Chapter 3

3 0 0
                                    

"Why does your face look beet red, Hope? Are you alright?" Tito Zane asked, worry was evident in his voice when he came back.

Ikinurap ko ang mga mata at tumikhim. "A-Ayos lang po ako, Sir... Uhm, medyo ano lang po, pagod lang. Hehe..."

"Oh..." He nodded with understanding. "Gusto mo na bang magpahinga? Pauuwiin ko na kayo. Pasensya na at naabala ko pa kayo ni Felix."

"Hindi, okay lang po," nakangiti kong sambit.

"Please call me Tito, okay? Pakiramdam ko matanda na ako kapag Sir."

I nodded with a smile to appease him.

Para tantanan na ako ni Tito Zane ay inilipat ko na lang ang tingin sa lalaking nasa gilid niya. Mukha namang napansin ni Tito 'yon dahil tumingin din siya sa lalaki at ngumiti rito. The man looked the same age and he's wearing a cute moon-designed apron. He looked the same age as Tito Zane and has a handsome face. Similar features nila ni Kyne ay ang makapal na mga kilay at magagandang mga mata. Pareho rin sila ng aura na mayroon, intimidating, aloof yet classy and dazzling.

My lips parted when I realized who he is... much more shocking than knowing who Tito Zane is. Judging by the way they looked at each other—with those almost heart-shaped eyes—and their intertwined fingers, I didn't need to hear a verbal confirmation to know what they are in each other's life.

"Hope... meet my darling and my partner, Klein. Siya ang nagluto ng Afritada na dinala ni Kyne sa inyo kanina." Tito Zane smiled suavely. "Darling, this is Hope, she and her family is our new neighbor."

Sir Klein smiled at me, lessening the intimidating aura he gave off and offered his hand for a handshake. "Nice meeting you, Hope. Just call me 'Uncle' or anything that you're comfortable with."

"Wow..." I muttered, awestruck by the information. "N-Nice meeting you rin po, U-Uncle..."

Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad bilang paggalang. I was still amazed that I started babbling things again.

"Ang... cute niyo po..." I gasped and even squealed a little. "I mean, wow. It's a rare thing for me to meet such wonderful couple and I'm honored."

Sabay na natawa ang mag-asawa kasabay ni Felix. Hindi ko na lang pinansin 'yon at napakagat sa pang-ibabang labi para pigilan ang sariling magsalita.

It was really a shock for me to meet a couple like them, especially in the world that we live in with a judgemental society.

Nakalimutan ko na nga ang kahihiyang nasabi ko sa harapan ni Kyne dahil sa mga magulang niya. Hindi na rin naman niya binuksan 'yon dahil tahimik niyang tinulungan si Uncle Klein na ilapag sa coffee table ang mango graham—

Wait, mango graham?!

"Pasensya na kayo," ani Uncle Klein nang makaupo katabi na ni Tito Zane na halos ayaw nang humiwalay sa kaniya. "Ito na lang ang natira sa panghimagas namin. Naparami kasi ang kain nitong si Zane at Kyne dahil pareho nila itong paborito."

'Tangina. Sila pa ang nahihiya sa amin? Kami na buwisita lang sa pamamahay nila? Wow. Ramdam na ramdam kong sobrang kapal ng mukha ko para hayaan ang isang mabuting tao na ma-guilty sa hindi inaasahang presensya namin.

"Hindi!" kaagad kong sagot at marahas na umiling. "Ayos lang po, Uncle! Sobra na nga po itong ibinibigay ninyo sa amin! Grabe, biruin ninyo binigyan niyo na kami ng napakasarap na ulam—take note, sa sobrang sarap ay nakaubos kami ng halos isang kilong sinaing, dalawa lang kami kumain no'n—tapos magbibigay pa kayo ng dessert na madalas ko lang ma-encounter na homemade kapag pasko o New Year or birthday ng isa sa pamilya ko? Sobra-sobra na po 'yon! Pero siyempre masama pong tumanggi sa grasya at alam naming masama ring magsayang ng pagkain lalo at maraming nagugutom na ibang bata ay tatanggapin namin ang inaalok ninyo bilang respesto na rin sa hospitality na ipinararamdam ninyo sa amin. Maraming-maraming salamat po, Uncle! Pagpalain nawa kayo ng Maykapal at bigyan kayo ng maraming blessings! Saka, ang cute niyo po ni Tito Zane pareho! No judgement from me, pure respect only. Promise cross my heart mamatay man ang kuko ko sa paa!"

Just Another StrangerWhere stories live. Discover now