NASA University's Canteen ako ngayon at tahimik na kumakain, iilan lamang ang naririto. Marahil ay natutulog na ang iba. Gabi na ngunit hindi parin ako makatulog kung kaya ay pinili ko na lamang lumabas ng aking silid.
Marami ang kasalukuyang gumugulo sa aking isipan at hindi ko malaman kung paano ang mga ito patatahimikin kahit saglit.
"Kung nandito lang sana si Ina..." napabuntong hininga na lamang ako at pinagpatuloy ang walang ganang pag subo ng pagkain.
Buti na nga lang at hindi ako hinahayaan ni Casper na laging mag-isa, dahil kung sakali ay malamang hindi ako tatagal sa lugar na ito.
Kanina lang kinukulit ako non, eh. Ngunit ng makita si Vince bigla na lamang nawala...
Natigilan ako ng maalala si Vince. At iyong nangyari nang nakaraan. Hanggang ngayon ay tanda ko parin ang nangyari.
"A-anong Healing Red Mist ang sinasabi mo?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
Bago lamang ito sa aking pandinig at wala akong kahit kaunting ideya sa bagay na ito.
"Ang Healing Red Mist ay pag aari ni Reyna Athena Versailes. Ang asawa ni Haring Matthew, ngunit iilan lamang ang nakaka alam ng bagay na ito. Ang Red Mist ay inaasam ng karamihan, kaya hindi hinahayaan ng Hari at Reyna na kumalat sa buong palasyo na siya ang may hawak nito. Dahil kapahamakan ang dulot nito sa Kanya..."
Mas natulala ako sa kanyang mga sinabi.
"N-ngunit n-nasaan ang Reyna na iyong sinasabi? A-at papaanong napunta sa akin ang bagay na ito?"
"Paumanhin, Chin. Ngunit iyan ang hindi ko alam. Isa lamang ang aking alam sa iyong katanungan, ang Reyna ay lumabas ng palasyo sa hindi malamang kadahilanan, at matapos ang ilang araw na hindi ito bumalik kaya pinahalughog ng Hari ang buong nasasakupan niya upang hanapin ang Reyna. Nagkagulo ang palasyo, lahat ay abala sa paghahanap sa Reyna dahil sa takot nila sa Hari. Ngunit matapos ang isang linggong paghahanap ay nakita na rin nila ang Reyna..."
Taimtim lamang akong nakikinig habang pilit pinapakalma ang aking dibdib sa lakas ng kabog nito.
"T-tapos? Kung nahanap ang Reyna, paanong napunta sa akin ang kanyang kapangyarihan?"
Nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, ngunit kalaunan ay napapikit ito at lumunok bago nag bitaw ng mga salita na lalong nagpa gimbal sa akin.
"Natagpuan siya, sa Bayan ng Yres... wala ng buhay,"
"N-nagbibiro ka ba?"
"Sana nga, Chin. Sana nga."
"Batid mo bang sa Bayan ng Yres ako nagmula?" Tanong ko na nagpagulat sa ekspresyon niya.
"F-fuck! This can't be just a coincidence, right?"
" Anong ang iyong ibig na ipahiwatig?"
Nailang ako ng malalim niya akong tinitigan na para bang may hinahanap sa aking mukha.
"Bakit ganyan ka makatitig?"
Maya-maya ay napakurap ito at ginulo ang kanyang sariling buhok na lalong nakapag pagulo sa aking isipan...
"Y-you..." bigkas niya na nakaturo pa sa akin na parang hindi makapaniwala, ngunit hindi nito matuloy ang kanyang nais sabihin.
"C-Casper, ano ba ang nangyayari?!"
Ilang beses itong umilng sa akin, na mukhang kahit ang sarili nito ay pilit niyang kinukumbinsi.
"W-wala. Wag mo na lamang akong pansinin,"
YOU ARE READING
Their Unbreakable Bond(On-going)
FantasyThis story will mostly tackle about how three powerful people with their obvious different personalities and beliefs will fall into the pit of attachment called friendship.