Chapter 6

119 13 0
                                    

"Oh brod, andito ka din?"


Pagka-uwi ko, naabutan ko si Rie na nanonood ng Constantine.


"Obviously."


"Sungit. Di mo man lang ako inaya na sabay tayong umuwi? Alam mo bang orientation lang ngayon kaya walang pasok? Sana di na lang ako pumasok." Ayon tuloy, napasubo ako.


"Di ka nagtanong."


Umupo ako sa tabi niya at nakinood. "Kahit na. Aba, ang mga ganung bagay, dapat di kailangang tinatanong. Dapat instinct mo ng sabihin sa akin yun. Gaya nung high school tayo, di ko alam na di mo alam na first honor ka, which is a little bit odd since kay daling malaman yun pero di mo man lang inalam pero pinaalam ng instinct ko na di mo alam yun kaya pinaalam ko sa'yo." Natigilan ako. "Wow, parang tongue twister yun ah. So in general, ang hina ng instinct mo. Ang saklap, sabay tayong naging zygote, naging fetus at magkasunod iniluwal pero di mo man lang ako ramdam? Nakakatampo ka ha."


"So? either ako or ikaw naman ang first honor that time so I assume, ikaw. At isturbo ka sa panonood ko. Layas. Ang haba ng monologue mo. Kasalanan mo kung mabagal ka sa information."


"Ayaw ko nga. Dito muna ako, namiss kita eh." sabi ko na nagpakunot-noo sa kanya pero humilig lang ako sa balikat niya.


"Spill it."


"Ang alin?"


"I know you way too much kaya alam kong may kabulastogan kang ginawa kaya ka......"


"Kaya........"


Bumuntong hininga ito ng malalim. "Naglalambing."


Napabungisngis ako. "Parang yun lang, di mo masabi. Di naman korni yun ah. Saka dati na akong malambing at wag mong palabasin na naglalambing lang ako pag may nagagawa akong kalokohan. Sa bait kong 'to?"


"Bakit? hindi ba dumudikit ka lang sa akin pag may kasalanan ka or hihingin na pabor?"


"Ang bad mo naman. Ganyan ba ang tingin mo sa'kin?" kunwa'y nagtatampong tanong ko sa kanya pero di niya ako sinagot.


Hay, pano ko ba to naging kambal? Poles apart ang ugali namin.


"Andrie?"


"Hmmm?'


"Wala lang." Tumayo ako. "Bihis muna ako." Sabi ko at naglakad papuntang kwarto ko. Pabagsak akong nahiga sa kama ko at tumitig sa kisame. I don't know if dapat kong sabihin sa kanya ang nangyari sa school ngayon.


Bakit ko ba kasi nasapak yung impaktong yun? E di sana, di masyadong mabigat ang sentensiya ko. Mas lamang pa ako sa katwiran. Arrrrrgh!


Sana naman, di niya ako patalsikin sa school. Ayaw kong madisappoint sa akin si nanay.

The Rich Boy vs. The ScholarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon