Book 2 - Part 10

47 3 0
                                    

Ang ilang linggong pag eensayo namin sa sta cruz ay nag focus talaga ako sa kung paano maging kasing lakas ng mga kakampi ko sa pamamaraan ng pag spike, hindi naman ako nabigo dahil bawat detalye, tamang tyempo at tamang timing ng pag spike ay mabilis kong natutunan dahil sa sobrang determinado akong matuto at maging malakas.
Sinabihan din ako ng isa sa kakampi ko na gumamit daw ako ng barbell, para mapalakas pa lalo ang mga braso. Sinunod ko silang lahat, pati ang pag susuot ng weights sa buong katawan na parang dumoble ang timbang ko ay ginawa ko.
Lahat ng pahihirap ko ng sandaling yun ay nagbunga, dahil nagagawa ko ng magspike ng halos kasing lakas ng pamamaraan nila ng paghataw. Yun nga lang wala pa akpng control sa pag spike kaya nanatili akong setter ng mag simula ang straa meet.
Nang sandaling yun ay kami ang nagchampion sa mens division ng straa. Kaya napagpasyahan namin manood sa laban ng babae na kakampi namin. Dahil sila ang sumunod na may laban pagkatapos namin.
Subalit ang huling score na dapat ay makakapag tabla sa score ay hindi nagawang ibalik ng isang babae na kagaya kong hinugot lang din. Siya yun babaeng maitim, payat at marumi kung manamit na kagaya ko ay galing din sa san pedro.
Maitatabla sana niya ang score kung nahataw lang niya ng maayos ang bola, yun nga lang paghataw niya block net, kaya naging score ng kalaban na naging sanhi ng pagkatalo ng koponan ng laguna.
Kitang kita ko kung laano napaiyak ang babaeng yun sa nagawa niya, alam ko ang pakiramdam na maging patalo sa team, dahil naranasan ko na rin ang ganun. Yun nga lang may mga kakampi ako noon na umakay sa akin para sabihin ok lang yan, bawi tayo next time.
Subalit ang babaeng kagaya ko na nagmula sa san pedro ay wala ni isa man lang na kakampi niya na nagtayo sa kanya mula sa pagkakaupo sa gitna ng court. Ramdam na ramdam ko na siya ang sinisisi sa pagkakatalo nila. Sobrang naawa ako sa kanya kaya naglakas loob akong lapitan siya sa gitna ng volleyball court para sana alalayan.
"MISS TAYO KA NA DIYAN. TANDAAN MO LANG. WALA YAN SA LALIM NG PAG BAGSAK, NASA TAAS YAN NG PAGBANGON." sabi ko bago ko abutin ang kamay niya para alalayan siyang tumayo.
Nang makatayo siya ay nginitian ko pa siya, muka lang siyang ewan kasi nakatitig lang siya sa akin. Na parang nakakita ng multo.
Bumalik na ako sa grupo ng mga lalaking kakampi ko matapos ko itayo yung babae maitim, payat at marumi kung manamit.
Matapos ang awarding ceremony ay bumalik na kami sa laguna dala ang tropeo at medalya sa straa, dala ko din ang isang medalya na nakuha ko pa bilang best setter.
Sobrang nagagalak din ako dahil sa unang pagkakataon ay makakatungtong na ang mga paa ko sa palarong pambansa.
Nang muli akong bumalik sa paaralan namin ay mistulang artista ako sa dami ng bumabati sa akin, lahat siguro halos ng estudyante mula 1st year hanggang 4th year kilala na ako, dahil sa nakamit kong tagumpay.
May banner din na nakasulat uli sa harapan ng paaralan namin na nagsasabi na best setter ako at isa ako sa player sa san pedro na magiging bahagi ng palarong pambansa.
Isipin niyo na lang kung gaano ako kaswerte na mapabilang ako sa labing dalawang batang lalaki sa buong region-IV na makasali sa palarong pambansa. Bibihira ang nakakapasok sa palarong pambansa kaya sobrang laki ng ulo ko ng sandaling yun.
Ang locker ko ng buksan ko uli pagbalik ko sa paaralan ay halos mapuno ng love letter. Kahit sabihin na sunog ang kulay ko, mahaba na ang buhok ko dahil hindi ko nagaqang magpagupit ng panahon na yun ay marami pa rin nagkakagusto sa akin.
Ganun naman talaga ang buhay highschool kung sino ang popular siya ang dinudumog ng mga suitors at humahanga kahit na hindi maganda o gwapo basta sikat ka sa school asahan mo na maraming magkakagusto sayo.
Subalit ang buong akala ko na nalimot ko na si jenifer at wala na siya sa puso at isip ko ay nagkamali ako. Masyado akong nalunod sa kasikatan ng sandaling yun, sa mga babaeng humahanga sa akin na naging daan para mawala sa isip ko si jenifer.
Si jenifer na isang babaeng minsan din nagtyaga na magbigay sa akin letter, nakipagkita sa akin na hindi ko sinipot. Nakasama ko sa pagala, nagturo sa akin kung paano magpatakbo ng chappy, nagpahalaga at nagmahal sa akin ay tinalikuran ko dahil sa isang lalaking na hindi ko man lang inalam kung kasintahan ba niya talaga o ano. Basta na lang ako umalis at tinalikuran ang lahat ng bagay na nasimulan namin.
Ang singsing na nakita ko sa bulsa ng bag ko ang nakapag paalala sa akin ng magagandang alaala namin jenifer, kung paano ako naging masaya kapag kasama siya, kung bakit gusto ko makapag tapos para magkaroon ako ng pamasahe balang araw para mapuntahan siya sa cagayan. Ang magagandang alaala namin ni jeinfer ay mistulang hinila pabalik ng singsing na yun. Subalit wala na akong lakas ng loob na muli siyang harapin, dahil ang buong pag aakala ko ay may iba na siyang kasintahan.
Isang tanghali sa pagkakaalala ko noon, pagkatapos ng klase namin ay nagtungo ako sa canteen para gamitin ang chips na ibinigay sa akin ng principal. Meal stub yun na kapag meron ka ganun ay maaari kang makakuha ng free meal sa canteen, may free softdrinks din.
Medyo hindi ko kasi nagamit yun nung mga nakaraang araw dahil madalas ay umuuwi kaagad ako sa bahay para mag aral at maghabol sa lesson namin. Dahil sa totoo lang magkaiba talaga ang turo sa public at private. Nung naglalaro kasi ako sa sta cruz sa public school ako pinapa seat in ng coach namin na ang lesson nila, medyo late na dahil napag aralan na namin ang kasalukuyang dinidicuss palang ng teacher nila. Balik tayo sa kwento ko.
