Patuloy lang ang nakakabinging kalansingan ng mga nagbabanggang Espada sa gitna ng napaka sakit na sinag ng araw. Mababakas ang pagod dahil sa pawis na tumutulo mula sa kanilang mga mukha, ngunit sa kabila nito ay mababakas mo parin ang mga panunuya at inis na hindi pinagkakaabalahang itago ng kanilang mga mata.Ilang minuto na ang nakalipas at masyado ng nagiging tensyonado ang kanilang laban, ang kanilang mga dugo ay nag kalat na sa damuhan pero hindi kailanman naging hadlang ang mga sugat na gawa ng kanilang mga espada upang mapigil sila sa kanilang laban.
Nang hindi na matiis ang panunuod ko sa dalawa ay tumayo na ako at pinagalaw ang lupa, at hindi ako nabigo dahil sabay ang mga itong natumba. Marahil ay dala na rin ng kanilang pagod dahil sa ilang minutong paglalaban.
"ANU BA, CHIN?! HINDI KA NANAMAN TUMUPAD SA PANGAKO!" Sigaw ng nanghihinang si Casper. "SINABI NG WAG GAGAMIT NG KAPANGYARIHAN, EH!"
"Manahimik ka!" Sigaw ko pabalik bago alalayan si Vince na tumayo upang madala sa lilim ng puno na pinagpapahingahan ko. Nang masiguro na ayos na itong naka pwesto ay saka ko lang binalikan ang nakangusong si Casper.
"Siya na naman inuna mo! Ganyan naman kayo, eh!" Isip batang singhal niya sa akin kaya inis na binatukan ko siya na naging dahilan ng lalong pag nguso nito.
"Napaka-isip bata talaga," Bulong ko bago siya alalayan na tumayo at itinabi kay Vince na kasalukuyan ng umiinom ng tubig.
Pero isang segundo lang ang lumipas ng bigla niya itong naibuga sa mukha ni Casper na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.
"VINCENT!" Galit na Sigaw ni Casper at handa na namang tumayo kaya maagap ko ng pinigilan.
"Wag kayong maingay." Mahinang sambit ni Vince, at nakita kong sasagot pa ulit si Casper kaya inunahan ko na.
"Manahimik nga kayong dalawa!"
"Nakita mo naman yung ginawa niya, kadiri!" Anito na nagpupunas ng mukha.
Napalingon naman ako kay Vince para pagsabihan, pero naabutan ko itong tulala sa kung saan kaya wala sa sariling sinundan ko ng tingin ang kanyang tinitingnan at ramdam kong ganun din ang ginawa ni Casper.
Tulad ni Vince ay sabay din kaming napatulala ni Casper sa nakita.
Hindi kalayuan sa aming pwesto ay may nakita kaming dalawang kawal ng palasyo na kinakaladkad ang isang alam namin na katiwala ng hari.
At ng inakala namin na hanggang ganon lang iyon ay nagkakamali kami, dahil halos sabay kaming tatlo na napasinghap ng walang alinlangang saksakin ng isang kawal ang nagmamaka awang lalaki. Ngunit ang nakapag pagigil sa akin ay ang mga malademonyong tawa ng mga ito matapos makita na sumuka ng dugo ang lalaking iyon.
Lubos ang galit na naramdam ko at halos hindi ko na naramdaman ang lumalabas na kapangyarihan sa kamay ko, hindi lang ako. Dahil maging ang dalawang nanghihina kanina ay biglang parang bumalik ang lakas.
"Mga pangahas," galit na bigkas ni Vince.
"Anong matinding dahilan nila upang paslangin si Aries," nagpipigil naman na aniya ni Casper.
Tama, Kilala namin ang lalaking ngayon lang ay pinaslang sa mismong tanaw namin. Si Aries ang nag iisang utusan at pinagkakatiwalaan ng Hari, naging kaibigan na rin namin ito.
"Kung sino man ang ahas sa palasyo na nag utos sa mga pangahas na kawal na ito. Ay hindi ko hahayaang mabuhay." Madilim na sabi ko at ramdam ko na ang unti-unting pag balot saakin ng kulay pulang enerhiya.
Dahan-dahan akong tumayo at nag lakad patungo sa dalawang kawal na hanggang ngayon ay nagtatawanan pa, marahil ay hindi pa nila ramdam ang mga galit naming presensya dahil mahihina lamang sila.
YOU ARE READING
Their Unbreakable Bond(On-going)
FantasiThis story will mostly tackle about how three powerful people with their obvious different personalities and beliefs will fall into the pit of attachment called friendship.