Nandito ako ngayon nakasulyap sa kanya sa malayo.Hindi ko alam kung paano aaminin hindi ko alam kung paano ko sisimulan.Ayokong ma akwardan siya sakin at lalong ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa bwiset ng feelings na to.
"Huy bestfriend! Layo ng iniisip natin ah" napatingin ako sa kanya.
"Ganyan naman tayo eh hanggang bestfriend nalang" sabi ko, napatakip ako sa bibig ko ng marealize ang sinabi ko.
"Ano? Hindi kita maintindihan" sabi niya na mukhang naguguluhan rin.
Nakakainis ka naman Deb ano ba kasing pinagsasasabi mo!
"N nevermind" pag iiba ko ng topic.Mahirap na baka mabuking pa.
"Ano ba yang iniisip mo bestfriend?" tanong niya.Tss kung alam mo lang na ikaw ang laging nasa isip ko.
"Kasi naman yung kaibigan ko may gusto siya sa bestfriend niya kaso naguguluhan siya kung aamin ba siya o hindi takot kasi siya sa rejection" pagkukwento ko sa kanya.Actually ako talaga yun iniba ko lang syempre di pa ito yung tamang panahon para sa pag amin ko no ayoko naman ma reject first love ko siya tapos first rejection rin? wag ganon masakit.
"Kung mahal niya talaga yung kaibigan niya aaminin niya" sabi naman niya.
"Eh pano kung mareject ako paano kung ayaw niya sakin pano?" tuloy tuloy kong sabi.Nadulas na ko kainis pano na to?
"Hindi kita magets Deb paliwanag mo nga" sabi niya.
"Wala yun!" sabi ko at tumakbo palayo.I can't love him, masasaktan lang siya at mas masakit sakin yun.
Russell's POV
Naguguluhan na talaga ko kay Debbie.She's acting weird this past few days.I'm sure there's something bothering her and I need to find it out.
Kanina kasi may kinuwento siya tapos parang siya yung tinutukoy niya.Argh! Kainis siya she's driving me crazy her words and action driving me crazy I hate it.
Bright, cold silver moon.
Tonight alone in my room.
You were here just yesterday.
"Hello?"
["Pre si Anica nandito umiinom broken hearted ata"] sabi ni Ken sa kabilang linya.
["Nasaan kayo?"] I asked while half running papunta sa motor ko.
["Sa Unknown Bar"] he said, I ended the line and start the engine.Bastos na kung bastos pero sa susunod ko na iisipin yun.She's my priority my one and only.
Nakarating agad ako sa bar at nakita ko siya.She look lifeless, gumuho ang puso ko sa nakita ko.I'm sure break na sila ng g*go niyang boyfriend.Masakit sakin na makita ang pinakamamahal ko na nasasaktan dahil sa iba.Kung ako nalang sana pero hindi eh hanggang kaibigan lang ang tingin niya sakin.
BINABASA MO ANG
Friendzoned
RomanceYou only regret the chances you didn't take, life is short there is no time to leave important words unsaid. (c) miculshiin 6.7.15