[CHAPTER 1]
Kryzelle Jae's POV
"Ms. Scheler, in your point of view, what is INVISIBLE?"- Biglang tanong ni Seonsaengnim Eun Dong (Teacher Eun Dong) sa akin. Nakita nya siguro na nagdo-doodle lang ako embes na making sa kanya.
INVISIBLE...
INVISIBLE...
INVISIBLE...
INVISIBLE...
Natameme ako sa question ni ma'am. Paano naman kasi 'relate-much' ako sa INVISIBLE na yan! Tsk! Tinamaan tuloy ako... Eh kasi naman!...
Teka... ano akala nya sakin? Diksyonaryo? Di ba nya alam kung ano ang ibig sabinhin ng Invisible? Wala ba siyang ganyang app sa cp nya? Teacher sya... diba dapat--
"Hoy, Jae! Tinatanong ka ni ma'am"- guess who? Edi si... C-r-u-s-h! Katabi ko kasi sya. Ahihihihi!..
Okay pabebe na masyado...
At sya lang ang tumatawag sa akin na 'Jae'. Lahat ang tawag sa akin ay 'Zelle' o di kaya'y 'Kry'. Ayaw na ayaw nila akong tawaging 'Jae' kasi parang lalaki yung name. Siguro ganyan ang tawag nya akin dahil ba parang 'pare'-'pare' ang turing nya sa akin? Alam nyo, sya ang pinaka-close ko na lalaki dito sa classroom. 'Almost' bestfriend ko na nga sya eh. Pero ayoko baka kasi may chance pa ako as a girlfriend nya. ahihihihihi!
"PAAAAAAAAAK!!"- (okay... ang lame ng sound *peace_sign*)
Si Seonsaengnim Eun Dong!
--Wow... gulat pa talaga ako nuh?...
Bigla nya kasi hinampas yung kamay niya sa mga doodles ko sa ibabaw ng table ko. Kaya... Bumalik na ang naligaw kong kaluluha sa classroom. Nakita ko si Seonsaengnim na mapula ang kanyang mukha.
--Eh? Nasaktan sya siguro sa paghampas ng kamay nya...
"Are you not paying attention in my class, Ms. Scheler?"- Eh... mali pala! Galit pala siya sa akin!
Napatining ako kay crush slash katabi ko at LANGYA! Binigyan lang naman niya ako ng 'Hala-Look'. Di man lang ba nya ako tutulungan dito? *lee cries waterfalls*
"At bakit ba kay Mr. Walker ka palaging nakatingin? Lagi kitang pinagmamasdan eh. Siya ba yung teacher?"- this time ako na ang namula.
"Hahahahahahahahahahahahahahahaha"- At nagsimulang tumawa ang mga kaklase ko. Geh! Tawa pa! Sana puputok yung mga tiyan nyo kakatawa at... --teka, joke naba yun? Ang lame naman! Booooo!
Yumuko nalang ako. Nahihiya na akong tumingin sa katabi ko. Maghihintay nalang ako na sana bumiyak ang lupa at lamunin ako pailalim.
"rrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnnnngggggggggggggg"- (ito, lame rin ng sound *peace_sign_again*)
Mabilis nagsilabasan ang mga classmate ko, adik sa recess eh! Kala mo di galing sa tawa sa lame na joke ni Seonsaengnim. Oo, dapat Seonsaengnim talaga ang tawag sa kanya! Psh~ nasa Pinas po tayo dito! Sipain ko kaya siya pabalik ng Korea?
"Uy, Jae. Punta tayo sa canteen"- Sabi ni Allen Gray Walker a.k.a ang Choi Minho ng buhay ko. Parang kalokalike nya kasi si Choi Minho ng SHINee eh.Idol na idol ko kasi si Choi Minho. Uy don't get me wrong, kinaibigan ko si Gray hindi dahil na kalokalike nya si Choi Minho.
"Okay. Gray."
Second name rin ang tawag ko sa kanya para ma iba rin. Karamihan rin kasi ang tawag sa kanya ay 'Al', 'Len' o di kaya'y 'Allen' talaga.
BINABASA MO ANG
Invisible [MinSul]
Romance“Invisible” tells you a story of a girl who fell in love with her boy best friend who has fallen with someone else. A common story, isn’t? This book was a MinSul story and was made for their shippers to read. Let’s see how a common story ends with a...