Sorry guys ha , matagal akong mag.update busy kasi ako ee. Haha
Busy sa KN :)
Daniel POV
DEC.18, Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yan.
Bukod sa kami ang nanalo bilang Star of the night,
yan din ang araw na ipinagtapat ko ang nararamdaman ko kay kathryn, wala man siyang sinabi nang kahit na anu, sapat na siguro yong paghalik niya para masabing pareho kami nang nararamdaman.
Unang araw nang christmas vacation, naboboring ako sa bahay, hanggang kelan kaya ako paparusahan ni mama.
Lumabas na ako nang kwarto, nakita ko naman si jc na kakarating lang. Tch, buti pa tong si jc, malayang nakakalabas at uuwi kong kelan niya gusto.
Bro, tawag ko sa kanya. Mukhang nakainom to ah.
Ikaw pala kuya, balita ko-----mmmmp! Tinakpan ko na ang bibig niya baka marinig ni mama e lagot ako. Alam ko naman ang sasabihin niya e.
Wag kang maingay, tsaka pano mo naman nalaman ? Takang tanong ko sa kanya.
Sus, kela miles, nandun kami kagabi sa basement, panay nga tukso kay kath kagabi ee. Nakangising saad niya sakin. Nagpunta pa palang basement si kath kagabi, akala ko umuwi agad.
Tas naglakad na siya papasok sa kwarto niya. Sumunod naman ako sa kanya. Gusto ko talagang makita si kathryn, namimiss ko na siya.
Bro, tulungan mo naman ako oh. Parang nagmamakaawa na ako sa sinasabi ko.
Anu naman maitutulong ko sayo? Sabi niya habang naghuhubad nang jacket.
Gusto ko siyang makita kahit saglit lang bro. Mahinang sabi ko sakanya. Kahit pa sabihing sounds proof ang mga kwarto dito, nag.iingat parin ako baka marinig ni mama.
Malabo yan bro. Biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Bakit naman ? Naiinis kong tanong sa kanya.
Kanina maagang umalis si kath, aalis daw ata sila nang daddy niya. Out of town or out of the country ata. Basta alam ko wala sila dito sa pasko,sa 27 pa balik nila kaya nga nag.ayang magbasement sina dominique ee. Sabi niya at humiga nang kama.
Bigla naman akong nalungkot sa nalaman ko. Paano ko naman malalaman kong san siya ngayon. Tch
Lalabas na sana ako nang mag ring ang phone ni jc, kinuha niya ito at sinagot.
Hello ' pambungad niya.
Oo andito, teka lang bigay ko. . . . . . kuya oh si kath. Sabay abot sakin nang phone niya nilock ko muna ang kwarto ni jc baka pumasok si mama.
Hello kath. Sabi ko.
Padills. Hmmm, andito ako ngayon sa tagaytay. Sabi niya na parang naiilang.
Ang daya mo naman, hindi mo sinabi sakin na aalis ka. Sabi ko na kunwaring nagtatampo.
Tss, biglaan lang yun. Kasama ko si daddy at ang b-business p-partner niya . bigla ata siyang nautal sa pagsasalita.
Kelan ka babalik ? Tanong ko sa kanya kahit alam ko naman na, diba nga sinabi sakin ni jc.
Sa 27 pa, dito kami magpapasko eh. Cool niyang sabi.
Sayang, akala ko pa naman makakasama kita sa pasko. Tsk sabi ko na nagkukunwaring nagtatampo.
'Chandria, lets go tito is waiting for us'