Book 1 - Part 3

44 0 0
                                    

Maraming nagtaas ng kamay na sobrang ikinatuwa ko.
Henry paki lista mo mga pangalan ng mga gusto sumali, mamaya uwian may meeting tayo, sabi ko sa classmate ko na sinapak nung taga kabilang section.
Nilista niya lahat ng mga sasali at natuwa ako ng makita na halos kalahati sa mga classmate ko ang gustong sumali, ang masaya pa nito maraming babae ang sumali sa gangsta ko.
Kaya mabilis akong nag isip ng pangalan ng gangsta namin, para may pangalan na kami.
Gusto astig at kakaiba para madaig ko ang SNG na binuo namin ni Cris.
Genius Brotherhood Gangsta G.B.G
Bumuo na rin ako ng mga rules ang regulation, pati ang baptist gumawa na rin ako ng sarili kong likha na kakaiba sa naisip ni Cris.
Habang nagkaklase ang teacher ko ng mga oras na yun, abala naman ako sa pagsusulat sa notebook ko ng rules and regulation ng bubuuin ko na gangsta.
Hanggang umabot ng recess namin Hindi ko pa ito matapos, gusto ko kasi makagawa atleast 10 rules and regulation, habang nagsusulat ako ay
Nilapitan ako ni henry at inabot sa akin ang papel na listahan ng mga gustong sumali sa gangsta ko, kasunod ng papel ang tatlong mamisong sweet corn at isang kulay pulang big5 juice. (Kung nabuhay ka ng panahon ng 90's malamang alam mo ang big5 juice, at kaidad kita)
Kanino galing ito? Tanong ko kay henry.
Tinuro ni henry ang unahang bahagi ng upuan namin at nakita ko nakatingin sa amin si Niki at nakangiti ito sa akin, natuwa ako dahil sa kanya ng galing ang pagkain ko, kaya nginitian ko rin si niki at nagthank you ako.
Matapos ko kainin ang sweet corn at mainom ang juice tinago ko sa bag ko lahat ng pinagbalatan nito.
Isa ito sa ugali ko, ang itago ang lahat ng bagay na binigay sa akin ng taong importante sa akin.
Nung panahon na yun hindi ko alam kung may nilagay bang magic spell si nikki o sadyang naging inspirasyon ko lang talaga siya, dahil natapos ko ng walang hirap ang 10 rules and regulation ng GBG.
Uwian na ng lapitan ako ni henry.
Nico yung ibang aattend ng meeting cleaners pa, pwede ba natin silang hintayin? Tanong ni henry.
Oo sige, tanong mo na rin sa mga classmate natin kung saan pwede bahay mag meeting Hindi kasi tayo pwede dito sa school baka malaman ng mga teacher. Sabi ko.
Sa bahay namin pwede, may kubo sa likod namin na pinag iinuman lagi ng daddy ko. Sabi ni henry.
Kaya nagpasya ako sa bahay nalang kami nila Henry magmiting.
Ilang saglit lang kami naghintay at dumating na ang mga cleaners na hinihintay namin, masaya ako dahil higit sa bente ang mga kasama ko na willing sumali sa binubuo kong gangsta, karamihan sa mga kasama namin ay babae at kasama dito si Niki.
Mommy may pag uusapan lang kami ng mga classmate ko sa likod, dun kami sa kubo ni daddy huh!! Sabi ni henry sa mommy niya ng makarating kami sa bahay nila.
Pinapasok naman kami agad ng mommy ni henry at nakita ko na malawak nga bahay nila, malaki rin ang likuran nila na may kubo na kasya kaming lahat.
Pinaupo ko na lahat ng classmate ko para makapag Simula na kami.
Okey, mga classmate labas kayo ng papel may ipapasulat ako sa inyo, utos ko sa mga classmate ko.
Agad naman silang naglabas ng ball pen at papel.