Habang masaya akong kinakain ang free meal na ibinigay sa akin ng principal bilang premyo ko daw sa karanagalan na naiuwi ko sa paaralan namin ay bigla na lamang may umupong babae sa harapang bahagi ng pwesto ng mesa kinakainan ko, nakayuko ako ng sandaling yun kaya hindi ko agad nakilala ang babaeng yun. Kaya ng lingunin ko siya ay medyo nagulat ako dahil si jenifer ang babaeng nakaupo sa harapan ko. Galit ang itsura niya na masama ang tingin sa akin. Nakapusod ang buhok niya ng sandaling yun na kitang kita ang kagandahan ng muka niya.
Subalit hindi yun ang panahon para humanga ako sa kanya dahil may problema pa kami na hindi napag uusapan.
"Anong problema mo Nico? Bakit mo ako iniiwasan? Ano ba nagawa ko sayo huh?" medyo malakas na pagkakasabi ni jenofer kaya medyo nakukuha namin ang atensyon ng mga taong kumakain sa canteen ng sandaling yun.
Wala akong maisip na isagot sa kanya ng sandaling yun, mistulang nablanko ang utak ko at parang walang mailabas na salita ang bibig ko, kaya kahit kalahati pa lamang ang nakakain ko sa free meal na binigay sa akin ng principal. Hindi ko pa rin halos nababawasan ang softdrinks, kahit naghihinayang ako sa pagkain na yun ay bigla akong tumayo para lumakad palayo sa kanya para makaiwas, pero yung bote ng softdrinks kinuha ko ng pasimple dahil bitin talaga ako sa kain.
"Hoy yung bote saan mo dadalhin?" sigaw sa akin ng canteen helper.
"Ibabalik ko po. Sandali lang po" sagot ko bago ako mabilis na lumakad palabas sa gate ng paaralan namin na hindi man lang lumilingon sa likuran ko.
Subalit ng makalabas ako sa paaralan namin ay biglang may humila sa bag ko.
"Ano ba? Kausapin mo ako." pasigaw na sabi ni jenifer sa akin na hindi ko alam kung bakit tila nagkalakas ako ng loob para kausapain siya. Naghalo na sa katauhan ko ang awa at pagmamahal sa kanya ng makita ko na bigla siyang umiyak matapos niyang sabihin yun.
Hinila ko sa kamay si jenifer papunta sa plaza kung saan kakaunti lang ang mga tao, dahil pinagtitinginan na kami sa harapan ng paaralan ng sandaling yun.
Nang makarating kami sa plaza kung saan kami lang halos ang tao ay huminga muna ako bago ako magsimulang magsalita.
"Sino si ryan?" unang tanong ko kay jenifer.
"Kaklase ko." sagot niya.
"Kaklase mo lang? Pero kasama mo maggala sakay ng chappy mo nung wala ako?" sabi ko.
"Isang beses ko lang siya isinakay sa chappy ko, yun yung araw na hinahanap mo daw ako sabi ni nanay. Pinuntahan kita sa bahay niyo, pero wala ka na. Sabi ng pinsan mo. Nasa probinsya daw kayo. Araw araw nagpupunta ako sa bahay niyo. Nagbabaka sakali ako na nakauwi kana. Maski pasko at bagong taon nandun ako sa inyo. Pero wala ka. Tapos nung araw na paalis ka papunta sa sta cruz. Inagahan ko talaga ang gisng ko para sana makapag paalam man lang ako sayo, pero ano ginawa mo, bigla ka na lang sumakay sa bus nung nakita mo ako. Tapos eto nung umuwi ka hindi mo man lang ako pinupuntahan. Maski kamustahin ako hindi mo magawa. Ngayon nagkita aalis kapa at iiwasan mo pa ako? Gaano ba kalaking kasalanan para sayo na isakay ko sa motor ko si ryan? Kaya ko lang naman siya isinakay sa motor ko kasi may group project kami ng araw na yun. Kami ang nautusan na bumili ng materials para sa project namin. Tapos magagalit ka na agad ng ganyan? Nico naman dahil lang ba dun itatapon mo na lahat ng pinagsamahan natin? Huwag naman sana kasi mahal na mahal kita." sabi ni jenifer bago siya muling humagulgol ng iyak.
Sa totoo lang labis akong inusig ng kunsensya ko sa narinig kong pahayag ni jenifer, mas nauna sa akin ang selos at labis na galit sa pag aakalang ipinagpalit na niya ako sa iba, subalit nagkamali pala ako. Ang daming nasayang na araw at oras sa amin ni jenifer na sana ay nagkasama pa kami dahil bilang na bilang na lang ang mga sandaling makakasama ko pa siya.
Wala akong naisagot sa sinabi niya bagkos isang mahigpit na yakap na lang ang nagawa ko upang iparamdam ko sa kanya na nagsisi ako sa nagawa ko.
Masyado pa akong hilaw sa karanasan sa pag ibig ng sandaling yan, kaya madalas akong magkamali ng pag aakala sa karelasyon. Idagdag pa ang kasikatan na tinatamasa ko kaya mas naging kampante ako na kaya kong palitan ang lahat ng babae na mawawala sa buhay ko ng sandaling yun. Hindi ko pa noon lubos na naiintindihan na minsan lang may darating na babaeng magmamahal sayo ng kung sino ka at ano ka. Maging sa iyong kahinaan at kamalian ay matatanggap ka niya ng buong buo.
Dahil ang pag ibig ay hindi mo matatagpuan sa isang taong minahal ka lang, dahil gwapo ka, sikat ka, mayaman ka, maimpluwensiya ka o magaling ka. Dahil ang tunay na pagmamahal. Matatagpuan mo sa taong hindi ka iiwan kahit nakalubog ka na sa putikan o kahit na sabihing nakalubog ka pa sa impyerno. Dahil kung mahal ka ng isang tao, kahit ano ka pa. Tanggap ka niya.....
Hinog sa pilit... Yan ang salitang mailalarawan ko sa katauhan ko ng panahon na yan. Dahil marami akong bagay na hindi pa naiintindihan, nagagawa ko man na magkaroon ng kasintahan sa murang edad ay hindi ko pa gamay ang pasikot sikot sa ganitong klaseng relasyon, dahil ang tanging alam ko lamang ng sandaling yan ay mag mahal at maging masaya. Kahit maka ilang beses na ako nakaranas ng iwanan at masaktan ay parang hindi ko pa rin makabisado ang takbo ng pag ibig.
