"Hi! Please vote Roma Bernardo aka Me for Student Council President!" bati sakin ni Roma habang inaabot niya samin ni Patty ang isang flyer ng party nila.
"Sino naman ang opponent mo dito, Roma?" tanong ni Patty habang pinagmamasdan ang flyer na hawak niya.
"Well, ang kuya ni Gabby." Kalmadong sagot ni Roma at tumingin siya sakin. Halos lumuwa naman ang mga mata ko sa sagot niya.
"HA?! Si kuya Lei?!" di-makapaniwalang tanong ko. Ang mokong yon ay tumatakbo bilang presidente?! Eh, wala nga yung alam sa paglalaba ng sarili nyang boxers maging presidente sa campus pa kaya?!
"Oo, kapatid mo siya diba? Si Lei Mendez?"
"Pwede na rin. Pero di nga?! Siya ang kakalabanin mo sa spot ng SC president?!"
"Yes, and maiintindihan ko lang naman kung siya ang ivo-vote mo. Okay lang naman sakin because I value freedom." Sagot ni Roma habang nakangiti.
"Sus, asa ka pang siya ang bobotohin ko. Boto ako sayo noh! Hindi ko nga ma-iimagine ang Student Council kapag si kuya Lei ang magiging presidente eh! Hahahahha, so full-support ako sayo!" masayang sabi ko at kumindat pa ako sa kanya. Sorry kuya ^_^ *peace*
"A-ah...okay. I appreciate it. But do remember this Gabby, 'Do not be conformed to this world, but be transformed by the renewing of your mind' Romans Chapter 12 Verse 2. May God bless you, Gabriella and Patricia." Sabi ni Roma samin na parang nagsesermon sa isang simbahan at tuluyan nang lumakad palayo kasama ang dalawa niyang kaibigan na mga weirdo din. Nagpatuloy sila sa pag-eentertain at pagca-campaign sa ibang estudyante. Ang weird talaga ng tatlong yun. Classmate ko na si Roma at ang mga kaibigan nyang sina Maria at Clara since kindergarten pa kami. Si Roma ay ang pinaka-competitive na taong na nakilala ko. Maganda siya pero grabe ka-conservative naman. Matalino, bookish, at sobrang grade conscious, kaya gumraduate siya bilang Valedictorian sa elementary at high-school at consistent top one pa rin siya sa mga klase namin hanggang ngayon. Bukod pa don, sobrang relihiyosa niya. Palagi siyang nakabitbit ng Bible, pati na rin sina Maria at Clara, at sa tuwing kausap ka niya, mapupunta rin iyan sa punto na ang topic ay si God o magbabanggit siya ng sayings or linya galing sa Bible—gaya nang kanina. Kaya nga silang tatlo ang leaders ng "Faith and Hope Club" eh dahil sa kanilang pagiging God-fearing.
"Tara Gab, tingnan natin kung anong nasa bulletin board! I think pinost na nila ang mga clubs na pwede nating salihan." Sabi sakin ni Patty habang hawak hawak na niya ang braso ko.
"Sige." Pumunta na kami don sa malapit sa canteen kung saan ang nilagay bulletin board sa college department. Tumingin kami sa mga naka-post don at bigla akong na-excite nang nakita kong isa sa mga naka-post na clubs ay ang "Drama and Theatre Club".
"PATTY!!! Meron pang Drama and Theatre Club!!! Kyaaahhh!!!" masayang sigaw ko. Ako kasi ang co-leader ng club na iyon last year at dahil gumraduate na ang leader namin noon, automatically ako na ang magiging leader this year! :D KYAAAHHH!!! ANG SAYA-SAYA KO!!!! Ay oo nga pala, bukod sa mga fashion-and-styles, mahilig rin ako sa mga drama. Umaarte ako sa mga stage play namin sa school. In short, mala-artistahin rin ako ;)
"PSH! Huminahon ka nga, tinitingnan ka na nga ng mga tao dito eh!" sabi niya sakin. Inirapan ko nalang siya at binehlatan siya :P
"Inggit ka lang kasi sa tagal nating nag-aaral dito sa VSU, wala ka pa ring guts na mag-audition sa Music Club." Pang-aasar ko sa kanya.
"Hindi naman talaga ako matatanggap sa Music Club eh! Mapapahiya lang ako."
*PAAAKKK*
"Aray, Gabby! Bakit mo 'ko sinapak?!" sambat ni Patty sakin pagkatapos ko siyang sinapak sa ulo.
BINABASA MO ANG
Happily Never After
Teen FictionOnce upon a time, I fell in love with a guy who can't love me back...