Magsisimula pa lang uli ako magsalita ng dumating ang daddy ni henry na may dalang meryenda.
Oh mga bata kain muna kayo, ano ba yang activity niyo? Tanong ng daddy ni henry.
Natahimik kami lahat sa sinabi ng daddy ni henry, maski ako walang magawang palusot ng Sandaling yun, nang biglang magsalita ang isang babae kasama namin na hindi ko makita kung sino dahil nakaupo ito.
Tito groupings po ginawa ni teacher may project po kasi kami, tungkol po sa solar systems.
Opo daddy tama si Niki project po namin ito, singit ni henry
Hindi na nangulit pa ang daddy ni henry at umalis na ito.
Nagpasalamat kami kay Niki sa bilis ng isip niya makaisip ng palusot.
Oh Nico bilisan mo ng magsalita baka pagalitan ako ng magulang ko pag ginabi tayo ng uwi, sabi ni Niki kaya nagsimula na akong magsalita.
Ganito kasi yun, nung grade 4 palang tayo pansin ko na madalas tayong ibully ng mga lower section, mga mamas boy at papas girl daw tayo. Tukso pa nga sa atin jonhson baby powder section. Nakita niyo rin kanina kung paano nalang maliitin si Henry ng kabilang section. Kaya naisip ko na magbuo ng gangsta. Layunin ng grupo natin na magtulungan sa lahat ng bagay, mula sa maliit na project hanggang sa mga nang aaway sa atin. May ginawa akong rules and regulation na gusto ko isulat niyo sana at tandaan.
Eto ang pagkakasunod sunod.
1. Huwag mag aaway ang bawat member, kung may hindi pagkakaunawaan pag usapan ito sa tulong ng iba pa member.
2. Iwasan gumawa ng mga bagay na ikasisira ng pangalan ng grupo.
3. Tutulungan lamang ng grupo ang kamember kapag siya ay nasa tama, kapag mali ang ginawa mo walang member ang tutulong sayo.
4. Sa oras ng kagipitan, isipin ang kapakanan ng nakakarami.
5. Panatilihing mataas ang grade sa lahat ng subject.
6. Pilitin makadalo sa bawat pagpupulong ng grupo, kung hindi makakapunta magpasabi ng maaga.
7. Huwag sasabihin kahit kanino ang tungkol sa gangsta lalo na kung ikapapahamak ng grupo.
8. Maging magalang sa nakakatanda, teacher at higit sa lahat sa magulang.
9. Tumulong sa grupo kapag may isang nasaktan.
10. Huwag patitinag sa kalaban.
May katanungan ba kayo? Sabi ko.
Nico ano pangalan ng gangsta natin? Tanong ng isang classmate ko.
Genius Brotherhood Gangsta. Sagot ko.
Wow astig, sabi ni henry.
Ee Nico pano pag nilabag yung rules and regulation? Tanong ni niki.
May parusa, 1st offense 3 sampal, 2nd offence 5 sampal, 3rd offence 10 sampal 4th offence tanggal na sa grupo. Paliwanag ko.
Sino magbibigay ng parusa? Pano kung babae nagkamali? Tanong uli ni Niki.
Magbubuo tayo ngayon ng official na mangangasiwa diyan, kailangan ng president, treasurer, at guidance councilor. Paliwanag ko.
Para saan yung treasurer? Tanong ng isa ko classmate.
Gusto ko kasi magkaroon tayo ng contributions para makapag picnic tayo o kaya pangastos kung may nangangailangan na member. Paliwanag ko.
Paano kapag nakaaway namin kapitbahay namin or taga ibang school, tulungan pa rin? Tanong ng isa.
Oo naman basta nasa tama kayo tutulungan natin. Sagot ko.
Maganda yan, sabi ng ilan.
Magsimula na tayong mag botohan ng magiging officials, sabi ni Niki.
Kaya nagsimula na kami mag botohan, mabilis natapos ang botohan.
