'sho, come here.' tinawag ko si sunghoon, gusto ko lang syang makatabi. sa mga past few days, pakiramdam ko ang layo-layo ko sakanya kahit lagi naman kami magkakasama.
'sho' tinawag ko ulit sya ng 'di nya ako pinansin, ngunit hindi nya ulit ako nilingon nang muli ko syang tinawag.
napansin kong inaayos nya yung lego na binigay saken nung isang fan kaya ako ang lumapit sakanya.
'ano'ng ginagawa mo?' tinanong ko sya kahit halata ko na kung ano ang ginagawa nya. gusto ko syang kausapin. gusto kong tingnan nyako. gusto kong pansinin nya ko.
hindi nya nako nasagot ng tinawag sya ni won sa kusina. 'baket?!' sagot niya.
naiwan ako magisa sa sofa, tiningnan ko ang lego na kanina nya'ng inaayos. tinuloy ko na lamang ito dahil wala rin akong magawa.
maya-maya ay umupo na silang dalawa ni won sa sofa. umusog ako papalapit sa kanilang dalawa para makisama sa usapan.
'maganda don promise!' excited na pagkasabi ni sho.
'ha?saan?' sabi ko naman para makasama sa kanilang pinaguusapan.
'tingnan mo toh oh!' hindi ako napansin at meron syang pinakita kay won, sinubukan kong sumilip ngunit hindi ko din nakita dahil binigay nya yung cellphone kay won.
'patingin' pabulong kong sabi ngunit hindi ulit ako naparinig dahil may sinabi ulit si sho kay won.
unayos ako ng upo. parang nagegets kona yung nangyayari. feel ko hindi ako kasali sakanila.
umupo nalang ako at nanahimik.
nandito na kaming lahat sa salas, nanonood.
ganito kami araw araw, naglalaan kami ng dalawang oras para magkasama-sama kaming buo.tatabi sana ako kay sho, pero puno na sila don sa malaking couch. katabi nya ulit si won. andoon din si niko at sun.
umupo nalang ako sa solo couch at nanood.
natapos na ang movie kaya nag k-kwentuhan nalang kami. 'wala na tayong pagkain' natatawang sabi ni ethan.
'bili ako?' sabi ni sho. 'sige, samahan mo jae' sabi naman ni jj.
'sama ka won.' naparinig kong sabi ni sho kay won. tumayo ako at sumunod sa kanila palabas.
habang naglalakad ay para na naman akong tutang sumama pero hindi naman sinama. nasa harapan ko silang dalawa, nagtatawanan at nagkukulitan. habang eto ako, nasa likod. pinapanood sila.
ang saya nyo naman
nasa loob na kami ng 7/11 at naguusap paden sila. ganoon padin ako, tahimik.
naglakad na ulit kami pabalik, ngunit habang palapit ng palapit sa condo ay nanghihina ako. tumigil ako sa paglalakad.
hindi din naman nila mapapansin kung mawawala ako sa likod nila.
hindi ako umibo hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. nanlalabo ang paningin ko dahil sa nga luha kong pinipigilan ang pagbagsak.
tumalikod ako at naglakad. palayo. hinayaan ko lang ang paa ko kung saan ako madala, bahala na.
naglakad at naglakad lang ako, hindi ko alam kung ilang minuto na, pero napakatagal kong naglakad. makalayo lang doon.
parang nakikiramdam sakin ang ulap dahil naramdaman ko ang pag ambon. kasabay ng paglakas ng ulan ang pagbagsak ng mga luha ko.