15 - Off limits
Gale, tiisin mo yan. I told myself. Konting-konti na lang talaga, matatapos din lahat.
Naramdaman ko na magtubig ang aking mga mata.
Kailan ba matatapos ito?
I stopped myself from yawning. Grabe, inaantok na ako!
"Okay, class?" I heard my professor as he cleared his table. My classmates grunted their okays. "Dismiss!"
Halos magdiwang ako sa tuwa dahil natapos na rin ang klase ko. Grabe naman si prof! May pahabol pang kung anu-ano, acting as if di na-drain ang mga estudyante na kakatapos lang ang midterms.
My head is floating. Wala halos akong tulog kagabi kasi sa dami ng readings na binasa ko for three subjects sa araw na ito. Pasalamat talaga ako at last subject na ito!
"Gale"
I reluctantly look when my name was called. I saw Kobi. His face looking grim. Mukhang kagaya ko din s'ya, walang tulog. Well, half of the class yata ang walang tulog e.
"Ano, Gale..." he started, and then yawned, "I-send ko na lang sayo mamaya yung part ko."
I groaned inwardly and then nodded at him. Akala ko makakatulog na ako ngayong gabi na mahimbing, yun pala hindi pa. May pahabol na paper pa kasi.
"Uy pero baka late ko na ma-send ha? Balak ko kasi matulog muna, sabaw na ang utak ko e. Baka kung anu-anong non-sense ang mailagay ko e."
"Okay lang. Ako din e. Gusto ko na rin matulog." I said.
"Hahaha, grabe naman kasi si Argon na yun. May speech pa bago mag-dismiss." He ranted. Dire-diretso na rants. Stress na stress na ata.
Natawa na lang ako.
"Mamaya na lang ha?" He repeated. Andito na kasi kami sa labas ng building namin.
"Oo nga." I said, laughing. Ang kulit kasi. At wala rin naman akong balak gawin agad. Matutulog muna ako.
"GALE!!"
Mabilis akong napalingon sa paligid. Bakit ba parang ang hilig ng mga tao ngayon na tawagin na lang bigla ako? Bakit di na lang na lumapit na lang sila sa akin? Nahihilo na ako sa paglingon e.
I found Simon sa may bench sa may tapat mismo ng entrance ng building namin. Mukhang kasama niya ang mga friends niya. I can see Dex among them. Also, the girl.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.
I shook the feelings away. No, Gale. Stop.
I watched how he made a quick excuse to his friends and approached me and Kobi.
"Una na ako, Gale." Kobi said.
I smiled and said my goodbye.
When Simon reached me, he immediately took my things. And he held my hand and brought it to his lips, kissing my pulse.
I blushed. Di ko ma-kontrol ang bilis ng tibok ng puso ko.
"I missed you." He whisphered, his lips brushing on my pulse.
Umuusok na yata ang mukha ko. Daig pa ang kamatis sa pagpula ng pisngi ko. At kung pwede lang, mangisay ako sa kilig dahil sa ginagawa nya sa akin.
He smiled. Ah, can I faint now?
"Sino yun?" Tanong nya bigla.
"Si Kobi."
"Classmate mo?"
I nodded.
"Ah."
We walked toward his friends. Simon introduced me and they welcomed me with all smiles. Kinabahan pa nga ako. And finally, I learned her name, Reese. She's beautiful and nice. Hindi ko magawang magtago ng sama ng loob sa kanya.
"Kabado, dude?" I heard Dex said.
Simon snorted, "Baliw, di ah."
"Sus, di daw. Nagmamadali ka kaya kanina." One of the boys said.
"Tumigil nga kayo. Alis na kami. Bye."
Mabilis kaming nagpaalam at naglakad na palabas ng campus.
"Kain tayo?"
I shook my head, "Mamaya na. Gusto ko muna matulog."
"Okay."
"Simon,"
"Hmm?"
"Pwede ka naman bumalik sa kanila. Kaya ko naman umuwi mag-isa."
Umiling sya. "Ayos lang yun. Tsaka na-miss kita. Gusto kitang makasama, Gale."
Bakit ba parang ang lakas magpakilig nito ngayon? Anong nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo na di kami masyado nagkita? A week has passed simula nung barkada dinner namin. We barely see each other kasi nga midterms na. Also, sinimulan ko na umiwas muna sa kanya dahil sa naguguluhan ako sa nararamdaman ko sa kanya. I used the midterms as an excuse. Naniwala naman sya so we both have a space to sort our acads. And me with my feelings to sort out.
"Ayoko lang na mapalayo ka sa mga kaibigan mo. Parang inaangkin ko na yata lahat ng oras mo." I tried to create some distance between us. Di na pwede ang midterms, tapos na e.
Sinubukan ko din na bawiin ang kamay ko.
He stopped walking. Narito na pala kami sa loob ng compound namin.
He frowned at me, naguguluhan ata sa pinagsasabi ko. "Gale..."
"Ayoko na parang binabakuran na kita."
"Gale. Okay lang yun. Don't worry. Iyong iyo naman ako e. Ganun din naman ang ginagawa ko sayo e. Off limits ka na sa iba. Akin ka lang." He made his trademark boyish grin. My heart beats wildly.
He chuckled and pulled me into his embrace. He buried his face on my neck.
"I'll see you tomorrow, okay? Magpahinga ka na muna. Akin ka lang bukas. Na-miss kita talaga ng sobra, Gale."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na gantihan ng yakap din si Simon. My arms snaked around his body, hugging him tight.
I nodded.
----
Suggestion on what Gale will do next. Na-uubos na idea ko e. Mwah!
Thanks!

BINABASA MO ANG
The Boyfriend Project (COMPLETED) #Wattys2016
Romance"I just wanna experience it. So, I'm doing this my own way." Gale Marquez