Waring: This is not a story. Ito ay isang lathalain na inaalay ko sa isang tao na kailan man ay hindi naging akin..
---------------------------------
Dedicated to: HIM
Tatlong taon na tayong magkakilala. Tatlong taon na rin akong nagkakaroon ng lihim na pagtingin sa iyo. Tatlong taon na tayong magkaibigan. Pero kahit kailan wala akong ipinagtapat sa iyo.
Tandang-tanda ko pa nang ika’y nagpatulong sa akin na manligaw sa isa sa maganda at maladyosa kong kaklase. Tinulungan kita kahit labag sa kalooban ko. Alam ko namang walang mangyayari kung ipinagtapat ko sa’yo ang nararamdaman ko. Dahil alam ko naman, hanggang kaibigan lang tayo. Pero bigla ka na lang umiba. Ibang-iba ka na kaysa sa dati.
Pero di bale na. Gusto ko lang malaman mo na gusto kita kahit may mahal na akong iba. Mas gusto pa rin kita kahit mahal ko siya. At kung nakikilala mo man ako, sana kaibigan pa rin ang turingan natin. Dahil ayoko na sa isang iglap magbago ang pagtingin mo sa akin dahil sa isinulat ko dito. Dahil sa isang iglap nakilala kita. Sa isang iglap nagging part ka ng buhay ko. Sa isang iglap napasaya mo ako. At ayoko na isang iglap lang gagraduate ka nang hindi ko man lang nasasabi kahit idaan ko lang sa ganito. Gusto ko lang sabihin sayo na mamimiss kita Mr. Perfect pag dumating ang araw na mawawala ka na sa buhay ko sa isang iglap lang.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Iglap Lang
Short StoryWell, I won't give up on us Even if the skies get rough I'm giving you all my love I'm still looking up....