Ako ang naging president, si henry ang treasurer, si Nikki ang naging guidance councilor.
Naging maayos ang takbo ng itinayo ko gangsta, wala kami baptist o sakitan kung gustong sumali open kami basta sa section lang namin ito at bawal sa ibang section.
Naging mas close pa kami ni Niki dahil sa gangsta namin, madalas kami magkasama sa school at sa mga meeting namin.
Nakapag picnic din kami at nagpplano kami ng isang swimming ng mangyari ang unang gulo sa pagitan ng SNG at GBG.
Nico sinapak yung member natin kahapon pag uwi niya nung section4, kausapin mo muna yung classmate natin kung ano nangyari. Sabi ni henry.
Agad ko kinausap ang member namin at napag alaman ko na wala itong kasalanan.
Sino sumapak sayo? Tanong ko.
Si ben yung taga section4 sabi ng classmate ko.
Alam ko isa si ben sa member ng SNG kaya pinag isipan ko mabuti ang gagawin namin, pero mas nanaig sa akin ang galit.
Naghintay ako hanggang magrecess para makabawi kami, kinausap ko lahat ng mga member ko na samahan ako sa pagganti sa ginawa kay ben, lahat naman sila ay pumayag.
Nang tumunog ang bell ay isa isa na kami nagtungo sa canteen, tanging ballpen at lakas lang ng loob ang dala ko.
First section kami una kami palagi sa pila ng canteen kaya ng dumating kami ay wala pa ang mga section4 inutusan ko ang mga kasama namin babae na kumuha ng upuan para makaupo kami, mabilis naman silang nakakuha ng upuan at mesa.
Matapos kong makabili ng pagkain ay matyaga kami naghintay sa mga section4 naupo kami sa upuan habang ang iba ay nakatayo lamang.
Ilang saglit lang ay isa isa ng nagdatingan ang hinihintay namin.
Kasama ni Cris si Marie at nasa likod nila ang ibang SNG kasama si Ben.
Wala na kong sinayang na oras sinalubong ko na ang grupo ng SNG at binagga ko pa sa balikat si Cris bago ko sapakin si ben, bagsak agad ito dahil Hindi niya inaasahan na sasapakin ko siya, napaatras naman yung ibang kasama niya dahil kilala nila ako na hindi ko sila aatrsan.
Nakatikim pa ng sipa sa akin si ben bago ako hawakan ni Cris at itulak palapit sa pader ng canteen, nakahawak si Cris sa kamay ko bago siya magsalita.
Nico ano bang problema? Seryosong tanong ni Cris.
Bakit di mo tanungin si ben kung ano ginawa niya sa member ko, sagot ko.
Member mo? Bakit Nico nagtayo ka ng gangsta? Sabi ni Cris sabay bitaw sa kamay ko.
Magkaharap kami tumayo bago ako nagsalita.
Oo nagtayo bakit? Maangas na sabi ko kay Cris.
Nico alam mo naman ang ginagawa ko sa mga gangsta na binubuo diba. Nakangiting sabi ni Cris habang hinihimas ang kamao.
Oo alam ko, sana alam mo rin na hindi ako natatakot sa inyo. Sabi ko.
Nico gumagawa ka ng gyera na magiging problema mo lang, bumalik ka nalang sa grupo, huwag mo ng hayaan tayo pa ang magkabangga. Sabi ni Cris.
Wala na akong planong bumalik sa inyo, kilala mo ako Cris, lumalaban ako kahit kanino. Sagot ko.
Masyado kang matapang Nico, halatang takot naman yang mga nasa likuran mo. Sabi ni Cris.
Sasagot pa lang ako ng hilahin ako ni Niki palayo kay Cris.
Hoy Cris sabihan mo yang kaklase mo na tigilan na kaklase ko, baka gusto niyong isumbong ko kayo sa papa ko. Sabi ni Niki.
Tumalikod nalang si Cris at hindi na pinansin ni niki.
Kami naman ay lumabas na sa canteen, subalit isang salita pa ang narinig ko kay Cris.
Nico baka Hindi mo alam ang pinapasok mo sabi ni Cris.
Hinila na ako ni niki sa damit kaya di na ako nakapag salita pa.
Alam kong matinik si Cris sa pagpplano ng paghihiganti, kaya naging maingat ako sa school ng panahon na yun, madalas ko ng dala yung ballpen ko para magamit panaksak kung magkagipitan man.
Subalit isang hapon habang pauwi ako galing sa pagttraining ng volleyball.
Nakita kong nakaharang ang buong grupo ng SNG sa dadaanan ko.
Nasa gitna nito si Cris at lahat sila ay may hawak na kahoy.
Kinabahan na ako ng oras na yun alam kong wala akong laban sa kanila, pero mas nanaig sa akin ang yabang at lakas ng loob.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad at lumakad din si Cris palapit sa akin.
Kinapa ko na ang ballpen ko sa bulsa ko at hinawakan ko na ito ng mahigpit, bago kami tuluyang magkaharap ni Cris.
Humarap si Cris sa nilalakaran ko, sabay kami napahinto at nagtitigan.
Nico ayokong umabot pa tayo sa sakitan, ikaw ang una kong naging kaibigan dito, bumalik kana sa grupo, sabi ni Cris.
Cris huwag mo na akong pilitin, masaya na ako sa bagong grupo na itinayo ko, kung gusto mo talaga ng sakitan, ayos lang sa akin.sabi ko.
Nico mag aaway ba tayo dahil lang kay Marie? Tanong ni Cris.
Sa tingin mo? Tama ba ginawa mo? Sabi ko.
Alamin mo kasi muna, baka magulat ka kapag nalaman mo na hindi lang ako ang kumakantot kay Marie. Sabi ni Cris.
Wala na akong pakielam sa kanya, padaanin mo ako at uuwi na ako. Sagot ko.
Hinawakan ako sa kamay ni Cris para awatin sa paglalakad.
Nico bukas ng hapon isama mo ang grupo mo, isasama ko ang grupo ko, magsuntukan nalang tayo, ang sumuko bubuwagin ang gangsta. Hamon ni Cris.
Sige, dadating kami. Sabay tabig ko ng kamay ni Cris at patuloy akong naglakad.
Nag alisan ang mga bataan ni Cris sa dinadaanan ko, tinitigan ko pa sila ng masama pero lahat sila umiwas ng tingin at yung iba ay nagyukuan pa.
Nakauwi ako sa bahay at nag isip ngabuti, alam ko matapang din si Cris at malakas ang mga braso sa suntukan, pero mas malakas ako dahil araw araw akong nagttraining ng volleyball.
Yun nga lang mas maraming experience si Cris sa pakikipag suntukan.
Oh anak mukang malalim ang iniisip ko. Narinig Kong sabi ng tatay ko.
Ahh wala po ito tay, sagot ko.
Kamusta naman ang paglalaro mo ng volleyball? Tanong ng tatay ko bago umupo sa sofa namin.
Medyo mahirap lang po, pero kaya ko naman po. Sagot ko.
Anak wala na ba ibang sports sa school niyo bukod sa volleyball? Tanong ng tatay ko.
Marami po tay, track and field, table tennis, sepak, badminton at sipa arnis. Sagot ko.
Bakit sa volleyball mo nagustuhang Sumali? Tanong uli ng tatay ko.
Tay alam ko na po ang pinupunto niyo, Hindi po ako bakla, masaya lang talagang laruin ang volleyball kesa sa ibang sports. Pliwanag ko.
Hindi naman sa ganon anak. Ang sa akin ee baka tuksuhin ka lang ng mga kaiskwlela mo Sagot ng tatay ko.
