Chapter 5

6 3 0
                                    

KINABUKASAN ay sinundo ako ni Casper sa aking silid at sabay na kaming nag tungo sa malaking silid Ensayohan.

Tama si Ina, marami akong natutunan sa lugar na ito, natutunan ko kung paano gamitin ang lakas upang makipaglaban.

Pati ang paggamit ng aking apoy na kapangyarihan ay kontrolado ko na rin. Ngunit ang isa...

Red Mist...

Sinusubukan ko siyang i-ensayo mag-isa. Tuwing may pagkakataon ay nagbabasa ako ng mga libro na may kinalaman sa bagong tuklas kong kakayahan.

Hindi ko ipagkakaila na nang una ko itong matuklasan ay natakot ako sa maaaring maging dulot nitong kapahamakan sa akin.

Ngunit nangako si Casper sa akin na kahit anong mangyari ay poprotektahan niya ako, at tutulungan kung paano itago ang presensya ng kapangyarihan upang walang makaalam. Kasama ko siya paminsan-minsan tuwing nagbabasa ako ng libro at tinutulungan ako pag may hindi ko maunawaan.

Sa ngayon ay tanging kami lamang ang nakakaalam ng bagay na ito...ay mali, si Vince. Narinig niya rin iyon at nakita.

Matapos ang ensayo ay nagtungo kami ni Casper sa Restaurant at sabay na kumuha ng pagkain.

Bitbit ang aming mga pinggan ay nahanap kami ng bakanteng lamesa. Marami ang narito ngayon dahil tanghalian na.

"Ayun, may bakante sa banda roon!" Natutuwang turo ko kay Casper ngunit inilingan lamang ako nito at nakangising nagpatiunang mag lakad patungo sa kasalungat na bahagi.

Nagtataka man ay sumunod ako, ngunit nagulat na lamang ako ng makita kong ipinatong niya ang hawak na plato sa mesa kung saan ay kay isang lalaking naka upo.

"Casper, huwag tayong mang-agaw—" ngunit naputol ang aking pagsasalita ng mag-angat ng tingin ang lalaking naka upo rito.

"What do you need this time?" Walang ganang tanong nito sa amin.

"V-Vince..."

Walang pasabing naupo si Casper na nakangisi kay Vince ngayon. "Wala naman, wala na kasing bakante, eh. Kaya hindi na kita tatanungin pa kung pwede kami rito ni Chin." Aniya at bumaling sa akin "Upo na, mahal kong kaibigan."

Ng hindi ako kaagad nakagalaw ay siya na mismo ang humila sa akin at pina-upo sa katabi niyang silya.

Nahihiyang bumaling ako kay Vince "Paumanhin–"

"Whatever, just don't make a noise." Masungit na aniya naman at nagpatuloy na sa pagkain.

"Sungit talaga..." bulong ni Casper kaya siniko ko siya.

"Kumain kana lang."

"Oo na, hayst. Nakikipagkaibigan lang naman, eh." Nakangusong aniya pa.

"I don't want you to be my friend, I already told you that. Mahirap ba intindihin 'yon?"

"Sorry ka nalang. Lumaki akong nasanay na lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, kaya huwag kang umasa na titigilan kita." Mayabang na sabat ni Casper at nakangiti ng nagpatuloy kumain.

Si Vince naman ay napailing na lang at hindi na nakipagtalo.

Hindi ko alam bakit natutuwa akong isipin na isang araw ay magiging kaibigan rin naman si Vince. At sang-ayon ako kay Casper na huwag tumigil na kulitin si Vince.

Sa paningin ng iba ay nakakatakot si Vince dahil malamig siya makitungo. Ngunit hindi sa akin, at alam kong ganun rin kay Casper, imposible man kung titingnan ngunit susubukan namin tunawin ang yelong nakapalibot sa lalaking ito.

MATAPOS namin kumain ay para kaming mga tanga mi Casper na nakabuntot kay Vince, kahit halata na sa mukha nito ang pagka irita sa amin.

"Will you both please stop following me?!"

Their Unbreakable Bond(On-going)Where stories live. Discover now