Hiiii :) This chapter is dedicated to @kayesxzsxzs . Salamat sa pagpupush at pangungulit saking mag UD. HAHAHA.SOPHIE'S POV
It's Mondayyyyyyyyy agaaaaaiiinnnn! May pasok na naman!
At makikita ko na naman si Eros. Hihi. Landiiiii XD
Agad akong bumangon sa kama ko at dumiretso sa banyo para maligo at magtoothbrush.
Pagkatapos ay nagbihis na ako. Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin.
Ayos naman ang itsura ko. Simple lang. May mahabang itim at tuwid na buhok na hanggang bewang, Balingkinitang pangangatawan, brown eyes, matangos na ilong at mapupulang labi.
Nagpulbos lang ako ng kaunti para naman kahit papaano ay pumuti ako.
Pagkatapos kong magayos ay kinuha ko na ang backpack ko at bumaba para kumain.
"Anak kain na. Naghanda ako ng paborito mo." Sabi ni Mama sa akin habang naghahanda ng pagkain sa mesa.
"Wow hotdog! Thank you ma!"
Habang kumakain ay bigla namang dumating si Erin.
"Good morning Tita Celine! Good morning bes! Wow hotdog!! Pengeeee!!!"
Teka.
Si Eros yun ah.
Bakit kasama siya ni Erin.
"Ay tita Celine. Si Eros mga po pala pinsan ko po. Kaklase po namin siya ni Sophie." Pagpapakilala ni Erin kay Eros kay mama.
"Hello po. Hello Sophia."
Bati ni Eros sa amin. Mukha siyang matamlay. Bakit kaya? Pero kahit ganun gwapo pa din siya!"Hello." Bati ko namang pabalik sabay ngiti. Nakita ko namang nagform ng heart ang mga mata ni Erin. Mukhang mas kinikilig pa siya kesa sa akin! Pinandilatan ko naman agad siya ng mata.
"Ang gwapo mo naman hijo." Itong si mama lumalandi. Hahaha. Juklang!
Nung matapos akong kumain nagpaalam na ako kay mama.
-Habang naglalakad kaming tatlo, tahimik lang ako habang yung dalawa mukhang nagbubulungan sa likod ko. Okay! OP me here!
Bigla kong naramdamang tumabi sa akin si Eros.
Kinabahan ako bigla. Sheeet of bond paper!!!! Nagpapawis na ako! Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Kasi naman tong si Eros e!
"Ah..e...Sophia.....akin na yang bag mo."
Sabi ni Eros habang nakangiti. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. Pakdishitttt!!!! Natutunaw akooooo! Both literally and figuratively . Hahahah.Wait! Bakit? Nanakawan niya ba ako? Pero imposible. Yamanin to e! Whaaaaa!
Hindi na ako nakapagsalita pa at namalayan ko na lamang nakuha na niya ang bag ko.
Tapos.
Tapos..
Inakbayan niya ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
WHAT THE HELL!
Nakakapanlambot ng tuhod ang amoy niya.
Ang bango bango niya! Amoy downy passion! Letche!!!!!!
Napansin yata ni Erin na hindi ako makagalaw kaya tinulak niya ako ng bahagya. Nabalik naman ako sa reyalidad at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Eros." Yun na lang ang nasabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Wag mong iisiping chinachansingan kita ha! Ganito sadya ako lalo na sa mga kaibigan ko." Pinisil niya ang ilong ko. Kwento siya ng kwento. Hindi ko naman siya maintindihan dahil hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari.
Wag kang assuming Sophie.
Siya na mismo ang nagsabi.
Na kaibigan ka lang.
Hindi ko namalayan na nasa school na pala kami. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Yung mga babae ang sama ng tingin sa akin. Wala naman akong ginagawang mali ah. Huhuhu.
"Wag mo na silang pansinin. Maiistress ka lang. Ayokong pumangit ka!" Sabi ni Eros sabay gulo ng buhok ko at nauna ng maglakad papuntang classroom namin. Tumango na lang ako at ngumiti sa kanyaz
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Erin. Pinindot niya ang tagiliran ko at tinukso ako.
"Yieeeee. Nangangamatis ka na naman!"
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.
Agad akong umupo sa upuan ko nung makarating kami sa classroom.
Umubob na lamang ako at inaabsorb ang lahat ng nangyari.
END OF CHAPTER 6
Hi. Sorry for the short update. Promise tomorrow morning I'll post the remaining parts of this chapter. Kinukulit na kasi akong mag UD ni ano e. Hahahaha!
Kapit lungs!Nagkakatol,
Airisha_
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Teen FictionNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.