Hindi naman kasi parang volleyball ang pag ibig na nakukuha sa training para maging magaling ka, hindi rin ito katulad ng exam na mag review ka lang at makinig sa lesson ay masasagutan mo lahat ng pagsusulit.
Dahil literal pa sa literal na pag ibig ay kabaligtaran ng pag aaral, dahil ang pag ibig ay mas nauuna ang pagsusulit. Bago mo malalaman ang lesson. Yan ang natutunan ko.
Ang araw na magkausap kami ni jenifer at maipaliwanag niya sa akin ang lahat ng nangyari ay nagbalik kami sa dati naming pagsasamahan. Halos isang linggo na lang din ang ilalagi ko sa paaaralan namin ng sandaling yun dahil kailangan ko bumalik sa sta cruz laguna para magsimulang magsanay uli at maghanda para sa palarong pambansa. Kaya isang bagay ang sinubukan ko gawin na hindi ko alam noon kung uubra.
"Ohh iho may kailangan ka ba?" tanong sa akin ng principal namin ng lakas loob akong kausapin siya ng umagang yun.
"Maam may hihilingin po sana ako sa inyo kung ok lang po sana." malumanay na sabi ko dahil talaga namang kinakabahan ako ng sandaling yun.
"Hala ee umupo ka iho at pag usapan natin yan. Baka matulungan kita." sabi ng principal
Umupo naman ako sa bakanteng upuan na kaharap ng table niya bago niya ako tinanong kung ano ba ang pakay ko sa kanya.
"Maam isang linggo na lang po kasi ako dito, sa susunod na lunes po kasi babalik na ako sa sta cruz para po magtraining para sa palarong pambansa. Maam gusto ko po sana na yung huling araw ko dito ay mailipat niyo po sana ako sa panghapon na klase. Kung ok lang naman po." lakas loob ko sabi sa principal.
"Bakit mo naman gusto lumipat sa panghapon na klase? May problema ba sa mga kaklase mo? May bumubully ba sayo?" tanong ng principal.
"Ahh wala naman po maam, sa katunayan maayos nga po nila akong pinapakitunguhan." sabi ko.
"Ohh ee bakit gusto mo mapalipat sa panghapon?" tanong niya uli.
"Maam may kaibigan po kasi ako na hanggang ngayon taon na lang po mag aaral dito. Gusto ko po kasi sana na yung huling araw ko dito sa paaralan bago ako bumalik sa sta cruz ay makasama ko siya." sabi ko na halos mapayuko na ako dahil nahihiya ako sa principal at medyo natatakot din dahil baka magalit siya sa akin.
"Alam mo iho, kaya ka namin nilagay sa star section, para sana hindi mo mapabayaan ang pag aaral mo. Iba kasi ang turo sa mga star section kesa sa ibang section alam mo naman siguro yun. Paumanhin sayo pero hindi kita mapapayagan na lumipat sa pang hapon dahil importante din sa amin na may matutunan ka kahit na varsity ka. Ayoko pag graduate mo dito sa school namin ay paglalaro lang ng volleyball ang alam mo. Hindi ka pwede umalis sa star section, dahil yung sinasabi mo kaibigan mo na gusto mo makasama ang ililipat ko sa pang umaga para makasama mo. Ayos ba sayo yun?" nakangiti sabi sa akin ng principal na halos gusto ko ng magtatalon sa tuwa dahil pinagbigyan akp ng principal na makasama pa si jenifer ng isang linggo.
Sinabihan ako ng principal na pintahan ko siya matapos kong kumain ng tanghalian para masaman niya ako sa classroom ng kaibigan ko, dahil siya mismo ang kakausap sa adviser ni jenifer at sa adviser ko para sa hinihiling ko na paglipat ng klase.
Bumalik akp sa classroom ko na sobrang saya ko, dahil makakasama ko na si jenifer simula bukas na magklase, sabay na din kami kakain kapag recess at mas mahaba pa ang oras namin sa hapon na magkasama, dahil pareho na kami ng oras ng pasok.
Umwian namin ng tanghali ay matyaga akong naghintay sa labas ng principal office,kahit nagugutom na ako ng sandaling yun ay hindi ko na magawa pa kumain dahil wala naman akong pambili ng lunch, dahil sa bahay lang naman talaga ako kumakain ng tanghalian. Naghintay lang ako hanggang sa time ng klase ng panghapon.
Saktong tumunog ang bell ay pumasok na ako sa principal office, nakaupo lang ng sandaling yun ang principal namin na may sinusulat. Sinabihan niya ako na sandali lang dahil may tinatapos lang siya. Kaya matyaga ako naghintay sa kanya.
Ilang saglit pa ako naghintay bago ako yayain ng principal sa classroom ni jenifer. Madang babae ang principal namin, kaya medyo naiilang ako sa kanya ng maglakad kami na nakaakbay pa ang kamay niya sa balikat ko.
Pagdating namin sa classroom ni jenifer ay nakita ko agad siya nakaupo sa unahang bahagi ng upuan nila, bumati muna ang mga kaklse ni jenifer sa principal na naksanayan na ng lahat ng estudyante sa paaralan namin sa tuwing makikita ang principal. Bago nag usap ang adviser ni jenifer at ang principal. Si jenifer naman ay nakatingin sa akin habng bumubulong kung bakit daw ako kasama ng principal. Nginitian ko lang siya dahil hindi ako makapag salita, nasa tabi ko lang kasi na nag uusap ang adviser ni jenifer at ang principal namin. Natatakot ako na magalit sila sa akin kapag nagsalita ako na baka maingayan sila sa akin ee hindi pa matuloy ang paglipat ni jenifer.
"Ohh iho sino ba yun sinasabi mo kaibigan mo?" tanong ng principal.
"Si jenifer po." sabi ko.
"siya ba?" turo ng adviser ni jenifer sa kanya.
"Opo." sagot ko bago ako tumingin kay jenifer na napakunit ang noo ni jenifer dahil nagtataka siya sa kung ano ang pinag uusapan namin.
"Iha sandali" sabi ng principal kay jenifer na mabilis naman siyang tumayo at lumapit sa amin.
"Iha totoo ba na lilipat ka na ng paaralan sa susunod na pasukan?" tanong ng principal kay jenifer.
"Opo maam." sagot ni jenifer.
"Magkaibigan ba kayo nito" tanong uli ng principal.
"Opo" sagot niya uli.
"Iha simula bukas ee sa star section ka na papasok. Magiging pang umaga ka na, dahil hinihiling ng kaibigan mo na gusto ka daw niya makasama bago siya umalis papunta sa sta cruz. Hanggang sa matapos ang school year ngayon ay doon ka na sa star section.kausap ko na ang adviser mo, sila na ang bahalang mag usap ng adviser sa star section para sa grades mo. Isa pa tanong magkaibigan ba talaga kayo o magka-ibigan?" tanong ng principal sa amin na may ngiti sa labi na binibiro kami ni jenifer.
"Ang totoo po maam boyfriend ko po si Nico" seryosong sabi ni jenifer na parang hindi siya natatakot sa principal namin. Ako naman ay kinabahan sa sagot ni jenifer dahil baka hindi magustuhan ng principal ang sagot niya ee maudlot pa ang dapat na paglipat ni jenofer sa secrion namin.
"Sabi ko na ee, hmmmp ikaw talaga mr varsity. Pero sige ayos lang yan. Basta ang unahin niyo ay ang pag aaral. Wala naman kami karapatan na hadlangan kayo sa gusto niyo. Kami ay taga gabay niyo lamang." sabi ng principal bago niya kami iwanan.
Nagpaalam na ako kay jenifer dahil may klase la siya ng sandaling yun at kailangan ko din umuwi na muna sa bahay para kumain na dahil pakiramdam ko kinakain na ng large intestine ko ang small intestine ko sa sobrang gutom.
Sinabihan lang ako ni jenifer na pupunta daw siya sa bahay namin pag uwi niya, kaya umuwi na muna ako at masayang gumawa ng assignment matapos ko kumain ng tanghalian.
Hapon na ng dumating si jenifer sa bahay namin, kasalukuyan ako nanonood ng tv ng sandaling sumilip siya sa pintuan namin.
"Busy ka?" sabi ni jenifer mula sa pintuan.
"Hindi naman. Bakit? Gagala ba tayo?" tanong ko sa kanya.
"Oo sana kung ok lang sayo. May bago lugar kasi akong natuklasan ee." sabi ni jenifer.
Hindi na ako sumagot pa sa kanya, tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa sofa namin bago kami sumakay sa chappy niya.
Nag tungo kami ni jenifer sa isa sa sementeryo sa lagur namin. San pedro memorial park. Kung saan nasa taas ito na bahagi ng lugar namin na kapag tumambay ka dun ay tanaw mo ang buong sanpedro.
Napaka ganda ng view sa lugar na yun, tahimik pa dahil sementeryo nga, may tao man ay mga sepulturero lang ang mga nandun.
"Ang ganda noh?" sabi ni jenifer sa akin ng makarating kami sa lugar na yun.
"Oo. Pero paano mo naman nalaman ang lugar na ito?" tanong ko.
"Yung tauhan ni nanay sa parlor, bumisita kasi dito sa puntod ng magulang niya. Sumama ako kaya nalaman ko ang kugar na ito." sabi ni jenifer.
Sa totoo lang nakakarelax sa mga ganung lugar, lalo na kapag ang kasama mo ay taong mahal mo, nakaupo kami ni jenifer sa damuhan ng sandaling yun, nakasandal ang likod niya sa balikat ko habang sabay naming pinag mamasdan ang magandang tanawin na yun.
"Nico bakit mo nga pala kinausap ang principal natin para mapalipat ako sa section niyo?" tanong bigla sa akin ni jenifer.
"Wala lang. Gusto ko lang na makasama ka sa nalalabing araw ko sa school." sabi ko.
"Huh? Bakit? Aalis ka ba?" tanong niya na parang hindi niya alam na maglalaro ako sa palarong pambansa.
"Ano ka ba, diba magttraining ako sa sta cruz para sa palarong pambansa." sabi ko.
"Bakit kailan ba yun?" tanong niya.
"Next monday na." sagot ko.
"Bakit ambilis naman. Hanggang kailan ka doon?" tanong niya.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dun ee, wala naman kasi sinabi sa amin na date ng palarong pambansa" sabi ko.
"Ee paano na ako kapag wala ka na sa section mo?" tanong ni jenifer.
"Kaya mo yan kahit wala na ako. Mababait naman ang mga kaklase ko. Tyaka siguro naman bago matapos ang school year makakabalik naman siguro ako dito." sabi ko.
"Hmmmp sige basta mag iingat ka dun huh." sabi ni jenifer bago niya ako yakapin.
Inabot na kami ng gabi sa lugar na yun, dahil natuwa talaga kami ni jenifer sa ganda ng view, lalo pa ng magsimulang dumilim at unti unti ng lumiwanag ang magandang tanawin na pinag mamasdan namin. Mistula kami nakatanaw sa mga bituin sa lupa dahil sa mga ilaw ng kabahayan sa buong san pedro ng sandaling yun.
Hindi ko na maalala kung ano oras na kami nakabalik sa parlor nila, basta ang natatandaan ko. Nanay na lang ni jenifer ang nasa parlor dahil hinihintay niya kami.
"Pumasok kayong dalawa dito." seryosong sabi ng nanay ni jenifer na halata ko na agad na galit siya.
Sobrang kinakabahan na ako ng sandaling yun, dahil yun ang unang beses na nakita ko galit ang nanay niya.
"Maupo kayong dalawa. Ayoko ng nagsisinungaling jenifer alam mo yan. Sobrang maluwag ako sayo at sa inyong dalawa. Pero oras na labagin niyo ang sinasabi ko sa inyo palagi. Makikilala niyo kung sino ako. Saan kayo galing at bakit ngayon lang kayo?" pagalit na tanong ng nanay ni jenifer sa amin.
"Galing kami sa sementeryo na pinuntahan natin nila nila aira. Diba nay sabi ko po sayo isasama ko si Nico dun." sabi ni jenifer.
"Totoo ba Nico?" tanong ng nanay niya.
"Opo" sagot ko.
"Wala kayong ginawang bagay na ginagawa ng matatanda?" tanong uli ng nanay ni jenifer.
"Meron po. Niyakap po ako ni jenifer. Yun lang po." nakayukong sabi ko.
"Tumayo ka nga diyan jenifer, maglakad ka mula dito hanggang dun ng tatlong balik." utos ng nanay niya na sinunod naman ni jenifer.
Noon nagtataka ako kung para saan yun paglalakad ni jenifer, nakita ko lang kasi na pinagmamasdan siya ng nanay niya sa reaksyon niya sa paglalakad, pero ngayon batid ko na kung para saan ang paglalakad na yun.
