ngayon wala na siya sakin .Binitawan ko siya .Sinaktan ko siya

Sana mahintay pa niya ko .Sana sa pagbabalik ko mahal pa rin niya ko .Kasi ako wala na kong ibang mamahalin bukod sa kanya .

End .

Vote
Comment

No Choice (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon