"Three thousand pesos. Good for 6 months na yan."
"Sige po. I'll place an ad. May dala na po akong requirements. May dala na rin akong payment."
Lumakad papunta sa counter ang lalaking kausap ko about sa ad placing. Sinundan ko siya agad habang inilalabas ko sa envelope ang mga requirements. Hindi ko expected na medyo mura kumpara sa iba ang ad space nila.
"Ano'ng pangalan ang ilalagay ko sa ad?" tanong nito sa kanya.
"'Ren.' Ren nalang po."
"Sige."
Nang matapos ang kasunduan ay agad akong umalis. Mas maganda sigurong pumunta muna ako sa mall para magpalipas ng oras. Dahil lunes at day-off ko, mas maganda na bigyan ko muna ng oras ang sarili ko bago ko umpisahan ang bagong pakikipagsapalaran na haharapin ko.
Hindi ko pa rin inaasahan na mauuwi ako sa ganito. Dahil kailangan ko ng mabilisang pera, wala akong magagawa. Ito lang ang naiisip kong paraan para makaahon kami sa hirap.
"May mga bars dyan na may mga bulletin boards. If gusto mo na sa apartment mo iyon gagawin, mag-place ka ng ads sa kanila. Needed mo lang doon ay ang latest picture mo, contact number at ang rate mo per night."
"Sa tingin mo magwo-work iyon?" alanganing tanong ko kay Ella.
"Yup, friend," ngumiti ito. "Mas safe at effective iyon. At least they will contact you first para magpa-book sa iyo. Expect mo na may mga mangto-troll. But for sure it's safer kaysa tumambay ka sa labas at maghintay ng lalaki."
"Hmm..."
"At," dagdag pa nito. "Mas okay if sa semi to high class na bar. At least ang makakakita doon is iyong mga may pera talaga. Maganda ka naman. For sure kikita ka niyan in an instant."
Napakaswerte ko na naging kaibigan ko si Ella. "Salamat, friend."
"Anytime. Alam ko ang sitwasyon mo. That's what friends are for, right?"
Pagkatapos ng mahaba-habang pagdedesisyon, naisipan kong pasukin ang mundo ng pagbibigay-aliw. Pero sa ibang paraan nga lang. Pagkatapos kong makaipon ng three thousand sa loob ng dalawang linggo ay nagpunta agad ako sa isang bar para magpalagay ng ad.
Nakapagtapos man ako ng Fine Arts, alam kong hindi magiging mabilis ang pagdating ng pera sa akin. Hindi sa wala talaga akong choice. I know I will enjoy this kind of job too.
BINABASA MO ANG
Ren's Pleasure
RomanceRen needs fast money. Ang pagbibigay ng aliw ang naisipin niyang nag-iisang paraan para kumita. She's been doing well. Until he met this ruggedly handsome guy at the coffee shop and got an instant crush on him. What will happen if he became one of h...