Prologue

8.1K 287 61
                                    

"You're pregnant. Puwede ka na ring lumabas bukas dahil okay naman lahat ng result ng tests. Ire-refer kita sa ob-gyne na nandito rin sa ospital para meron kang maka usap tungkol sa case mo. For now, I would suggest na mag-rest ka muna," nakangiting sabi ng doctor.

Tumango si Ara at ngumiti. "Thank you so much po, Doc."

Umalis ang doktora kasama ang nurse at naiwan siyang mag-isa. Si Belle pa lang ang nakaaalam na nasa ospital siya, pero hindi nito alam kung bakit. Sinabi lang niyang sinumpong siya ng migraine at huwag sasabihin sa parents nila para hindi mag-alala ang mga ito.

Nag-message sa kaniya si Belle na papunta na ito sa meeting place nila ni Kanoa para ibigay ang dokumentong galing sa professor nila. She couldn't cancel because it was too important.

May kaba kay Ara dahil baka makilala ni Kanoa si Belle lalo na at kilala na siya nito. Kung hindi man siya minahal, nagkasama sila nang medyo matagal . . . dahilan pa para magbunga iyon.

Hinaplos niya ang tiyan niya. Wala siyang ibang sintomas bukod sa hindi niya ma-take ang kape nitong mga nakaraan.

Maingat na tumayo si Ara at humarap sa bintana ng kwarto niya kung saan kita ang iba pang parte ng ospital. Medyo maaliwalas naman dahil maraming puno sa paligid, pero gusto na niyang umuwi. Isa pa, natatakot siya sa posibleng mangayari sa mga susunod. Ni hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga tao sa paligid niya ang tungkol sa sitwasyon niya.

Her parents would be devastated, for sure. Her twin would be shocked and her best friend would surely suspect that it was Kanoa, lalo na at madalas silang magkasama nitong mga nakaraan.

Naisip din ni Ara ang Kuya Sam niya. She was literally his baby and he would be disappointed knowing she was pregnant.

Ara didn't even know if she was ready . . . more like if she was even going to continue with the pregnancy.

Sa naisip, hinaplos niyang muli ang tiyan habang nakahawak sa dextrose stand. Kagat niya ang ibabang labi at halos magsugat na iyon kaiisip kung ano ang mangyayari sa kaniya sa mga susunod na araw. Hindi niya ito maitatago, alam niya iyon.

Bumalik sa kama si Ara at binuksan ang laptop niya para ayusin ang nasa to-do list na kailangan niyang i-update lalo na at malapit nang matapos ang school year. Marami siyang kailangang ipasa lalo na at graduating student siya.

Tumigil siya sa ginagawa at napatitig sa puting pader na nasa harapan niya. Magtatapos siyang buntis at hindi pa rin niya napoproseso kung paano niya sasabihin sa pamilya niya ang sitwasyon niya.

Hinaplos niya ang tiyan at malalim na huminga. Hindi siya sigurado kung sasabihin ba niya paglabas ng ospital o pagkatapos na ng graduation. Hirap siyang magsinungaling—isang rason iyon kung bakit umiiwas siya noon kina Belle at Sayaka tungkol sa topic pagdating kay Kanoa.

"We'll be okay," bulong niya habang hinahaplos ang tiyan.





Isang oras pa ang lumipas, pero wala nang update ang kakambal niya. Baka tumupad na rin ito sa usapang pagkabigay ng files, aalis na ito lalo na at mayroong pasok. Lalabas na rin naman na siya kinabukasan at magpapahinga na lang sa bahay.

Napatunayan niyang hindi na random ang sakit ng ulo niya nitong mga nakaraan.

Naramdaman ni Ara ang pagkagutom kaya nag-request siya sa nurse kung puwede na ba siyang kumain. She wanted soup, too.

Aside from the soup she requested, Ara's plate also had a sandwich, a cup of rice, some side veggies, and a bowl of menudo. Gusto sana niya ng matamis, pero nahihiya na siyang magsabi.

Every New Beginning CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon