Book 2 - Part 9

30 0 0
                                    

"Baka kasi iwasan mo ako kapag nalaman mo na may girlfriend na ako." sabi ko.
"Bakit ka natatakot na iwasan kita?" tanong ni jenifer.
"Dahil masaya ako kapag kasama kita, mabait ka, ---
"Tapos maganda ako, may gusto ako sayo, easy target mo na plano mo pagsabayin kami ng girlfriend mo ang kaso nabisto kasi nakita niya tayong magkaholding hands nung sabado?" tuloy tuloy na sabi ni jenifer na mistulang fliptop rapper na nag triple time ng sandaling yun.
"Kaibigan kita jenifer, wala akong planong lokohin ka. Sa ipinakita mo sa aking kabaitan, sa kabaktan ng nanay mo sa akin, hindi ko magagawang lokohin ka jenifer maniwala ka naman. Hindj ako masamang tao. Mula ng lumilat ako sa pang hapon na klase hindi na kami nagkita at nagkasama ni andrea, lahat ng pagkukulang niya bilang girlfriend ko ikaw ang nagpuno.
Hindi agad nakasagot si jenifer ng sandaling bitawannko ang salitang yun, yun naman kasi talaga ang nararamdaman ko para sa kanya ng sandaling yun. Ilang segundo pa bago uli siya nakapag salita.
"Kaya mo ba magbago para sa akin?" tanong bigla ni jenifer na napansin ko na nag iba ang mood niya ng sabihin ko ang mga salitang yun.
"Hindi lang para sayo. Para din sa pag aaral ko at sa magulang ko ang gagaqin ko pagbabago." sabi ko.
"Ayoko ng makikita o kahit malalaman sa iba na nakikipag usap ka pa dun sa andrea na yun." sabi ni jenifer.
"Hindi ka na makikipag away kahit kailan." sabi niya uli.
"Bukod sa akin wala ka ng magiging ibang babae" sabi niya uli.
"Ayaw mo ba?" sagot ni jenifer ng marinig ko yun ay mistulang may nagliparang kerubin sa paligid niya dahil hindi ako halos makapaniwala na magiging kasintahan ko na ang babaeng kasing ganda ni jenifer.
Napayakap ako sa kanya ng sandaling yun, wla na akong pakielam kung may ibang estudyanteng nakakakita s aamin dahil sumagad sa pinakamataas na antas ang sayang nararandaman ko ng sandaling sagutin ako ni jenifer.
Mas lalong naging masaya at makabuluhan ang mga araw ko sa paaralan ng sandaling yun, ang mga mahihirap na gawain ng isang estudyante at varsity na kagaya ko ay nalalampasan ko na may ngiti sa labi dahil kay jenifer.
Kami ang laging magkasama sa lahat ng bagay, sa umaga nanonood siya ng training ng volleyball, kapag may assignment kami sa school ay sabay din kami nag aaral, sabay nagrereview kapag may exam at nagtutulungan din kami kung may mga project kami.
Pero mas madalas na ubusin namin ang mga libreng oras namin sa pag iikot sa ligar namin gamit ang chappy niya. Lahat na ata ng mga short cut, subd, kalye at kung saan saang sulok ng lugar dito sa amin ay naikutan na namin ni jenifer.
( mura pa ang gas noon kaya hindi mabigat sa bulsa ang gastos sa gasolina. Hindi kagaya ngayon na ginto ang gasolina)
Hanggang sa dumating ang unit meet na lalahukan namin ng mga varsity sa school namin. Halos isang linggo din ang event na yun dahil sa dami ng laro na naka entry. Ang isang linggong yun ay uhaw na uhaw ako kay jenifer. Dahil hindi kami nagkikita. Sobrang maaga kasi ang alis namin sa school at halos gabi na kung makauwi kami na palaging sarado na ang parlor nila jenifer kapag nakakauwi kami ng mga kavarsity ko.
At isa pang nakakainis ay nang matapos ang unit meet na yun. Bukod sa talo ang team namin, pinapabalik na ako ni coach noel sa pang umagang klase na dati kong section. Dalawang linggo ako magkklase sa totoong section ko bago ako kunin ng team na nagchampion sa unit meet para makapag training sa sta cruz laguna para sa provincial meet.
Dalawa lang kami nahugot nung babaeng maitim na payat na hugot lang din ng school namin, para makapag laro sa provincial meet. Pero kung ako ang tatanungin ayoko na sana pumunta pa sa sta cruz laguna para mag ensayo. Ayoko na din pumasok uli sa dati kong section, kung maaari lang sana ee sa pang hapon na ako at sa section na ni jenifer ako pumasok.
Subalit lahat ng yun ay hindi maaari, dahil scholar ako at kailangan ko bayaran ng paglalaro ang libreng pag aaral na ibinibigay sa akin ng paaralang yun, kailangan ko din bumalik sa star section dahil dun naman talaga ako nakabilang.
Ang unang araw na bumalik ako bilang star section uli ay pawang nakapihit sa lugar na hindi ako makikita ni niki at andrea ang mga leeg nila. Alam ko galit sila sa akin subalit ayoko ng ipagpilitan pa na kausapin sila o kahit lapitan man lang. Kaya ang dati ko upuan na dapat sana ay katabi ni andrea ay hindi ko na inupuan. Kumuha na lang ako ng isang bakanteng arm chair sa likurang bahagi ng classroom namin at doon ako nakinig ng mga lesson na itinuturo ng teacher namin.
Kung ayaw nila sa akin. Ayoko din sa kanila. Yan ang eksaktong kataga na sinabi ko sa isip ko para kila niki at andrea. Kasama na din si cris sa salitang yun, dahil madalas siyang nakatambay sa labas ng gate ng school namin, dahil sinusundo niya si niki. Hindi ko na din siya pinansin.
Si jenifer naman ay dinadaanan ko muna sa parlor nila bago ako umuwi, madalas ay sabay kami kumain ng tanghalian at kapag uwi naman niya sa hapon pinupuntahan niya ako sa bahay namin para maggala uli gamit ang chappy niya.
Simple lang ang buhay ko ng sandaling yun, may ilan na nagagawan ng pataan kahit pa sabihin na magkaiba na kami ng oras ng pasok ni jenifer ay matyaga naming hinahanapan ng oras ang aming pagkikita at pag aaral ng sabay.
"Nico after ng provincial meet may event pa kung machampion kayo uli?" tanong ni jenifer habang nag aaral kami sa isang sulok ng parlor nila.
"Oo after ng provicial. Straa meet, tapos palarong pambansa" sabi ko.
"Ano pa sunod sa palarong pambansa?" tanong niya uli.
"Wala na. Yun na yung last. Laban yun ng mga region sa buong pilipinas." sabi ko.
"Ibig sabihin matagal ka pa mawawala?" tanong ni jenifer na parang may lungkot sa muka niya.
"Medyo, pero huwag ka ng malungkot. Susulitin naman natin yung mga araw na magkasama tayo. Tyaka pag nakauwi ako dito ikaw agad ang unang pupuntahan ko." sabi ko.
"Pangako yan?" nakangiting sabi ni jenifer.
"Sige. May gift ako sayo pag uwi mo. Pero dapat champion kayo. Kapag talo kayo wala kang gift." sabi ni jenifer.
Medyo natuwa ako sa sinabing yun ni jenifer, isa ito sa mahalagang bagay sa buhay ko noon at kahit hanggang ngayon. Yung bigyan ako ng regalo ng taong mahal ko na pwede ko ingatan at itago.
Ang pagpapahinga namin bilang varsity ng halos dalawang linggo ay mabilis natapos. Bitbit ko ang gamit ko ng magtungo ako sapaaralan. Tanghali nung panahon na yun, kaya nagkaroon pa ako ng pagkakataon na makipagkita kay jenifer at makausap siya.
"Mag iingat ka dun huh. Walang babae Nico binabalaan kita." sabi ko.
"Oo ano kaba. Bukod naman ang training ng lalaki at babae dun." sabi ko.
"Ihahatid ka ba ng coach mo?" tanong sa akin ni jenifer.
"Hindi. Dadaan dito sa school natin yun mini bus ng nanalong team. Hugot lang ako diba kaya ako lang mag isa ang pupunta sa sta cruz. Wala ako kasama na taga dito sa school natin." sabi ko.
Napakaraming paalala ang sinabi sa akin ni kenifer ng sandaling yun, tinalo pa niya ang nanay ko sa dami ng paulit ulit na palala at mga pangaral na dapat ko gawin at ikilos sa sta cruz.
SUbalit ng matapos magsalita si jenifer ay bigla niya akong hinalikan sa labi.
Smack lang ang halik na yun at kahit mabilis lang na naglapat ang labi namin ay hinfi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko, alam ko may nakakita sa aming mga kapwa namin estudyante sa paghalik na yun ni jenifer pero wala na akong pakielam pa sa mga matang nakatuon sa amin.
Ilang babae na din ang nahalikan ko at hindi lang halik may laplapan pa at kantutan, pero ang halik na yun ni jenifer ng sandaling yun ay mistulang pambura na binura lahat ng halik na naranasana ko.
Kinikilig ka na parang lumulutang ang mga paa mo sa lupa, yan ang eksaktong pakiramdam ko matapos ang halik na yun, napahawak pa ako sa labi ko matapos ang mabilis na halik ni jenifer, nakangiti siyang tumakbo palayo sa akin dahil magsisimula na ang klase nila. Ako naman ay mistulang ipinako sa kinatatayuan ko dahil sa halik ng pamamaalam ni jenifer, halik na babauinin ko sa sta cruz upang maging inspirasyon ko na lalong galingan pa ang paglalaro at mag pursige pa lalo lampasan ang lahat ng mga manlalaro na makakaharap ko...
Matagal ang naging byahe namin ng sandaling yun, dahil ang inaakala ko noon na sa sta cruz kami mag lalaro ay nagkamali ako dahil sa quezon kami dinala ng mini bus na sinasakyan namin, dahil ang quezon pala ng sandaling yun ang mag host ng provincial meet.
Magkakabukod na binigyan ng kanya kanyang paaralan ang bawat manlalaro sa ibat ibang event. Kaming mga lalaki ay sa isang peivate highschool ipinadala, dahil kailangan pa rin naming mag aral habang nag hahanda sa laban. Noon kasi priority talaga ang pag aaral, extra curiculum lang kung ituring ang sports noon.
Ang isang buwan na inilagi ko sa quezon province ay masasabi ko na isang vuwan ng buhay ko na napaka lungkot ko, dahil ang buong buwan na yun ay walang ibang tumakbo sa isip ko kundi si jenifer, may mga magaganda babae rin naman sa paaralang pinasukan ko pero si jenifer lang talaga ang laman ng puso at isip ko.
Ang huling isang linggo na inilagi ko sa quezon ay ang kapana panabik na laban na unang beses kong naranasan mula ng maglaro ako ng volleyball. Dahil sobrang lalakas ng mga nakalaban namin, pakiramdam ko ang koponan namin ang pinaka mahina sa hanay ng mga manlalaro sa provincial meet na yun. Makailang ulit din akong tinamaan ng bola sa muka pero hindi ako nagpadaig sa mga kalaban namin, kagaya ng ipinangako kay jenifer ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lumaban, lahat ng natutunan ko sa volleyball ay ginamit ko sa bawat laban namin. Kahit setter lang ako ay pinilit ko pa rin manalo ang koponan namin subalit umabot lang ang lakas namin hanggang sa championship. Tinalo kami ng unit4 na hindi ko alam kung saang paaralan o lugar sila nanggaling dahil sobrang tataas nilang lumundag na mistulang mga ninja, kung himataw din sila ay talaga namang todo bayo na sa tingin ko ay hilo ako kapag tinamaan ako sa muka ng bola.
Subalit mswerte pa rin ako ng sandaling yun, dahil tatlo kami hinugot sa koponan namin papunta sa straa meet.
Subalit iba ang kapalaran ng mga babaeng kasama namin sa unit1. Dahil sila ang nag champion sa high school division. Ipinakilala ako ng bago ko coach sa bago na namang coach na hahawak sa akin pagtungtong ko sa straa meet. Bago kami pabalikin sa lugar namin ay kinuha na lahat ng files ko ng bago ko koponan dahil sa totoo lang medyo hindi akma na maging setter ang setter nila dahil halimaw siya kung humataw, lahat sila halos sa grupo ng lalaki ay malalakas humataw, wala nga lang marunong mag setter kaya hindi sila makabuo ng play. Tinalo nila kami dahil sa taglay na lakas ng hataw nila na hindi namin magawang masalo.
Nagalak ako ng sandaling yun, dahil mapapabilang ako sa malakas na koponan, gusto kp rin malaman ang teknik nila kung bakit sila ganung kalakas humataw.
Sa pagkakaalala ko nov1 ng eksaktong makabalik kami sa bayan namin, daretso na ako sa bahay namin na halos hindi ako makilala ng mga kapatid ko at magulang ko dahil sa sobrang sunog ng kulay ko. Sa initan kasi kami naglalaro kaya nasunog ng ganun ang kulay ko.
Hapon ng sandaling makauwi ako kaya mabilis akong naligo bago ako nagmamadaling tahakin ang parlor nila jenifer. Dala ko ang medalyang ibinigay sa amin sa provincial meet bilang first place. Para ipagmalaki kay jenifer.
Subalit sarado ang parlor nila ng makarating ako, sinubukan ko rin kumatok sa pintuan ng parlor subalit walang sumasagot. Hindi ko naman magawang punatahan ang bahay nila dahil may kalayuan ito sa bayan. Wala akong pera na pamasahe sa tricycle. Kaya malungkot na lang akong umuwi sa bahay namin na dala ang medalyang dapat sana ay ipagyayabang ko sa aking kasintahan.
Ang dalawang araw na walang pasok dahil all saints day at all souls day ay namalagi lamang ako sa bahay. Nakaugalian na kasi ng pamilya ko na sa may pintuan na lamang magtirik ng kandila para sa mga namatay naming kamag anak kapag ganung okasyon. Medyo masikip kasi sa sementeryo sa lugar namin tapos uso pa ang mga batang dinudukot noon na ang usap usapan ay kinukuha daw ang dugo ng mga bata bago ipapatak sa ginagawang tulay. Dahil kasabihan na daq ng matatanda na kapag pinatakan mo ng dugo ng isangbata ang tulayna ginagawa ay mas matibaydaw yun kesa sa inaasahan. Hindi ko alam kung totoo yun, peeo nung panahon ko kasi kalat ang balitang yun sa bayan namin.
November 3 balik pasok na ako sa paaralan namin, bago palang ako pumasok ay may banner na sa harapan ng paaralan namin na binabati ako sa pagkakapasok ka straa meet. Dahil sa totoo lang ng sandaling yun. Ako lang ang batang lalaki sa hanay ng volleyball na maglalaro sa straa sa buong san pedro. Dahil yung isa kasama ko naman ay babae siya na payat na maitim na kung titignan mo mukang hindi magaling maglaro at parang walang bitamina sa katawan. Perp pag nakita mo kung paano gumalaw sa loob ng court, talaga naman magugulat ka dahil para siyang lalaki kung kumilos. Sa lakas at bilis niyang makaisip ng paraan para makagawa ng score. Masasabi mo na genius siya pagdating sa paglalaro ng volleyball.
Pagpasok ko sa campus ay halos lahat ay binabati ako ng congrats. Lalo na ang mga kakampi ko sa volleyball bago ako makarating sa provincial meet ay nilapitan ako para kamayan sa nabalitaan nilang narating ko.
Si coach noel pa nga ay napayakap pa sa akin ng makita ako at isang nakakataba ng pusong salita ang binitawan niya sa akin ng sandaling yun.
"Sobrang proud ako sayo Nico. Hindi ako nagkamali na kunin ka namin scholar sa school namin." sabi ni coach noel na kahit hanggang ngayon ay nasa isang sulok pa rin ng puso ko ang salitang yun.
Pagpasok kp sa classrm ay inulan din ako ng papuri ng mga classmate ko, tanging si niki at andrea lamang ang nanatiling tahimik ng sandaling yun. Binalewala ko na lamang sila. Dahil ang buong atensyon ko ng sandaling yun ay sana magtanghali na para makita ko na si jenifer.
Masasabi ko na masarap sa pakiramdam ang maging isang atleta lalo na kapag highschool ka pa lamang. Dahil kahit hindi ka gwapo na kagaya ko ay magiging popular ka sa buong campus. Sayang nga lang wala pang facebook noon. Baka kasi kung may fb na nung panahon namin ay isa ako sa mga famous na umaani ng libo libong likes at comment. Kahit muka akong sunog na saging ng sandaling yun.
Tanghalian na ng palabasin kami ng teacher namin. Sa totoo lang daig ko pa ata nun ang player ng track and field dahil bago pa sabihin ng teacher ko na good bye ay nakasukbit na ang bag ko sa likod ko at nakahanda na ang paa ko sa paglabas sa classroom namin dahil sabik na sabik na akong makita si jenifer.
Patakbo kong tinungo ang parlor nila jenifer ng sandaling yun, para ipagmalaki sa kanya ang medalya ko. Subalit bago pa lamang ako makarating sa parlor nila ay nakita ko na nakaupo sa chappy niya si jenifer,namumugto ang mata niya na parang may mabigat na problemang kinakaharap.
Ang saya at kagalakan ko ng sandaling yun ay bigla nalang naglaho. Napahinto din ako sa pagtakbo, dahil pilit ko pinagmamasdan ang babaeng nagbibigay sa akin ng saya na nakalugmok at tulalang nakatitig lamang sa simento.
"Jenifer may problema ka ba?" sabi ko ng makalapit ako sa kanya.
Subalit ng lingunin niya ako ay halos sulyap lang ang ginawa niya bago niya uli ibinalik ang tingin niya sa simento na parang pasan niya ang daigdig.
"Ui kausapin mo naman ako." sabi ko dahil pakiramdam ko wala lang sa kanya na nasa harapan na niya ako.
Subalit nagulat ako ng muli akong titigan ni jenifer at halos pasigaw akong sinagot.
"ANO BANG PROBLEMA MO? BAKIT MO AKO KILALA SINO KA BA HUH!??" sabi ni jenifer bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng parlor nila. Subalit bago siya makapasok sa parlor nila ay nakita kong tumulo ang luha sa mga mata niya.
Ano ang nagawa ko sa kanya? Bakit siya nagalit. Yan ang katanungan sa isip ko ng sandaling yun. Gusto ko na sanang umuwi ng sandaling yun dahil napahiya na ako. Pakiramdam ko ay balewala na ako sa kanya. Subalit ng tangka na akong hahakbang pauwi sa bahay namin ay bigla akong tinawag ng nanay niya.
"Pssst boy saglit. May kailangan ka ba sa anak ko?" tanong ng nanay niya na halos naguluhan na din ako dahil parang hindi niya ako kilala.
"Tita hindi niyo po ba ako natatandaan?" sabi ko.
"Huh? Bakit naisama ka na ba dito ni jenifer? Kaklase mo ba siya?" sabi ng nanay ni jenifer.
Hinubad ko muna ang suot kong sumbrero na galing sa isang kaklase ko na regalo daw niya sa akin dahil nagchampion kami at isa ako sa nakarating sa straa.
"Tita ako po ito si Nico. Yung varsity po na kaibigan ni jenifer. Yung inayusan niyo." sabi ko matapos ko hubarin ang sumbrero ko.
"Diyos ko ikaw ba yan Nico? Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit napakaitim mo, hindi tuloy kita nakilala. Halika sa loob at malamang ee kaya ka sinigawan ni jenifer ee hindi ka rin niya nakilala." sabi ng nanay ni jenifer bago niya ako hawakan sa kamay at hatakin sa loob ng parlor nila.
May ilang mga baklitang mukang kabayo pa na inaasar ako na anak daw akong ita ng makapasok kami sa parlor. Nasa maliit na kwarto si jenifer ng sandaling yun, yung kwartong lagi niyang pinapasukan kapag magpapalit siya ng damit.
"Diyan ka muna Nico tatawagin ko lang si jenifer." sabi ng nanay niya bago ako naupo sa isang plastik na upuan sa parlor nila. Sinuot ko uli ang sumbrero na binigay sa akin ng kaklase ko dahil naiinis talaga ako sa mga bading na nandun dahil panay ang asar nila sa akin na muka daw akong ita. Kulang na lang daw sa akin ay bahag.
Ilang saglit lang ay Kitang kita ko kung paano magmadali si jenifer na lumabas sa kwartong yun bago ito daretsong lumabas sa pintuan ng parlor na palinga linga ang ulo na parang may hinahanap.
Nang lumingon ako sa pintuan ng kwarto pinaggalingan ni jenifer ay nakita ko ang nanay niya na nakangiti at napapailing na lang sa nangyari.
"Anak nandito si Nico wala diyan" sabi ng nanay ni jeifer sa kanya.
Nang muli pumasok si jenifer sa parlor ay nakakunot ang noo niya na pinagmamasdan ang itsura ko, bago niya biglang tanggalin ang suot ko sumbrero.
"Nico?" sabi ni jenifer na hindi mo mawari kung nagulat ba o nainis ang itsura.
"Oo ako ito. Sinigawan mo pa ako kanina, ano ba ---
Putol sa dapat ay sasabihin ko dahil bigla akong niyakap ni jenifer ng napaka higpit.
Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa yakap na yun ni jenifer, kahit pa panay ang pang aasar ng baklitang tauhan ng nanay niya sa parlor ay walang pakielam si jenifer. Batid ko ng sandaling yun na labis niya akong namiss sa mga araw na wala ako, dahil ganun din naman ako sa kanya. Kaya ginantihan ko na din ng yakap ang mahigpit niyang pagkakayakap.
Subalit ang nanay ni jenifer ay pinaghiwalay na kami, dahil sa totoo lang kung hindi yun ginawa ng nanay niya. Baka hindi na kami bumitaw ni jenifer sa isat isa dahil sa sarap ng pakiramdam ko habang yakap ko siya.
"Ohh okay na huh. Tama na ang yakapan. Para kayong mga artista kung umarte." sabi ng nanay ni jenifer.
"Si nanay naman kahit kailan kj. Tara nga Nico dun tayo sa labas." sabi ni jenifee bago niya hilahin ang kamay ko palabas sa parlor nila.
"Anak sinasabihan ko kayo huh. Bata pa akyo. Dahan dahan lang" pahabol ng nanay ni jenifer sa amin bago kami tuluyang makalabas sa parlor nila.
Nagtingo kami sa basketball court sa plaza na halos katapat lang ng paaralan namin.
"Kamusta ka naman?" sabi ni jenifer.
Ngumiti muna ako bago ko hugutin mula sa bulsa ko ang medalyang nakuha ko sa provincial meet at isinuot ko sa leeg ni jenifer.
"Ingatan mo yan. Pinaghirapan ko yan medal na yan." sabi ko matapos ko isabit sa leeg niya ang medalya.
"Sigurado ka sa akin na ito?" sabi niya bago niya pagmasdan ang bilog na medalyon sa mesalya.
"Ano kamusta ka naman doon? May babae ka noh." sabi bigla ni jenifer na naging seryoso ang muka.
"Ok naman ako dun. Tyaka wala akong naging babae dun. Sa itsura ko ba naman na ganito may magkakagusto pa sa akin?" sabi ko bago ko ipakita sa kanya ang sunog na braso ko.
Napatawa naman si jenifer sa sinabi ko na halos hindi na siya makahinga.
"Ee bakit ba naman kasi nagkaganyan ang balat mo?" tanong ni jenifer.
"Ee kasi umaga yung klase namin dun. Tapos after lunch hanggang 5pm nagttraining kami sa initan. Hindi lang naman ako ang ganito ang kulay. Lahat kami pati yung coach namin." sabi ko.
"Ok lang yan. Nakakarating ka naman sa straa diba." sabi ni jenifer.
"Oo ikaw yun inspirasyon ko habang naglalaro ako dun." sabi ko.
"Owws maniwala ako sayo." sabi niya.
"Ee di wag. Ikaw siguro may iba ka na dito noh." sabi ko.
"Hmmp may iba ka diyan. Wala noh. Kita mo nga kanina hindi kita nakilala kaya kita sinungitan. Ganun lagi ko ginagawa kapag may nakikipag kilala sa akin o manliligaw." sabi ni jenifer.
"Ee teka nasaan na yung pangako mo sa akin na regalo mo pag uwi ko?" sabi ko.
"Bukas ko nalang ibibigay ok lang ba? Hindi kasi ako pwede umabsent ngayon kasi may long quiz kami. Nasa bahay namin yun regalo mo. " sabi ni jenifer.
"Ahh sige ok lang. Pero bakit namumugto yung mata mo kanina nung dumating ako. Parang kakaiyak mo lang." tanong ko sa kanya.
"Mamaya ko na lang ikkwento sayo pag uwian namin. Malalate na kasi ako Nico. Huwag ka aalis sa bahay niyo. Susunduin kita mamaya gala tayo." sabi ni jenifer bago siya magpaalam sa akin na kukunin na muna ang bag niya sa parlor nila.
Sinamahan ko naman siya na kunin ang bag niya, bago ko siya ihatid sa gate ng paaralan na magka holding hands pa kami.
"Huwag kang aalis sa bahay niyo. Dadaanan kita. Ilove you." sabi ninjenifer bago siya pumasok sa paaralan namin.
Halos pabulong ko na lang na sinagot na i love you too ang sinabi niya dahil nagmamadali siya pumasok. Ako naman ay masayang naglakad pauwi sa bahay namin.
Sinunod ko naman si jenifer ng araw na yun, hindi nga ako umalis sa bahay namin at matyaga ko siyang hinintay sa bahay ng lola ko na nakaharap sa gate namin.
Hindi ako nakaramdam ng inip ng sandaling yun kahit ilang oras ko siyang hinintay dahil ang utak ko ay naglalaro sa masasayang kaganapan sa buhay namin ni jenifer.
Hanggang sa dumating si jenifer na suot ang jogging pants niyang kulay itim at jacket na kulay pink. Napakanganda niya ng sandaling yun na halos ayoko ng alisin ang pagkakatitig ko sa itsura niya.
"Tara" sabi ni jenifer ng makita niya akong nakaupos sa terrece ng lola ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng ibigay niya sa akin ang manibela ng chappy niya.
"Kahit saan ikaw na ang bahala." sabi niya.
Pinatakbo ko na lang ang motor niya kung hanggang san kami makarating, nakayakap lang sa akin si jenifer ng sandaling yun, medyo nag aagaw na ang dilim at liwanag ng bumalik kami sa parlor nila para iparada ang chappy niya.
Tapis niyaya niya akong maupo sa mga upuang gawa sa bato sa plaza namin.
"Nico pwedeng magtanong?" sabi ni jenifer ng makaupo kami sa isang sulok ng plaza.
"Kunwari aalis ako. Pipigilan mo ba ako?" sabi bigla ni jenifer.
"Kung para naman sa ikakaganda ng kinabukasan mo ang pag alis mo bakit naman kita pipigilan?" sagot ko.
"Kung sakali man na umalis na ako. Mag hahanap ka na ba ng bago mo girlfriend?" tanong niya uli na medyo kinabahan na ako sa klase ng pagtatanong niya.
"Bakit mo ba tinatanong? Hindi naman aalis diba. Hanggang college tayo dito ka lang naman. Kasi nandyan ang nanay mo sa parlor niyo. Tyaka wala ka namang pupuntahan." sabi ko.
"Mali ka Nico. Tatapusin ko lang kasi hanggang second year highschool ko dito sa laguna. Nalulugi na kasi ang parlor ni nanay. Nagbabalak nasiyang mag abroad nalang muna uli." malungkot na sabi ni jenifer.
"Ee saan ka naman titira kapag nag abroad ang nanay mo?" tanong ko.
"Sabi ni nanay sa kapatid daw niya sa cagayan. Pero pansamantala lang naman yun. Kasi daw kapag maganda yung nakuhang trabaho ni nanay sa new zealand baka pasunurin niya ako doon." sabi ni jenifer na nagpakaba sa dibdib ko na hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko. Dahil pakiramdam ko ay biglang namanhid ang buong katawan ko sa mga sinabi niya.
"Magkikita pa ba tayo kapag umalis ka na?" tanong ko.
"Hindi ko alam Nico." sagot niya.
"Ee kung kausapin na lang kaya natin ang nanay ko, sabihin ko na doon ka na lang tumira sa bahay namin kapag umalis na siya. May kapatid naman akong babae, pwede kayo magshare ng kwarto. Pagtyagaan mo na lang kasi medyo mataray yun. Kung ayaw mo naman sa kwarto ng ate ko. Pwede ka dun sa kama ko. Dun na lang ako matutulog sa bahay ng lola ko. Hindi ka naman magiging problema ng magulang ko kasi diba kaunti ka lang naman kumain. Tyaka tutulong naman tayo sa mga gawain bahay sa bahay namin. Tapos sa--- muli ay pinutol na naman ni jenifer ang pagsasalita ko sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin ng sandaling yun.
Napaluha na rin ako ng maramdaman ko na humihikbi siya at unti unting nababasa ng luha niya ang balikat ko.
"Bakit ka ba umiiyak. Tara na kausapin na natin si nanay mo. Sigurado papayag siya na sa amin ka na lang tumira." sabi ko habang nakayakap siya sa akin.
Pinunasan ni jenifer ang luhang pumatak sa mga mata niya bago niya akong niyaya sa parlor nila para kausapin ang nanay niya.
Pinaghintay niya ako sa labas ng parlor bago niya hilahin ang nanay niya palabas para hindi marinig ng mga baklang mapanga asar sa parlor nila ang pag uusap namin.
Lakas loob ko sinabi ang tanging solusyon ko upang hindi na tuluyang umalis pa ang isa na namang babaeng naging mahalaga sa akin ng sandaling yun. Dahil sa totoo lang hindi na biro ang mawalan ka ng dalaqang kaibigan na ngayon ay magiging tatlo pa sila na iiwan ako. Nauna si isabel, pangalawa si camille. Ngayon naman si jenifer. Kaya lakas loob ko kinausap ang nanay ni jenifer.
Inakbayan muna niya kaming dalawa ng anak niya bago siya nagsalita.
"Alam niyo mga bata pa kayo. Anak kahit hindi mo naman sabihin nararamdaman ko na mahal mo si Nico, anak kita ee. Sa kilos mo sa pananalita mo na laging siya ang laman ng bawat kwento mo alam kong may pagtitinginan na kayo sa isat isa. Pero hindi pa sapat ang oras at panahon. Nico hindi naman sa ayoko makasama mo ang anak ko. Pero hindi naman kasi maganda kung kayong dalawa ni jenifer ay titira sa isang bahay. Hindi na kayo mga bata. Dalaga at binata na kayo, may mga bagay na dapat ay hindi niyo muna gawin. Mas mabuting unahin ninyo ang pag aaral para sa ikabubuti ng inyong kinabukasan. Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko. Kahit sa oras na ito ay paghiwalayin ko kayo kunyari si Nico dadalhin ko sa america, ikaw naman jenifer sa new zealand. Magkalayong bansa yun. Kung kayong dalawa ay nakatakda para sa isat isa, ang mga paa niyo na ang kusang hahakbang para magkita kayo uli. Yun ang tinatawag na tadhana." paliwanag ng nanay ni jenifer subalit hindi ako kumbinsido sa kwento niya.
"Paano po kung hindi kami ang magkatadhana ni jenifer. Pero gusto naman po namin na kami ang magkatuluyan balang araw?" tanong ko.
"Ang dalawang taong hindi naman nakatakda para sa isat isa ay hindj magkakatuluyan kahit na anong gawin nila." sagot ng nanay ni jenifer.
"Paano po namin malalaman kung kami nga po ang nakatakda." tanong ni jenifer.
"Simple lang. Pakawalan niyo ang isat isa. Kagaya ng sinabi ko kung nakalaan kayo sa para sa isat isa magkikita at magkikita kayo kahit nasaang lupalop man kayo ng mundo." sabi ng nanay ni jenifer. Bago niya kami yayain kumain na ng hapunan.
Nang sandaling bitawan ng nanay ni jenifer ang mga salitang yun ay hindi pa kayang abutin ng utak ko ang nais niyang ipabatid sa akin. Dahil siguro sa kakaunti pa ang nalalamn ko sa mundo ng pag ibig kaya marami pa akong katanungan. Subalit ang mga katanungan na yun ay mas natatabunan ng kalungkutan dahil batid ko na mawawala din sa akin si jenifer.
Hindi ko alam kung anong kamalasan ba ang meron ako ng kabataan ko, dahil sa tuwing may kaibigan akong babae na nagiging malapit sa akin ay lahat na lang sila umalis.
Minsan na rin pumasok sa isipan ko noon na kung hindi na lang kaya ako makipag relasyon sa babae o kahit makipag kaibigan man lang. Yun parang mabubuhay na lang ako na volleyball at pag aaral na lang ang uunahin ko.
Subalit hindi maaari ang buhay na naiisip ko para sa akin, dahil kasama na sa pag ikot ng buhay ko ng sandaling yan ang mga babae.
Nang malaman ko ang nalalapit na pag alis ni jenifer ay lagi na lamang akong balisa ng sandaling yun. Parang lagi akong takot at wala sa sarili dahil sa labis na pag iisip.
Saan ba ang cagayan? Gaano ba kalayo ang lugar na yun? Kaya ko ba pumunta doon para mabisita man lang anmahal ko si jenifer?
Paano kung kunin na agad siya ng nanay niya papuntang new zealand, magkikita pa kaya kami? Yan ang madalas ko maitanong sa sarili ko kapag nag iisip ako na wala akong makuhang kasagutan.
Kaya minatamis na lamang namin ni jenifer na sulitin ang mga araw na magkasama pa kami, madalas kaming mag cutting classes ni jenifer para lang gumala ng gumala at bumuo ng napakaraming magandang alaala.
Suportado naman kami ng nanay niya ng sandaling yun sa mga ginagawa namin, basta ang lagi lamang niyang paalala sa amin ay huwag na huwag kami gagawa ng mga bagay na ginagawa ng matatanda.
Naalala ko pa noon binigyan kami ng pera ng nanay niya para makapanood kami ng sine, sa metropolis mall kami nanood ng sine ng sandaling yun sa alabang. Na ngayon ay star mall na ang pangalan. " ARMAGEDDON" ang pinanood namin ng sandaling yun, si BRUCE WILLIS bida sa pelikulang yun na hinding hindi ko malilimutan dahil yun ang una at huling pelikula na pinanood namin ni jenifer.
Naalala ko pa na halos sabay kami naiyak ni jenifer sa tagpongnagpaalam na yung tatay sa anak dahil siya ang kailang mag press ng button na magpapasabog ng malaking meteors na dapat sana ay tatama sa mundo.
"Sana ganun kabait ang tatay ko noh. Magpapaiwan siya para mailigtas ka." sabi bigla ni jenifer ng palabas na kami sa sinehan.
"Hindi naman mabait ang tatay mo, kasi iniwan niya kayo ng nanay mo. Kung ako yun hindi ko kayo iiwan." sabi ko.
Matapos naming manood ng sine ay kumain na muna kami ni jenifer sa wendy's mas mura kasi noon ang tindang pagkain sa fast food na yun kesa sa jollibee at mcdo. Tapos naglaro kami ng video games.
Cadillacks and dinosaurs ang nilaro namin ng sandaling yun, tandang tanda ko pa yun larong yun dahil napaka galing ni jenofer sa larong yun. Sa hindi nakakaalam ng larong yun ay adventure games siya. Na parang may mga kalaban na sindikato at mga dinosaurs. Makikipag bugbigan kayo dun, pwede kayong pumulot ng baril, bato, kahoy granada at itak na pwede niyo gamitin sa kalaban. Pero pwede din suntukan at sipaan ang laban kapag wala ka napupulot na gamit.
Nag aagaw na ang dilim at liwanag ng umuwi kami ni jenifer na masayang masaya. Yun ang first date namin na hindi ko alam na date ang tawag sa ganun noon.
Naghahalo sa kalooban ko ang kasiyahannat pangamba sa bawat araw na lumipas sa amin ni jenifer, dahil marami nga kami nabubuo alaala subalit nalalapit na rin ang kanyang pag alis.
Kahit madalas akong pagalitan ng magulang ko dahil sa hindi ko pagpasok sa paaralan ay hindi ko na lang sila pinapakinggan, dahil hindi ko masabi sa kanila ang dahilan ko kung bakit halos dalawang araw lang ako kung pumasok sa paaralan sa loob ng isang linggo.
Wala kami kasi ibang ginagawa ni jenifer, kundi mag motor at gumala, kumain sa parlor nila, maglaro ng basketball sa plaza namin, kumain ng kung anu anong tinda sa plaza.
Subalit may isang bagay na ginawa noon si jenifer na hinding hindi ko malilimutan sa buhay ko.
December 9 1998. Wed. Alas dose ng tanghali ng hilahin ni jenifer ang kamay ko papunta sa simbahan na halos katapat lang din naman ng paaralan namin.
"ano ba kasi gagawin natin dito?" tanong ko.
"Ee basta. Sumunod ka na lang. Dami pa kasi tanong ee." sabi ni jenifer kaya sinunod ko na lang ang mga sinasabi niya na kahit medyo nagtataka ako ee ginawa ko pa rin.
Mahkatabi kami sa harapan ng pintuan ng simbahan ng utusan ako ni jenifer na lumakad daw ako sa gitnang bahagi ng simbahan papunta sa altar. Tinanong ko siya kung bakit. Sinabi lang niya na basta daw sumunod na lang ako.
Kahit muka akong tanga ng sandaling yun ay sinunod ko pa rin siya, dahil naiisip ko na gusto ko lang na maging masaya siya ng sandaling yun.
Kapwa kami nakasuot ng school uniform ng sandaling yun. Nang makarating ako sa mismong harapan ng altar ay nilingon ko naman siya na nakatayo lang din sa pintuan ng simbahan.
May ilang matanda na nagdarasal sa simbahhan ng sandaling yun, kaya sa kanila nabaling ang tingin ko. Hindi ko agad na pansin na naglalakad na pala si jenifer.
Nasa kalagitnaan na siya patungo sa altar ng muli ko siyang lingunin. Sa totoo lang para akong nakakita ng angel na bumaba sa lupa, parang may liwanag na nangagaling sa katawan na nagdudulot sa kanya ng kagandahan na hindi ko kayang ipaliwanag. Ang mga ngiti at mata niya na lalong nakakapag pahina sa mga tuhod ko. Napaka ganda ni jenifee ng sandaling yun.
"Ohh ikaw ang una. Sumumpa tayo sa harap ng altar na magmamahalan tayo habang buhay. Wala dapat kapalit kahit aalis ako. Kasi magkikita pa naman tayo pagtanda natin." sabi ni jenifee bago niya iabot sa akin ang singsing na nabibili sa labas ng paaralan namin na gawa sa plastik.
"Huh? Teka paanong susumpa?" tanong ko.
"Hindi ka pa ba nakakapanood ng kinakasal?" inis na tanong ni jenifer.
"Ohh ee di gayahin mo lang yung sinabi ng lalaki." sabi niya.
"Ee paano ko gagayahin wala namang pari na magtatanong sa akin." sabi ko.
"Ee kaya nga sumumpa na lang tayo ee diba.kasi wala naman pari. Nakakainis ka. Ayaw mo ba na ikasal tayo?" galit na sabi ni jenifer.
"Gusto ko. Teka lang mag iisip na ako ng sasabihin ko." sabi ko
Subalit kahit ano ata ang gawin ko paghalukay sa utak ko ay wala akong maisip na sasabihin sa kanya. Dahil halo halong emosyon ang nagtatalo sa katawan ko. TAkot, pananabik, paghanga sa kagandahan niya at saya na hindi ko malaman kung nahihibang na ba ako.
"Anak akin na ang mga singsing niyo" tinig mula sa likuran namin na bigla na lamang nagsalita at ng ito ay lingunin namin ang nanay ni jenifer ang nakatayo sa likod namin na nakangiti at iiling iling.
Nangangatog pa ako nung iabot ko ang ibinigay sa aking sing sing na plastik ni jenifer sa nanay niya na halos sabay lang kami ni jenifer na mag abot.