Sinisigurado lang ng nanay ni jenifer na hindi kami nag sex, dahil kung nag sex kami, sigurado ako na hindi kayang maglakad ni jenifer ng maayos.
Matapos na masiguro ng nanay ni jenofer na wala kami ginawang masama ng sandaling yun ay niyaya niya ako na sa bahay na nila ako maghapunan. Sumama naman ako sa kanila dahil naiisip ko na sulitin talaga ang oras na kasama si jenifer.
Pagdating namin sa bahay nila ay nasa mesa pa at nag uusap ang mga bading at babae na tauhan ng nanay ni jenifer. Pinaghanda kami ng pagkain ng isa sa mga bading na nadun.
Tahimik naman kumain ng sandaling yun na kami pa ang magkatabi ni jenifer sa upuan.
"Nico hindi ka ba hahanapin sa bahay niyo?" tanong ng nanay ni jenifer.
"Hindi ko lang po alam. Hindi po kasi ako nakapagpaalam." sabi ko.
"Oh sige pagkakain natin ihahatid na kita para ako na ang magpapaliwanag sa magulang mo kung bakit ginabi ka na." sabi ng nanay ni jenifer.
"Nay oo nga po pala bukas pang umaga na ako. Magkaklase na kami ni Nico" sabi ni jenifer.
"Bakit at paano naman kayo naging magkaklase aber?" tanong ng nanay niya nakataas pa ang kilay.
"Si Nico po tanungin niyo nay. Huwag ako. Pakana niya yun" sabi ni jenifer, sabay baling ng tingin sa akin ng nanay niya na parang naghihintay ng kasagutan ko.
"Ahh... Ano po kais tita... Next monday po kasi aalis na ako..." nakayuko sabi ko.
"Aalis? Saan ka naman pupunta?" tanong niya sa akin.
"Sa ano po... Sa sta cruz laguna po..." sagot ko.
"Pwede ba daretsuhin mo ang kwento? Hindi naman kita kakainin huwag ka na nga mahiya." sabi ng nanay ni jenifer sa akin.
"Magsisimula na po kasi ang training namin sa volleyball, palarong pambansa player po kasi ako kaya kailangan ko po magsanay sa sta cruz. Kaya po kinaisap ko ang principal namin ni jenifer kanina para po sana maging magkaklase kami sa mga araw po na nalalabi sa amin. Dahil nasabi ko din po sa prinvipal na next school year po... Baka.... Wala na po si jenifer." nakayukong paliwanag ko.
"Talaga ba mahal mo ang anak ko?" biglang tanong ng nanay ni jenifer.
"Opo" sagot ko.
"Hmmmp alam niyo naaawa ako sa kalagayan niyong dalawa. Pero wala naman akong magawa ee. Kailangan ko rin kasi talagang umalis para maghanap buhay. Kung sana hindi nalulugi ang parlor ko, wala na sana akong plano na mag abroad pa. Ee kaso napaka hirap mabuhay dito sa pilipinas. Kung yan mga politiko na yan ee kapakanan ng mamayan ang iniisip. Wala sanag pamilya na mangungulila sa mahal nila sa buhay para magtrabaho sa abroad. Hayaan niyo, sigurado naman ako na balang araw magkikita kayo. Sa ipinapakita niyo sa akin na samahan niyo. Alam kong may araw na darating sa mga buhay niyo na hahanapin niyo ang isat isa." sabi ng nanay ni jenifer na naging dahilan kung bakit ganito na lang kalaki ang galit ko sa gobyerno natin.
Dahil totoo naman lahat ng sinabi ng nanay ni jenifer ee, bakit ganitong kahirap ang bansang pilipinas? Bakit sa bansa natin walang banyaga na nagiging katulong, nurse, construction worker. Bakit amg pilipino kailangan pa mag ibang bansa para lang kumita ng maayos?
Kung tapat lang sana sa kanilang tungkulin ang lahat ng politikong tao, lahat tayo sabay sabay na aasenso, hindi sana kami nagkahiwalay ni jenifer ng sandaling yun at baka kami pa ang nagkatuluyan sa pagtanda namin.
Matapos naming kumain ng sandaling yun ay inangkas na uli kami ng nanay niya sa chappy ni jenifer para ihatid ako sa bahay namin. Pagdating sa bahay namin ay kinausap ng nanay ni jenifer ang magulang ko para sabihin na doon kami kumain sa kanila kaya ginabi ako ng uwi. Hindi naman ako napagalitan dahil nandun ang nanay ni jenofer na nakasundo pa ang nanay ko.
Ilang saglit pa nag usap ang magulang namin ni jenifer bago sila magpaalam na sa amin dahil malalim na talaga ang gabi ng sandaling yun. Ako naman ay natulog na may ngiti sa labi.
Kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay namin para pumasok sa paaralan, pero hindi ako sa school namin nagpunta. Dahil sa parlor na muna nila jenifer ako nagtungo para sunduin siya. Subalit sarado pa ang parlor nila ng makaratimg ako. Kaya ilang minuto pa ako naghintay bago dumating si jenifer at nanay niya na sakay ng chappy.
"Ang aga mo naman ata. Kumain ka na ba?" tanong ni jenifer ng makita niya ako nakatayo sa labas ng parlor nila.
"Ahh oo tapos na, inagahan ko talaga amg punta para sabay na tayong pumasok." sabi ko.
"Tara muna sa loob. Hindi pa kami nag aalmusal ni nanay. Bili muna tayo diyan sa may bakery ng tasty." sabi ni jenifer.
Sinamahan ko naman siyang bumili ng tasty, kape at palaman. Bago kami bumalik sa parlor nila. Para kami isang pamilya ng sandaling yun dahil sabay sabay kami kumain kasama ang nanay niya. Naghati din kami sa kape ni jenifer ng sandaling yun na napagalamanan ko na adik pala si jenofer sa kape.
Matapos kami kumain ay nag ayos lang siya saglit ng buhok niya at muka niya. Nakaligo na rin naman si jenofer at naka uniform na kaya, parang retouch lang yun ginaqa niya.
Pagkaabot ng nanay niya ng baon kay jenifer ay nagpaalam na kami sa kanya bago kami pumasok sa school na magkahawak pa ang mga kamay namin.
Yun nga lang medyo napakunot lang ang noo ko ng makasabay namin si niki at andrea na papasok sa gate ng school namin. Yumakap pa lalo si jenifer sa braso ko ng makita niyang nakatingin sa amin sila niki at andrea.
Lahat halos ng mga kaklase ko ay nagtataka ng sabay kami pumasok ni jenofer sa classroom namin, dahil bago sa paningin nila si jenifer at isa pa maganda si jenifer na pwede mo ilaban ng pagandahan kay andrea.
Umupo kami ni jenifer sa likurang bahagi ng upuan, para may tyansa kami ni jenifer na makapag kwentuhan kahit may klase dahil hindi naman napapansin ng teacher namin ang likurang bahagi ng hanay ng upuan. Yan ang pagkakaalam ko dati. Peeo ngayon na naging guro na rin ako. Nalaman ko na walang sulok sa loob ng classroom na hindi nakikita ng teacher. Madalas lang siguro na hindi niya pinapansin ang mga estudyante na nagkkwentuhan o hindi nakikinig sa lesson sa ilang dahilan. Baka pagod ang teacher o baka naman ayaw niyang magalit o ayaw niya maputol ang lesson niya.
Nang dumating ang adviser namin ng araw na yun ay ipinakilala niya si jenifer sa mga kaklase ko, medyo napahiya lang ako ng sabihin pa ng adviser ko ang dahilan kung bakit napalipat si jenifer ng section. Medyo nakita ko hindi naging maganda ang timpla ng muka ni andrea ng sandaling yun, subalit binalewala ko na lang ang nararamdaman niya dahil pakiramdam ko noon ay wala din akong halaga sa kanya.
Ito yung sinasabi ko palagi na sobrang napakadaya ng orasan. Dahil parang isang iglap lang na lumipas ng napakabilis ang apat na araw na magkasama kami ni jenofer sa section namin.
Sabay kami kumakain kapag break time.
Kapag lunch sa parlor nila kami kumakain.
Sa hapon bago kami gumala gumagawa muna kami ng assignment. Dahil sa magkaklase kami kopyahan kami ng sagot.
Paulit ulit namin ginawa amg bagay na yun. Ang huling sabado at linggo bago ako umalis ay inubos lang namin ni jenifer na magkasama na gumala sakay ng motor niya.
Lunes ng umaga sa totoo lang parang ayoko ng umalis, dahil sobrang masaya na ako sa araw araw na kasama ko si jenifer, subalit may bahagi din ng utak ko na nagsasabi sa akin na kailangan ko makarating sa palarong pambansa para din sa pag aaral ko.
Nasa harapan ng paaralan namin si jenifer ng sandaling dumating ako kasama ang tatay ko, dahil medyo marami ang dala ko gamit ng sandaling yun.
"Nico" sabi ni jenifer na halos pabulong na lang ng bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit.
"Ui ano ka ba babalik pa naman ako ahh." sabi ko habang nakayakap si jenifer dahil nahihiya ako sa tatay ko ng sandaling yun.
"Mamimiss kasi kita. Mag iingat ka dun huh. Tyaka eto nga pala may ibibigay ako sayo." sabi ni jenifer bago siya kumalas sa pagkakayakap sa akin. Hinubad din niya ang back pack na bag niya bago niya kunin sa loob nito ang isa longsleeve shirt na nakabalot pa sa plastik.
"Gamitin mo yan kapag magttraining kayo sa initan huh, para hindi ka na umitim ng todo. Tyaka kakain ka ng marami para hindi ka pumayat, magpalit ka rin palagi ng damit kapag basa ka na ng pawis tyaka ano... Nico babalik ka huh" sabi uli ni jenifer bago ko tuluyang masilayan ang luha sa mga mata niya.
Pinahid ko muna ng kamay ko ang luhang gumuhit sa makinis na pisngi ni jenifer, bago ko sinagot ang lahat ng sinabi niya.
"Huwag kang mag alala. Babalik ako. Saglit lang ako doon. Mag iingat ka rin dito huh. Ako lang at ikaw huh walang iba huh" sabi ko bago ko siya uli yakapin.
Magkyakap pa kami ni jenifer ng dumating ang mini bus na sasakyan ko patungo sa sta cruz laguna. Nagpaalam na ako kay jenifer bago ako sumakay sa bus.
Ilang oras din ang naging byahe namin bago ako nakarating sa sta cruz. Dito ay ipinaliwanag sa amin ang lahat ng dapat naming gagawin sa buong buwan na magttraining kami. Mga gawain na tulong tulong kami sa paggawa. Sa pagkain na kukuhanan namin at sa paliligo, oras ng training at klase namin. Lahat ay pinaalala sa amin ng coach namin. Dahil kailangan sa isang varsity ang disiplina sa sarili. Natuwa pa ako ng malaman ko na may matatanggap ang bawat isa sa amin ng sandaling yun na 300 per week. Allowance daw namin yun na maari namin gamitin sa pambili ng kung anong gusto namin. Libre naman kami sa pagkain, sabon shampoo at deodorant. Kaya wala kami gastos.
Sagot din ng kapitolyo namin ang sapatos, medyas, brief, t shirt, varsity bag, short, jacket at jogging pants. Na lahat yun ay may tatak na region 4 at kersey number namin.
Ito pa yung isang muka sa pandaraya ng orasan. Dahil ng sandaling yun ay napaka bagal ng bawat pagbitaw ng segundo sa buhay ko, dahil walang ibang laman ang isip ko ng sandaling yun kundi si jenifer.
Pero binabalanse kp naman ang utak ko ng sandaling yun, dahil nakaroon ako ng interes sa pagttraining ng sandaling yun ng makakita ako ng mga material na bago sa paningin ko sa paghahasa at pagpapalakas pa lalo ng mga manlalaro.
Pinagbuti ko ang pagttraining ng sandaling yun. Halos tatlong lingo ang ginugol namin sa training, ang huling linggo ay ginugol namin sa laban ng palarong pambansa. First week ata yun ng march. Sa pagkakaalala ko.
Malalakas ang kakampi ko sa team namin at hindi naman sa pagyayabang ee nag improve din naman ang laro ko. Dahil naging utility spiker na ako ng sandaling yun. Dahil kapag ang pwesto ko ay sa unahan open spiker ako, kapag naman nasa back line ang ikot ng pwesto ko ay ako ang nag sesetter.
Yun nga lang hindi kami pinalad na manalo sa palarong pambansa. Maski nga ang makapasok sa semi finals ee hindi kami nakarating dahil sobrang lalakas ng mga kalaban namin. Hindi naman ako tinamaan ng bola sa muka ng sandaling yun dahil marunong na akong umilag, yun nga lang kakailag ko sa hataw na hindi ko makuha ay naging dahilan din ng pagkatalo namin.
