𑁍𝕮𝖊𝖕𝖍𝖊𝖚𝖘𑁍
If you are given a chance to choose an extraordinary ability, what would it be? Please state your reasons.
Seriously?! Grade 12 na ako may tanong pa din na ganito? Pang junior high lang to na tanong eh! Pero napaisip ako ng mabuti kung ano ang gusto ko. I asked myself kung ano ang pipiliin kong abilidad o di kaya'y kapangyarihan pero sa palagay ko hindi nagcocooperate ang mga brain cells ko.
I've been sitting under the balete tree for about an hour now. This place has been my favorite spot ever since we moved here two years ago to take care of my grandmother. She's so old now. She said she missed us and she wants to spend her last days with us, her grandchildren. But after a year she's still alive! Not that I want her dead, pero nalulungkot lang ako tuwing namimiss ko ang siyudad.
Pinaglalaruan ko na lang ang aking ballpen habang hinihintay kong baka may ideyang dumapo sa kokote ko at baka maisipan ng mga brain cells ko na gumana at makisama. I'm so bored that I started to bite the tip of my pen.
I am sitting on a rock, my legs were crossed and I'm leaning to the trunk of the tree. Sabi sa akin ni lola Mariana, lola ko sa side ni mommy na huwag daw akong pumunta malapit sa balete dahil may mga engkanto daw at baka daw masumpa ako. Pero para sa akin ang kahoy ay kahoy. Bakit pa nila ginagawang panakot yun sa mga bata hindi naman sila inaano ng tanim ah?
Palinga linga lang ako sa paligid at pinagmamasdan ko ito. Madaming klase ng kahoy ang makikita dito katulad na lang ng manga, langka, mahogany at iba pang hindi na pamilyar sa akin. Hindi siya napakasukal kundi sakto lang yung layo ng mga kahoy sa isat isa. Padausdos din ang lupa na medyo mabato. May mga damo pero hindi napakarami. May nakakalat na mga tuyong dahon sa lupa na kulay brown at minsan orange o yellow na tumutunog sa tuwing lumalakad ka.
There is a path that I discovered which will lead you to a river. Isang tagong ilog.
The water there is clean. Siguro dahil walang masyadong tao na dumadayo doon dahil nasasakop iyon ng lupain namin at isa din sa mga rason ay napakasukal at nakakatakot ang daan papunta doon. Lalo pa't may nagpakalat ng kwento na may engkanto raw na nagbabantay sa daan papunta doon at ito daw ang dahilan kung bakit may namatay na magsasaka doon. I scoffed and mocked the townspeople secretly for thinking that such creatures exist. The farmer died because he was heart attacked. It wasn't caused by the engkanto. Feel ko tuloy uto-uto ang mga tao dito.
But, I realized its okay to keep it that way because no one will dare to come near the area at masosolo ko lang ito.
At may pumasok na isang napakagandang idea sa isip ko. Sa kasamaang palad hindi sagot para sa assignment ko kundi ang maligo sa ilog.
I let out an exasperated sigh. Tutal wala naman din akong maisip sa ngayon, magrerelax na lang muna ako doon sa ilog. I fixed my things and left it under the tree. Nakakastress talaga maging estudyante lalo na hindi pa ako matalino. Ganda at pera lang ang meron ako.
Tumawa na lang ako at napailing dahil sa naiisip ko. Bakit kaya kapag kalokohan ang pinag uusapan, mabilis kumo-operate ng brain cells ko?
Naglakad na ako pababa. Mula sa kinatatayuan ko, maririnig ang marahang pag agos ng tubig na nagmumula sa ilog. Masukal ng konti ang daanan pero keri ko lang din naman. Hindi naman ako natatakot pero aaminin kong noong unang beses akong napadpad dito, grabe din yung kaba ko lalo na nung makita ko ang puno ng balete. Ang creepy kasi. Napagkamalan ko pa na kapre! Hindi ako naniniwala sa mga aswang pero nung time na yun kapre lang yung sumagi sa isip ko. Pano kase eh napakalaki laki?! Tapos its vine looks like its hair! Pero akalain mo nga naman favorite tambayan ko na ngayon.
Sa wakas ay nakarating din ako sa ilog. Hindi ito napakalawak, kung marunong lang akong lumangoy pwedeng pwede kong maabot ang kabilang banda. Hindi naman napakalalim ng tubig, hanggang lagpas ulo ko lang charot. Pero sa sobrang clear ng tubig makikita mo ang ilalim na bahagi ng ilog. Medyo blue green pa ang kulay nito. May mga maliliit na bato na iba-iba ang hugis.