"Lord ito po mga singsinhg na ito ay magsilbi po sanang sagisag ng pagmamahalan ng dalawang batang ito. Basbasan niyo po ito ng inyong kapangyarihan upang magamit ng dalawang ito sa kabutihan. Maging inspirasyon po sana nila ang singsing na ito upang makamit nila ang laht ng pangarap nila sa buhay." taimtim na dasal ng nanay ni jenifer.
( mahaba pa yung dasal na yun ng nanay ninjenifer, hindi ko lang maalala ang ibang sinabi niya.)
Matapos ang dasal na yun ay tumayo sa harapan namin ang nanay ni jenifer na parang pari ng simbahan. Iniabot niya sa amin ang singsing.
"Ohh game ako ang magiging pari niyo." sabi ng nanay ni jenifer na nakisali na sa kahibangan namin.
"Ikaw lalaki, kusa ka ba naparito upang makaisang dibdib ang babaeng ito?" tanong ng nanay niya sa akin.
"Hinila lang po ako dito ni jenifer ee." sagot ko
Paaacck!!! Tunog ng ulo ko ng bigla ako batukan ni jenifer.
"Sabihin ko oo baliw to" sabi ni jenifer.
"Opo" sagot ko. Habang hinihimas ko ang ulo ko na tinamaan ng hampas ni jenifer.
"Lalaki, nangangako ka ba na mag aaral ka mabuti at magtatapos ng pag aaral para kapag nagkita kayo uli ng babaeng ito ay may maganda na kayong kinabukasan." tanong uli ng nanay ni jenifer.
"Ikaw babae kusa ka ba naparito para makipag isang dibdib sa lalaking ito." tanong naman ng nanay niya sa kanya.
"Opo nay" sagot ni jenifer bago ngumiti at parang bali na kinikilig pa.
"Huwag mo ako tawagin nanay. Pari nga ako diba." sabi ng nanay niya.
"Opo father pala" sabi ni jenifer.
"Babae nangangako ka rin ba na mag aaral kang mabuti at magtatapos upang magkaroon kayo ng magandang kinabukasan ng lalaking ito kapag nagkita kayo uli." tanong ng nanay niya.
Sa kapangyarihan ng suklay at gunting na ginagamit ko sa parlor ko ay binabasbasan ko kayo na sana ay magkaroon kayo ng magandang kinabukasan. Makamit niyo sana ang inyong mga pangarap sa buhay at kung sakali man na magkita kayo uli balang araw, sana ay may magandang buhay na ang bawat isa sa inyo. Sige na isuot niyo na sa bawat isa ang mga singsing niyo" sabi ng nanay ni jenifer na sinunod naman namin.
"Nay diba may kiss the bride pa." tanong ni jenifer.
"Ahh oo nga pala. Sa pisnge lang huh. Mga bata pa kayo. Hindi pwede sa lips." sabi ng nanay ni jeniffer.
"Ok kiss the bride. Sa pisngi lang huh." paalala ng nanay ni jenifer.
Subalit sadyang matigas ang ulo ni jenifer dahil ng hahalikan ko na siya sa pisngi ay bigla niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi ko bago niya inilapat ang labi namin. Pero mabilis din naman niyang inalis. Smack lang uli yun halik na yun pero sobrang saya ko.
"Jenifer ano ba." saway ng nanay ni jenifer sa kanya.
Pero bigla na lang akong hinila ni jenifer sa kamay patakbo palabas sa simbahan.
"Nay thank you." sigaw ni jenifer sa nanay niya bago kami tuluyang makalayo sa simbahan.
Mabilis na kinuha ni jenifer ang susi ng chappy niya bago kami magkaangkas na umalis patungo sa bahay nila.
Lagdating namin sa bahay nila ay may kinuha siya sa ref na pagkain. May cake din na bawas na. Ininit lang ni jenifer sa microwave ang mga pagkain na galing sa ref. Bago namin ito pinagsaluhan.
Matapos naming kumain ay nagsubuan pa kami ng cake, nankagaya ng ginagawa ng mga bagong kasal. Pero ang sumunod na dapat gagawin ng bagong kasal ay yun ang naging topic namin ni jenifer.
"Diba kapag kinasal dapat may honeymoon." sabi ni jenifer.
Naghahalo sa utak ko ng sandaling yun ang bilin sa amin ng nanay niya at respeto ko sa kanya bilang kasintahan kaya hindi ko magawang malibugan o kahit pag isipan man lang na galawin si jenifer.
"Ee di ba sabi ng nanay mo bawal pa nating gawin yun hindi pa dapat ginagawa ng mga bata." sabi ko.
"Nico ano ka ba hindi na naman tayo bata. 14 na tayo pareho." sabi ni jenifer.
"Ee basta ayoko pa rin. Saka na tayo mag honeymoon kapag malaki na tayo." sabi ko.
"Paano kung hindi na tayo magkita Paglaki natin?" tanong ni jenifer.
"Magkikita pa tayo sigurado ako." sabi ko.
"Talaga? Paano naman?" tanong niya.
"Kapag nakapag trabaho na ako. Marami na akong pamasahe pwede na kitang punatahan kung nasaan ka man." sabi ko.
Napayakap na lang si jenifer sa akin ng bigkasin ko ang katagang yun, medyo matagal din kami magkayakap ng sandaling yun na halos ayaw na niyang bumitaw sa akin. Ako man ay kung pwede lang sana na tumakbo na ng mabilis ang panahon habang magkayakap kami para hindi na kami magkahiwalay ng sandaling yun.
Subalit ang lahat ng masasayang alaala ay may hangganan, dahil 2nd week ng december ng ipatawag ako sa sta cruz laguna, dahil magsisimula na ang training namin para sa pagahahanda ng straa meet.
Ayoko na sana sumali pa sa straa ng sandaling yun dahil kaunting panahon na lamang kami magkakasama ni jenifer, gusto ko sana ee masulit ang mga nalalabing araw na nandun pa siya sa laguna subalit, hindi ako maaaring umatras sa pagtungtong ko sa straa meet. Dahil nakasalalay dun ang scholarship ko.
December 24 ng pauwiin kami sa pamilya namin hanggang sa bagong taon. Sa totoo lang napaka lungkot ko ng sandaling nagttraining ako sa oval ng sta cruz.dahil palagi ko nasa isip si jenifer, kung kamusta na kaya siya kung ano ang ginagawa niya. Kung namimiss niya ba ako.
Wala pa kasi facebook, twitter, skype o kahit cellphone ng sandaling yun. May mga cellphone na naimbento ng panahon namin, hindi nga lang kasing talamak kagaya ngayon ang gumagamit ng cellphone dahil kadalasan ay mayayaman lang ang meron ng cellphone.
May computer na rin ng panahon namin, pero kadalasan ay sa opisina o sa trabaho lang ito ginagamit na hindi kagaya ngayon ay kahit sa kalandian o kalibugan magagamit mo na ang computer.
Pagbalik ko sa lugar namin ay daretso agad akong nagtungo sa parlor nila jenifer, umaga ng sandaling makabalik ako kaya maswerte ako na bukas ang parlor nila. May mga ilan na costumer ang nanay ni jenifer ng silipin ko kung sino ang tao sa loob nito. Dahil wala sa labas ang motor ni jenifer ay lakas loob na lang akong nagtanong sa nanay niya.
"Magandang umaga po tita. Si jenifer po?" sabi ko.
"Ohh Nico, sobrang itim mo na naman. Halika pasok. Umalis si jenifer kasama si ryan. Pero babalik din agad yun mga yun. Kamusta ka na ba? Parang nagiging libangan mo na ang pagpapaitim ng balat ahh." sabi ng nanay ni jenifer.
Sa totoo lang hindi ako naasar sa panunukso niya na maitim ako, dahil totoo naman yun. Mas nainis ako at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na selos ng sabihin niya na kasama ni ryan si jenifer.
Sino si ryan? Saan sila nagpunta? Bakit sila magkasama.? Yan ang mga katanungan na medyo masakit sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ipinagpalit na ako ni jenifer sa ryan na yun.
Marami pa sinasabi ang nanay ni jenifer sa akin ng sandaling yun subalit wala akong maintindihan dahil sa labis na nararamdaman ko selos.
Kaya imbis na maghintay pa ako sa pagdating ni jenifer ay nagpaalam na ako sa nanay niya na uuwi na muna ako, medyo may galit na kasi ako nararamdaman ng sandaling yun at parang hindi ko ata gustong makita na magkaangkas sa motor si jenifer at si ryan na alam ko na halos magkayakap na sila dahil ganun kami ni jenifer kapag kami ang magka angkas sa chappy niya.
Umuwi ako sa bahay namin na masamang masama ang loob, dahil pakiramdam ko pinagtaksilan ako ni jenifer. Sakto pa na pag uwi ko ay nandun ang sasakyan ng tita ko na ginagamit nila sa pagbyahe ng mga gulay na itinatanim nila sa lucena.
"Nico mabuti at umuwi ka agad. Ang tita mo nagyaya na doon tayo sa kanila sa lucena mag pasko at mag bagong taon. Kailan ba ang balik niyo sa sta cruz?" tanong ng nanay ko.
"January 3 na po ang balik namin." sagot ko.
"Ee sa january pa pala hala sige ayusin mo na ang gamit mo at pupunta tayo sa tita mo. Hindi ka pwede magpaiwan wala ka makakasama dito." utos ng nanay ko sa akin.
Sinunod ko naman siya at halos lahat ata ng damit ko ay dinala ko na sa bag ko, kumain lang kami ng tanghalian bago kami sumakay sa sasakyan ng tita ko.
Nang sandaling yun ay pilit ko ng kinakalimutan si jenifer, nasa isip ko ng sandaling yun na hindi lang naman siya ang babae na pwede magkagusto sa akin. Sa dami ng nagbibigay ng love letter sa akin, kaya ko siyang palitan ng kahit ilan pa na gustuhin ko.
Isang desisyon ko noon na medyo mali. Hindi pala medyo talagang mali.
Maraming pagkakalibangan sa lucena, sa totoo lang hanggang sa ngayon gusto ko pa rin bumalik doon at tumira. Dahil bukod sa napaka lamig ng simoy ng hangin, maaliwalas at sobrang sarap ng mga pagkain na iniluluto ng nanay ko at ng tita ko. Ang tatay ko naman ay madalas kasama ng tito ko sa bukid. Ako naman ay kasama ang mga pinsan ko na naliligo sa irrigation, minsan nagpapalipad ng sarranggola, naglalaro ng tumbang preso, patintero, mataya taya, bente uno. Sa gabi naman ay nanghuhuli kami ng gagamba. Pero ang pinaka masaya sa lucena na naranasan ko ay ang matulog sa tree house.
Bahay ito sa puno na hindi naman talaga bahay, parang kubo lang siya na pahingahan ng tito ko at mga kamag anak nila sa lugar nila. Nakatayo ang kubo na yun sa itaas ng punong mangga na hitik sa bunga. Kaya masarap tumambay sa itaas nun dahil bukod sa presko na ee mabubusog ka pa sa kakain ng mangga.
Ang pasko at bagong taon sa lucena ay masaya din. Sa umaga kasi nagsimba kami bago kami nagtungo sa mga kamag anak ng tito ko para mamasko. Nung hapon naman ay may parlor games sa kalsada na pinamunuan ng barangay captain ata. Sa gabi ay may sayawan na hindi na kami pinaattend ng tita ko dahil delikado daw ang mga ganung party.
Sa totoo lang sa halos isang linggo ko pananatili sa lucena ay hindi ko na naisip pa si jenifer, dahil alam ko na pinagpalit na niya ako. Buo na yun plano ko na hahanap na din ako ng kapalit niya pagbalik ko sa laguna.
January 2 ng ihatid kami ng tita ko sa bahay namin sa laguna, sa rotoo lang parang ayoko na nga unuwi ng sandaling yun, parang mas gusto ko na lang mamuhay sa kanila dahil masaya ako sa lugar nila.
Buong maghapon akong nagpahinga sa bahay namin ng sandaling yun, dahil kinabukasan ay aalis na naman ako patungo sa sta cruz laguna, para ipagpatuloy ang training. Sa pagkakaalala ko kasi ay last week ata ng january noon ang straa meet.
Maaga akong nakatulog ng sandaling yun, kaya ang nanay ko na ang nag ayos ng dadalhin ko gamit.
Kinabukasan ay hinatid pa ako ng tatay ko sa paaralan namin dahil marami akong bag na dala, pinuntahan ko din si coach noel para sana magpaalam sa kanya na babalik na ako ng sta cruz.
Nagkkwentuhan ang tatay ko at si coach noel ng sandaling naghihintay kami ng mini bus ng team na humugot sa akin sa tapat ng gate ng paaralan namin ng makita ko si jenifer na naglalakad palapit sa paaralan namin. Alam ko siya yun kahit medyo may kalayuan pa siya, malinaw naman ang mata ko at kabisado ko ang pamamaraan niya ng paglalakad.
Halos ilang metro na lang ang layo namin ng magtama ang paningin namin ni jenifer, nakita ko ang kagalakan sa muka niya, subalit galit na muka ang isinukli ko sa kanya. Dahil sa totoo lang may inis pa rin akong nararamdaman sa kanya ng sandaling yun.
Sakto naman na dating ng mini bus na sasakyan ko papuntang sta cruz ng palapit na sa kinatatayuan ko si jenifer, kaya ang ginawa ko ay mabilis akong pumasok sa bus para makaiwas sa kanya. Ang tatay ko na ang nagbuhat ng gamit ko paakyat sa bus. Bago ako ihabilin sa bagong coach ko na mangangalaga sa amin sa sta cruz.
Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ni jenifer sa ginawa ko, gusto ko lang iparamdam sa kanya ng sandaling yun na inis ako sa kanya.

Gangsta ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon