Chapter 1
"Julie, we're here!"
May narinig akong mga sumisigaw at tinawag pa ako.
Hinanap ko kung saan nanggaling yung mga sigaw at nakita ko naman. Namiss ko sila.
"Ninang! Sammie! Tinnie!"
I arrived in San Francisco International Airport and I saw my Ninang Mariti with Sammie and Tinnie waiting for me.
I ran towards them and hugged them.
"Namiss ko kayo!"
"Namiss ka rin namin." Sabi ni Sammie.
Ginulo rin niya yung buhok ko. Trip nanaman ako nito eh.
"Teka, Ja?" Si Tinnie yan na nakakunot pa ang noo. Problema nito?
"Oh?"
"Hindi mo kasama si Elmo?" Nagtataka niyang tanong.
Paano naman nasama si Elmo sa usapan? At teka, bakit niya hinahanap si Elmo?
Bahagya akong natigilan bago ko siya nasagot.
"Ha? Hindi. Ahh.. Tara na guys. Uwi na tayo. Napagod ako sa biyahe." Pag-aaya ko. I don't feel like talking about him. I just don't.
"Pero, bakit m---"
May sasabihin pa sana si Tinnie pero sumingit na sa usapan si Ninang.
"Girls, awat na. Uwi na tayo. Mukhang napagod talaga sa biyahe si Julie." Sabi ni Ninang na nakatingin sakin na para bang sinusuri ako.
Buti nalang nakaramdam si Ninang. Alam kong parang naguguluhan siya pero sasabihin ko rin naman eh. Hindi lang muna ngayon.
"Thanks, Ninang."
I'm Julie Anne San Jose. A famous celebrity. A girl who just broke up with her first love and first boyfriend weeks ago. I've been with him for like 3 years. Then, I don't know what happened. I just felt like breaking up with him. Probably, I just got tired. Tired of being the most understanding girlfriend. Tired of those trashy issues. Tired of being hurt every time possible. And tired of loving him. Maybe.
For weeks now, I realized that I became impulsive. And now, I'm regretting saying those words at him. Right now? I wanted to fix myself and make it up to him, if he'll allow me.
------------------------------
Tok! Tok! Tok!
"Kuya? Kuya?"
Narinig ko si Arkin na kumakatok at tinatawag ako pero hindi ko nalang pinansin. Wala ako sa mood.
Naramdaman kong pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Bakit ba nakalimutan kong maglock ng pinto? Tsk. Nasa Antipolo pala ako ngayon. Actually, since that night dito na ako natutulog.
"Kuya? Dinner na. Baba ka na daw."
"Busog pa 'ko, Barq. Kayo nalang." Walang gana kong sabi.
"Kuya, paano ka mabubusog eh hindi mo nga naubos yung kinain mo kaninang lunch? Tapos buong maghapon kang nagkulong dito sa kwarto mo. Don't you have work today?"
"Just go, Arkin."
"Kuya, si Ate ba?"
"Arkin! I said just go. Leave me alone!" I shouted.
Nagulat siya kaya napayuko siya.
"Sorry, Kuya."
Lumabas siya ng kwarto ko kasabay ng pagpasok ni Kuya Frank.