Divine's POV
Nalalapit na naman ang Foundation Day sa school. Isang event sa School namin na mas nag eenjoy ang mga Elementary and Pre Elementary. Bawat booth na mag eenjoy ang mga bata ay mga High School at Teachers ang magiintindi sa kanila.
Bago mag Foundation Day ay may mga clubs munang sasalihan ang mga High School Students kung interesado man silang sumali sa iba't ibang clubs. 6 clubs ang mga masasalihan dito. Himig Club, Arts Club, Eficom, Eureka, Extreme, at Mathalino Club.
Ang meron sa Himig Club ay mag aaudition ka ng kumakanta. Syempre naman halata naman sa club diba. Hahahahaha! Panget o maganda ang boses mo ay matatanggap ka pa din jan kasi lahat naman ay natatanggap sa clubs. Pero syempre kailangan pa rin ng Audition kuno. Ang ihahandle nilang booth sa Foundation Day ay Perya Booth.
Sa Arts Club naman ay kung magaling ka sa arts syempre in na in ka jan. Sa Foundation Day ay ang booth ng Arts club ay syempre ay Artsaya booth. Pwede diyang magpa face paint, henna tattoo, at nail polish. Meron ding coloring book at Kiss stamp.
Ang eficom ay hindi naman kailangan ng Audition. Pumipili ang leader ng eficom na teacher na sa tingin nila ay may talento sa pagsusulat ang estudyante kaya tuwing may event sa school ay may iba't ibang estudyante na magsusulat ng Article about sa event na yon. Dahil gada end of the school year ay may binibigay na news paper ang school para sa mga students at doon mo makikita ang iba't ibang article na nilikha ng mga estudyante. Ang booth ng eficom ay photobooth. Leader ng eficom ang nagkukuha ng picture sa mga estudyante gustong magpakuha ng litrato na pwede namang selfie, groupie, o di kaya ay couple.
Kung mahilig ka sa mga experiments o may kinalaman sa Science ay pwedeng pwede kang sumali dito sa Eureka club. Kapag Foundation Day na ay meron silang booth na Science Booth. Magpapakitang gilas lang ang booth niyo ng mga experiments para mapahanga ang mga batang manunuod.
Sa Extreme naman ay mag aaudition ka, kailangan mong sumayaw para matanggap ka sa club na to. Etong club nato, eto lang naman ang club niya. Talent kasi niya ang sumayaw. Sa Foundation Day, naka assign sa kanila ang Cinema Booth. Sa Cinema booth ay may tatlong package. 1st package ay 1 ticket lang kaya nandun ka sa last class. Which is dun ka sa pinakalikod. 2nd package ay 2 ticket naman yon, nandun ka sa Middle Class. 3rd package ay nandun ka sa First Class. Dun ka sa unahan malapit sa tv.
Para sakin pinakamaganda ang Last class kahit 1 ticket lang. Kasi malayo sa tv, ang disadvantage nga lang ay mahirap baka may mga batang paharang harang sa tv. Nakaupo lang kasi sa sahig para mas feel. May aircon naman sa cinema booth eh!
Eto yung last club, halos pinakaayaw ng mga estudyante to kasi Mathalino club. Pero maganda naman to kasi ang booth na nakaassign sa kanila ay Marriage Booth at Chain Booth. Karamihan sa mga couples ay gusto to kasi pwede silang magpakasal o di kaya ay magpatali. Para makapagpakasal ay magbabayad ka ng 3 tickets o di kaya ay magpabayad ka kapag ayaw mong ipaalam sa gusto mong pakasalan na ikaw talaga ang may gustong magpakasal kayo. Para paraan ba! Pero siguraduhin mong hindi siya magbabayad ng doble para hindi ka uuwing luhaan.
Pero sa lahat ng mga inexplain kong club ay wala akong pinili diyang club. Kaya nga ang boring para sakin ng Foundation Day. Kasi gala lang ng gala. Tyaka sa lahat pati ng clubs wala akong masalihan. Sa Himig club, hindi naman maganda ang boses ko noh! Sa Arts Club naman, sus, binabasta ko lang ang art. Hindi naman kasi ako artistic. Hindi naman ako mahilig sa experiments lalong lalo na sa pagsasayaw. Yung booth sana ng mathalino club ok pa. Kaso duh! Yung club ang ayoko, Math! No way.
Kaya sa huli napagdesisyunan ko na lang na huwag na lang sumali ng club. Gagala na lang ako sa campus. Bahala na si Doraemon.
Napadako ako sa cinema booth ng extreme club. Pambata ang palabas! FROZEN. Alam niyo naman siguro yan, ang bida jan ay si Elsa at Anna with Olaf.