Maaga ako nakabalik sa lugar namin ng sandaling yun dahil maaga kami natalo sa line up namin. Hinati kasi sa tatlong grupo ang team ng palarong pambansa, para sa elimination game. Ee napatyempo na malalakas ang nasa hanay namin kaya hindi kami nakalasap ng panalo kahit isang beses.
Pag uwi ko sa bahay ay malungkot ko ibinalita sa magulang ko ang pangyayari, pinayuhan naman ako ng tatay ko na ok lang daw yun. May dalaqang taon pa daw ako para bumawi. Pinagpahinga na nila ako ng sandaling yun. Kaya natulog na muna ako dahil sa pagod sa byahe. Ayoko din naman puntahan agad ai jenofer dahil alam ko sarado na ang parlor nila ng ganung oras. Gabi na kasi ng makauwi ako ng sandaling yun.
Kinabukasan ay nagpasya akong hindinan muna pumasok sa paaralan, bukod sa dahilan ko sa magulang ko na pagod pa ang katwan ko sa training ee, hindinko alam kung paano ako haharap sa paaralan namin dahil talunan kami ng sandaling yun.
Nagtungo na lang ako sa parlor nila jenifer dala ko ang pasalubong ko sa kanya na t-shirt na galing sa palarong pambansa. Inipon ko kasi yun pera binibigay sa amin bilang allowance para maibili ko si jenifer ng pasalubong.
Subalit halos mangatog ang tuhod ko sa takot at pangamba ng makita ko na may mga tao gumagawa sa loob ng parlor nila jenifer. Mga karpintero na parang nirerenovate ang parlor nila jenifer.
"Kuya pwede po magtanong?" sabi ko sa isang karpintero na abalang naglalagare ng kahoy.
"Ano yun" sabi nito sa akin na patuloy lang sa paglalagari.
"Kuya nasan na po yun may ari ng parlor?" tanong ko.
"Mat ari ng parlor? Hindi ko alam. Kasi gagawin ng tindahan ng damit ito. Nagsarado na ata yun parlor na dating umuupa dito." sabi ng lalaking yun.
Halo halong katanungan naman ang bigla na lamang pumasok sa isip ko. Umalis na ba si jenifer? Bakit hindi niya ako hinintay na makabalik? Sabi niya tatapusin niya ang school year niya dito?
Gulong gulo ako ng sandaling yun, kaya isang desisyon ang ginawa ko. Kahit hindi ako naka school uniform ng sandaling yun ay nakiusap ako sa guard ng school namin na papasukin ako, nagpakilala ako sa kanya na varsity ako kaya hindi ako naka uniform dahil kakauwi ko lang. Subalit ayaw akong papasukin ng guard. Hindi daw niya ako kilala. Medyo mahigpit kasi ang gurad na yun sa school namin.
Mabuti na lang at napadaan si coach noel sa may tapat ng gate, kaya agad ko siya tinawag. Hindi naman ako nabigo dahil nilapitan niya ako.
"Ohh Nico iho. Nabalitaan ko ang nangyari sa laban niyo. Tumawag sa akin ang coach mo. Huwag kang masyado malungkot. Malaking bagay na nakapag laro ka sa palarong pambansa." sabi ni coach noel.
"Oo nga po coach. Pero coach pwede niyo po ba akong tulungan makapasok sa loob ng school may kailangan lang po akong sabihin sa classmate ko." pagmamakaawa ko sa coach ko.
"Oo naman, halika pumasok ka." sabi ni coach noel bago niya ako akbayan papasok sa school.
Hanggang sa classroom namin ay sinamahan ako ni coach noel, na panay pa ang kwento niya tungkol sa palarong pambansa, subalit wala na sa kanya ang atensyon ko.
Dahil malakas na ang kaba sa dibdib ko ng sandaling yun na baka tuluyan na nga na hindi ko na makita pa si jenifer na labis kong kinakatakot.
"Maam excuse po. Pumasok po ba si jenifer?" tanong ko sa adviser ko na kasalukuyang nagtuturo ng oras na yun sa section namin.
"Ohh Nico ikaw pala. Si jenofer ba kamo? Yung bagong lipat dito sa section natin?" tanong niya ng lapitan niya kami ni coach noel sa pintuan ng classroom namin.
"Opo maam" sagot ko.
"Isang linggo na siyang hindi napasok. Ang pagkakaalam ko kinausap na ng nanay niya ang principal natin. Sa pagkakaalala ko may iniwan si jenifer sa principal natin na ipinaaabot daw sayo Nico.hindi ko lang alam kung ano yun, sabi lang ng principal kapag daw nakabalik ka na galing sa palarong pambansa sabihin ko daw sayo na magpunta ka agad sa kanya." sabi ng teacher ko na halos manlamig bigla ang pakiramdam ko.
Sa takbo ng pagsasalita ng adviser ko, batid ko na iniwan na ako ng tuluyan ni jenifer.
Hindi ko na halos maigalaw ang katawan ko ng sandaling yun sa labis na kalungkutan at parang hindinko ata kayang tanggapin na wala na si jenifer.
Subalit batid ko na nararamdaman ni coach noel ang nararamdaman ko ng sandaling yun kaya inakay niya ako papunta sa principal office na sa totoo lang ay ayoko sana puntahan, dahil hindi ako handa sa malalaman ko.
"Ohh upo kayo sir noel, Nico. Mabuti at nakabalik ka na. Nabalitaan namin ang resulta ng naging laban niyo. Pero ayos lang yan iho, experience naman ang nagkaroon ka para mas magaling pa lalo sa mga susunod na taon." sabi ng principal na sa totoo lang wala akong interes sa sinasabi niya, ayoko nga marinig pa ang sasabihin niya. Subalit ng tumayo siya papunta sa isang bakal na drawer na lagayan ng mga papeles sa opisina niya ay may kinuha siyang isang maliit na papel na nakatiklop at nakatali.
"Ohh iho, pinapaabot ito ng kaibigan mo. Ikinalulungkot ko sabihin pero umalis na sila ng nanay niya. Nakiusap lang sa akin ang mag ina kung maaari ay makakuha na ng final exam ang kaibigan mo, dahil papunta na pala sa abroad ang nanay niya at wala ng maiiwan na ksama dito ang kaibigan mo kaya dadalhin siya sa cagayan." sabi ng principal bago iabot sa akin ang isang sulat na alam kong galing kay jenifer.
"Coach noel, maam. Gaano po ba kalayo ang cagayan? Naipon ko po kasi yung allowance na ibinibigay sa amin sa palarong pambansa. Nagastos ko lang po dito sa damit ni jenofer yung kalahati para ipasalubong ko sa kanya, pero eto pa po yung sobra sa naipon ko. Mahigit 500 pa po ito. Dapat po kasi ililibre ko siya ngayon pagbalik ko pero wala na po pala siya. Pwede ko na po ba itong gamitin para puntahan si jenifer sa cagayan?" tanong ko sa kausap ko ng sandaling yun na hindi ko na napigilan pa maiyak.
"Iho malayo ang cagayan. Hindi sapat ang pera mo para masundan ang kaibigan mo." sabi ng principal.
"Magkano pa po ba ang kulang dito maam?" tanong ko uli.
"Nico makinig ka mabuti sa akin. Mag aral ka mabuti, pagalingin mo pa lalo ang sarili mo sa paglalaro mo ng volleyball. Dahil magagamit mo yan para makapag aral ka sa kolehiyo. Kapag nakapag tapos ka na ng pag aaral, saka mo hanapin kung nasaan ang kaibigan mo. Huwag ngayon. Masyado pa kayong mga bata. Masasaktan ka lang dahil kahit anong gawin mo. Magkakalayo at magkakalayo kayo, dahil yan ang kapalaran na naksaad sa mga palad niyo. Kung sakaling makapag tapos ka ng pag aaral balang araw at maalala mo pa siya. Saka mo siya hanapin at ipagpatuloy kung ano ang nararamdaman nito para sa kanya." sabi ni coach noel sabay turo sa puso ko.
Sa totoo lang medyo nagliwanag ang isip ko sa salitang yun ni coach noel, pero ang sakit sa puso at dibdib ko ay hindi pa rin nawawala sa paglisan ni jenifer na hindi man lang ako nakapagpaalam.
Umuwi ako sa bahay namin na sobrang bigat ng pakiramdam ko, ang lungkot at sakit ng kalooban dulot ng pagkawala ni jenifer ay naging sanhi ng pagkakaroon ko ng trangkaso ng sandaling yun.
Halos iaang linggo ako hindi nakapasok sa school ng sandaling yun, maswerte ako na kaklase ko ang ate ko kaya naipaalam niya sa school na may sakit ako. Nabigyan din ako ng special exam dahil finals na namin yun.
Bakasyon na ng sandaling maalala ko ang sulat na ibinigay sa akin ng principal. Kinuha ko ito sa damitan ko bago ko maingat na binuksan.
Yellow pad ang gamit na papel ni jenifer ng sandaling yun.
Sorry kung hindi ko na nahintay pa yung pagbabalik mo, naaprubahan na kasi yung application form ni nanay papunta sa new zealand, ayoko pa nga sanang umuwi sa cagayan dahil gusto ko pa sana na makita ka bago ako umalis. Kaso yung bahay namin kinuha na ng bangko. Ngayon nga dito na kami nakatira sa parlor. Hindi na nag ooparate ang parlor namin. Kasi hinihintay na lang ni nanay yun araw ng flight niya sa susunod na byernes.
Bukas nga pala kukuha ako ng special exam para sa finals natin. Kailangan daq kasi yun result ng exam para sa final grade ko at average. Kailangan din kasi namin kuhanin ang card ko para sa pag eenroll ko next year.
Nico mag iingat ka palagi diyan sa laguna huh. Sana hindi kayo lumipat ng bahay, dahil oras na makapag tapos ako ng pag aaral at makapag trabaho ako, ikaw ang unang hahanapin ko.
Mahal na mahal kita Nico.
Maghihiwalay lang tayo ng pansamantala, pero ipinapangako ko sayo magkikita pa tayo balang araw.
Sana hindi ka magbago. Sana ganyan ka pa rin pag malaki na tayo. Sana ako pa rin ang mahal mo, huwag mo sana akong papalitan sa puso mo Nico. Dahil ikaw nag iisa ka lang dito sa puso ko.
Lahat ng masasayang alaala na kasama kita hindi ko malilimutan yun, hindi ko nga akalain na aabot tayo sa ganito. Dati palihim.lang akong nagkakagusto sayo, dahil varsity ka at sa nababalitaan ko sa mga kakilala ko na mabait ka naman daw. Medyo palaaway nga lang.
Aaminin ko sayo first year palang tayo crush na kita,palihim ako palagi nanonood sa mga training niyo at sa laban niyo, yun nga lang hindi ako makalapit sayo. May umaaligid kasi sayong babae noon. Madalas din akong maglagay ng sulat sa locker mo, yun nga lang hindj mo naman sinasagot.
Nagulat na nga lang ako nitong 2nd year na tayo, hindi pa rin ako nagsasawa na magpadala ng sulat sayo ee bigla mo sinagot. Kaso nga lang pilyo ka hindi mo ako sinipot. Pero ok na din yun kasi naging close tayo, hanggang sa naging boyfriend kita.
Alam mo ba ikaw ang unang boyfriend ko at pinapangako ko sayo na ikaw na ang huli. Dahil kinasal na tayo. Ingatan mo ang singsing natin huh. Pagmalaki na tayo magpapakasal uli tayo. Yung totoong kasal na hindi na si nanay ang pari pagmalaki na tayo.
Basta ngayon Nico.mag aral tayong mabuti at pilitin nating makapagtapos para pagdating ng araw hindi natin kailangan magpunta sa ibang bansa para lang magtrabaho.
Gusto ko paglaki ko Nico maging architech, gusto ko ako ang gagawa ng tulay na magdudugtong sa laguna papunta sa cagayan, para kahit chappy lang ang gamit mapupuntahan natin ang isat isa.
Ikaw ano ba ang gusto mo paglaki mo? Nagtanong pa ako hindi ko din naman malalaman dahil nasa palarong pambansa ka. Basta mag ingat ka palagi Nico. Lagi mo tatandaan mahal na mahal na mahal kita. Babalik ako, maghintay ka lang Nico....
Jenifer --- ---
Nang mabasa ko ang sulat ni jenofer ay halos hindi maintindihan ang nararamdaman ko, may lungkot at saya na nahahati sa dibdib ko ng sandali yun, pero isa lang ang sigurado ko ng sandaling yan. Nagkaroon ako ng pag asa na magkikita pa uli kami ni jenifer, dahil nangako siya.


Book 2 The End

Gangsta ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon