HINDI ko namalayan na nakatulog ako sa ilalim ng isang matayog at mayabong na puno. Ang naalala ko ay hindi mawala-wala ang aking pagkamangha sa tanawin.
Nang magmulat ako ng mata ay maliwanag na kaya mabilis akong napabalikwas.
"Gising kana...Good morning!" Bungad ni Casper
"Lagot tayo, malamang ay hinahanap na tayo, bakit hindi mo ako ginising—"
"Shh...kumalma ka muna. Galing na ako ron at kinausap ko na ang maestro. Sinabi kong hindi tayo makadadalo sa araw na ito." Balewalang paliwanag niya.
"Ngunit... maaari ba iyon?"
"Oo naman. Mahigpit na patakaran ng Hari na kahit gaano pa ka halaga ang pag-aaral at pag eensayo. Hindi dapat pinipilit ang mga mag aaral na dumalo, lalo na kung hindi maganda ang pakiramdam nito." Pilyong aniya pa.
"Ngunit wala naman tayong sakit—" nanlaki ang aking mga mata ng may mahinuha "Huwag mong sabihin na idinahilan mong may sakit tayo?!"
"Edi hindi ko sasabihin," aniya pa at humalakhak.
"Casper! Hindi ito ang ipinangako ko kay Ina!" Pinaghahampas ko siya sa kanyang braso na walang ka hirap-hirap naman niyang nasasalo habang patuloy parin sa pagtawa.
"Tama na HAHAHA, wala kana rin namang magagawa. Hindi mo ka naman siguro magpapakita roon ngayon at sasabihing gumagawa lang ng kwento ang nag iisa mong kaibigan, hindi ba?"
"Pero, Casper..."
Sabay kaming natigilan at napatingin sa isa't-isa ng may maramdaman kaming hindi maipaliwanag na presensya.
"Ano ang bagay na iyon?" Mahinang tanong ko.
"Hindi ko batid, mag-iingat ka."
Sabay kaming tumayo at pinatalas ang pakiramdam, mabuti na lamang at may alam na ako kung paano ito gagawin dahil ito ang itinuro sa amin ni aming maestro sa unang linggo namin.
Maingat kaming humakbang upang sundan kung saan nanggagaling ito.
"Sa likod ng puno..." bulong ni Casper.
"Iyon din ang naramdaman ko,"
Nagtanguan kami at sabay sa lumibot sa malaking puno na aming pinagpapahingahan.
Ngunit nagulantang na lamang kami sa aming nakita.
Isang lalaking hirap na hirap na gumagapang, ang kasuotan nito ay nababalutan ng sariling dugo, samantalang ang kaniyang balat at mukha ay puno na ng naglalakihang mga pasa.
Nakadapa ito kung kaya ay maingat na lumapit si Casper dito upang maayos na makita pa ang mukha na nakatagilid sa amin.
Napasinghap na lamang siya ng siguro ay makilala ang lalaking sa tingin ko ay napagtulungang gulpihin.
"V–Vince?"
Napatingin naman ako sa lalaki dahil sa pangalan na sinambit ni Casper. At maski ako ay nakilala ito.
Isa siyang maharlika katulad ni Casper, madalas ko rin itong nakikita ngunit masyado itong mailap sa kahit kanino sa loob ng Unibersidad.
"Ano kaya ang nangyari sa kanya?"
"Hindi ko batid..." luminga-linga si Casper sa paligid bago ako tinanguhan. "Tulungan mo akong ilipat siya ng pwesto."
Mabilis akong lumapit at inalalayan namin si Vince patungo sa aming pwesto kanina at maingat na inihiga sa damuhan.
"Kailangan natin siyang gamutin, Casper."
"Alam ko, ngunit kailangan muna natin malinisan ang kanyang mga sugat, dito ka lang. Bantayan mo siya, maghahanap lamang ako ng maaaring lalagyan ng tubig."
YOU ARE READING
Their Unbreakable Bond(On-going)
FantasyThis story will mostly tackle about how three powerful people with their obvious different personalities and beliefs will fall into the pit of attachment called friendship.