Hindi po, tay matanong ko lang kayo? Sabi kasi ni tito magaling ka daw sa suntukan, ano teknik niyo sa pakikipagsuntukan. Tanong ko.
Hoy Nico tumigil ka sa pagtatanong ng ganyan, walang maitutulong na mabuti ang pakikipag basag ulo, pagalit na sabi ng tatay ko.
Tay ano po ba gusto niyo?magtanong ako sa inyo ng tungkol sa suntukan o kay nanay ako magtanong ng tungkol sa mga make up, tanong ko.
Sira ulo ka talagang bata ka, oh sige sasabihin ko sayo ang teknik ko noong binata pa ako, pero umiwas ka sa gulo, nung niligawan ko yang nanay mo noon ayaw sa akin ng mga lolo at Lola mo dahil palaaway ako at alam nilang dakilang istambay ako kaya ayoko sayo mangyari yun, pero kung kailangan na talaga, lumaban ka!! Mas mamatamisin ko pang makita kang umuwi dito sa bahay na duguan kesa luhaan. Paliwanag ng tatay ko.
Opo tay, di po ako magiging palaaway, ano nga po ang teknik niyo sa pakikipag suntukan? Pangungulit ko.
Madali lang anak, ginagalit ko lang ang sarili ko bago ako makipag suntukan, iniisip ko lang lahat ng kasalanan ng kasuntukan ko sa akin. Sa pag aaral kasi anak ang adrenaline ng mga tao ay nakakadagdag ng lakas, lumalabas lang ang adrenaline kapag sobrang nagagalit tayo o kaya sobrang natatakot, minsan sa sobrang gulat, sa akin ginagalit ko ng sobra ang sarili ko at magagawa mo lumaban ng sabayan kahit ilan pa kaaway mo. Paliwanag ng tatay ko.
Ahh ganon po ba yun? Pagtataka ko.
Matalino ang tatay ko, kapos nga lang talaga sa pera ang lolo at lola ko kaya 2nd year year college lang ang inabot ng tatay ko.
Pinag aralan ko mabuti ang sinabi ng tatay ko, alam ko totoo ang sinabi niya sa akin, makakatulong ito sa pagsusuntukan namin ni Cris.
Kinabukasan mabilis tumakbo ang oras, nasabihan ko lahat ng GBG na may magaganap na suntukan sa pagitan namin ni Cris mamaya, lahat sila sumang ayon na sasama, subalit si Niki masama ang tingin sa akin, maghapon din niya akong hindi pinansin nung araw na yun, pero wala sa kanya ang atensyon ko, dahil nasasabik akong magsuntukan na kami ni Cris para masubukan ko yung sinabi ng tatay ko na teknik.
Bago mag uwian ay nilapitan ako ng isa sa member ng SNG.
Nico sabi Cris sa station daw ng tren kayo magsuntukan, hihintayin ka daw niya. Sabi ng Bataan ni Cris bago ito umalis.
Sinabihan ko lahat ng member ko na maging alerto kapag nagsimula na kami ni Cris magsuntukan, nakinig nman silang lahat.
Ilang minuto pa ang hinintay namin at nagtungo na ako kasama ang grupo ko sa station ng tren.
Nang makarating na kami sa station ay nakita namin naghihintay na ang buong grupo ng SNG.
Hinubad ko ang bag na dala ko at pinhawakan ko sa member ko, pati ang T-shirt ko puti ay hinubad ko na rin, bago ko sinimulang galitin ang sarili ko.
Binalik ko sa isip ko lahat ng nakita ko ng araw na kinantot ni Cris si Marie, pati na rin ang pagdikit niya kay Niki ay inisip ko rin, paulit ulit ko lang ginawa ang pag iisip ng lahat ng kasalanan ni Cris.
Nagawa ko magalit ng Sandaling yung, sobrang gigil kay Cris ang naramdaman ko kaya patakbo ko na siyang sinugod, sumugod din si Cris at nagpakawala kami ng bara barang suntok, tinatamaan ko siya at nakakatama rin naman si Cris sa akin, lumamang lang ako ng mahablot ko ang damit niya at sunod sunod ko pinagsusuntok ang muka niya, pero sadyang matibay si Cris, kahit nasuntok ko na ng sunod sunod ang muka niya nagawa niya pa rin makasuntok sa muka ko.
Pero nanatiling nakahawak ang kaliwang kamay ko sa damit niya kaya nagagawa ko pa rin makaganti sa kanya ng suntok.
Naka lamang ako ng masuntok ko siya sa labi at tuluyan itong pumutok at umagos ang dugo niya sa suot niyang damit.
Pero tuloy pa rin si Cris sa pag atake sa akin, isang sipa sa sikmura ang natanggap ko kay Cris kaya ako napabitaw sa damit niya at tuluyan bumagsak sa lupa, maliksi kumilos si Cris pagbagsak ko sinakyan niya agad ako at pinagsusuntok ako sa muka, naicover ko naman agad ang braso ko sa muka ko kaya hindi niya ko masolid ng suntok.
Pumihit ako pakaliwa para maout of balance si Cris, nagawa ko makatayo at sinugod ko uli siya, bara bara uli ang pinakawalan ko suntok, ganun din ang ginawa ni Cris, pero nakatyamba ang isang suntok niya na deretso sa ilong ko na naging dahilan ng pagdudugo nito.
Hindi ko yun pinansin at tuloy lang ako sa pagsapak sa kanya, ginagaya ko na rin siya na sumisipa pa para dagdag atake.
Huling suntok ay tumama sa panga ni Cris bagsak siya at pinagsisipa ko naman habang nakahiga pa siya, kinover din niya ang braso niya sa muka para di ko tamaan, kaya katawan niya ang pinuntirya ko, dumapa si Cris para di ko siya masipa sa katawan kaya ulo niya pinagsusuntok ko, masakit sa kamao dahil may katigasan ang ulo ni Cris, nagulat nalang ako ng biglang tumayo si Cris mula sa pagkakadapa, pag ikot pa lang niya nakatamo na ako ng dalawang suntok na tumama sa braso ko, sumuntok ako sa muka niya, sapul sa kanang mata, sumuntok din siya at tinamaan din ako malapit sa tenga.
Bumabagal na at humihina na ang mga suntok ni Cris, ako kahit medyo pagod ay kaya ko pa dahil sanay ang katawan ko sa maghapong training sa arawan kaya mas lumamang ako sa resistensya.
Sinamantala ko yung pagkakataon na lamang ako, kaya Panay tama na same muka si Cris ng suntok ko, hindi na rin niya magawang gumanti ng suntok dahil sa pagod, pero di pa rin siya sumusuko, kaya buong lakas kong pinagsusuntok si Cris sa muka.
Duguan na si Cris na bumagsak pero hindi pa rin siya nasuko.
Pinipilit pa rin tumayo ni Cris, susugurin ko pa sana siya ng biglang may yumakap sa akin para awatin ako, naalala ko na yung amoy ng babaeng yumakap sa akin ang nakapagpa balik ng katinuan ko.
Amoy lapis siya, Amoy ng isang tipikal na estudyante, nang tignan ko kung sino ang umawat sa akin ay nakita ko si Niki ito nna umiiyak habang yakap ako.
Tinulak ako ni Niki pabalik sa grupo namin para matigil na ang suntukan namin ni Cris, inabot pa ni niki sa akin panyo niya para mapunasan ko ang dugo sa ilong ko.
Nag bihis na rin ako ng damit para makauwi na ng marinig ko nagsalita si Cris.
Nico talo ka, buwagin mo na yang grupo mo. Sabi ni Cris.
Bakit di mo tignan yang itsura mo, kung sino talo sa ating dalawa? Tanong ko.

Gangsta ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon