"Samahan mo ko magrefill ng tubig?" Aya ni Jill. Tamang tama lang din dahil magre refill din ako ng tubig kaya sumama na ako.Mahilig ako sa tubig. Every recess aat lunch nga ako nagre refill kaya marami akong piso piso sa pitaka ko.
Nandito kami ngayon sa canteen kung san ang may gumaganang water machine ata tawag dito? basta kung saan ka magre refill. Maraming nakakalat na water machine sa school pero dito lang sa canteen ang always na may tubig at di nangangain ng piso.
Nauna si Jill magrefill bago ako. Habang hinihintay kong mapuno ang tubig ko, parang biglang lumingon ang ulo ko sa isang stall sa canteen.
It was like my body has it's own mind when Ryuu is near. I call it the Ryuu radar.
He was waiting for his food. Walang bakas na emosyon sa mukha niya at wala rin siyang kasama.
When I saw him looking around I immediately forcused myself on refilling my water. Ayaw kong makita niya akong nakatingin. Baka kasi kung ano ang isipin, mahirap na.
Di ko naman siya hinahanap pero sulpot siya ng sulpot. Tas minsan bigla nalang akong lilingon kung saan saan tas saka ko lang marealize kung bakit ako lumingon kapag nakita ko na siya.
Does my body really have it's own mind?
"Hi Solaine!" rinig kong sabi ni Princess na naging kaibigan ko dati. Nakapila ata siya sa likod ko.
We are okay, wala namang issue. Sadyang hindi lang kami masyadong nagpapansinan ngayon, siguro dahil may sarili na siyang friend group at malayo ang classroom nila sa amin, nahihiya na rin kasi akong pansinin siya.
"Hello!" simpleng sabi ko pero hindi ko na siya nilingon dahil binabantayan ko yung tubig. Baka umapaw. Ayokong mabasa ang uniform ko.
When I was finished, magpapa alam sana ako sa kanya kaso nakita ko si Greg at nasa likod niya si Ryuu na nagtago. Greg was looking at me, still with pity in his eyes. Hinanap ko si Jill na may kinakausap na kakilala niya.
When she saw me looking at him, I motioned my head na umalis na kami. Di na ako ulit lumingon sa kanila. Kung lilingon pa ako di ko na alam anong gagawin ko. Baka kausapin ko pa siya.
"Ayoko na!" sabi ni Min at parang nanlambot ang mga paa niya pagkalabas niya sa room nila. Muntikan pang madapa, buti nakakapit siya kay Ica.
"Anong nangyare?" Tanong ni Jill
"May recit kami tapos natawag pa ako sa recit na yon! yun pa naman yung question na iniiwasan ko kaya ayun nakatayo ako buong period! tapos nagreport ako kanina then timing sakin pa talaga na assign yung pinakamaraming part ng report, may assignment kami na ginawa ko kahapon pero nung tiningnan ko yung assignment ng mga kaklase ko dun ko narealize na may mali pala ako sa formula kaya inulit ko! Tapos nagquiz pa kami! Ayoko na pagod na ako masyado! Sasabog na ang utak ko!" Mangiyak ngiyak niyang sabi
"Ang importante tapos na, nalagpasan mo na. Gusto mo bang lkumain sa labas?" pagcomfort sa kanya ni Ica at pumayag naman si Min sa alok ni Ica.
May mga araw talaga na ganyan, lalo na sa senior high. Mas chill pa maging junior high, parang gusto ko nalang maging junior high forever. Sa senior high ang daming pinapagawa, what more kaya pag college na?
Habang nagpapahinga si Min, sumandal muna ako sa railings para tingnan ang mga estudyanteng papauwi na.
I saw a familiar bag. A green bag. Kasama ang isang blue bag.
Bakit kasi parati ko siyang nakikita?! Always nalang! Naiinis na ako ayoko na nito!
Parati ko nalang nahahanap ang bag niya. Dahil jan sa green bag na yan ay nalaman ko kung saan sila tumatambay, kung saan siya pumupunta, kung saan siya pagala gala at kung sinong mga kasama niya. Pero mostly sila lang dalawa ni Greg ang magkasama. Pati nga bag ni Greg kilala ko na kasi parati silang magkadikit.
That damn green bag.
He always stood out sa crowd. My eyes would instantly find him kahit na nakikipagsiksikan siya sa canteen. Ganun katalas ang mata ko when it comes to him.
Sometimes, all of the surroundings will blur and the focus is only him.
It is a mystery for me. Bakit ba kapag hiwalay na kayo ay mas lalo mo siyang makikita o matatandaan?
Ibang iba ang impact ng when you are together vs when you are not together anymore.
It will always be a big mystery to me, I hope I can get an answer out of it in the future.
BINABASA MO ANG
What Comes After The End?
Short Story|| A Valentine Special || Has anyone thought about what really happens after a break up? Is it full of hatred, being dejected or other emotions you feel depending on the situation. Solaine has been always curious of what the "after break up" feels l...